68: The Reunion

470 73 18
                                    

CHAPTER 68

The Reunion

VINCE POV

ITO ANG KINATATAKUTAN ni Tito Lee. At ang pinakahihintay ng lahat. Ang malaman ang katotohanan.

Walang araw ang hindi ko naisip ang mararamdaman ni Jenny pag nalaman niya ang totoo.

Hindi ko pa siya nakausap simula nung hinatid ko siya sa bahay nila. And I felt something strange feeling about it.

Na tila may mali sa mga nangyayari.

"Vince, nakontak mo na ba si Jenny?" agad kong inayos ang aking sarili dahil sa pagdating ni Tito.

"Ah Tito kasi...." nagdadalawang isip kong wika habang hawak ang aking cellphone.

Kanina ko pa tinawagan si Jenny at Nathalie pero, wala sa kanila ang sumagot.

"Samahan mo ako, Vince. Puntahan natin sila" napatingin ako kay Tito.

Bakas parin sa mukha niya ang lungkot at takot.

"Tito, ano na naman yang mukha ninyo. Akala ko ba, aaminin niyo na kay Jenny ang totoo." mahinahong sabi ko rito.

He tapped my shoulder. "It's not easy. But I will do it. Tara, samahan mo ako at puntahan natin si Jenny." walang pag-alinlangan akong tumango bilang pagsang-ayon.

Kapag umamin si Tito, pasan niya ang responsibilidad na maaring maging dahilan ng pagsira ng tiwala ni Jenny sa kanyang ama.

"Tito... nasa likod mo lang ako" ani ko rito. Ngumiti siya ng bahagya.

Naglakad na kami paalis nang biglang may tumawag sa amin.

"Lee, gusto kong sumama. Para kapag kailangan ni Jenny ng paliwanag---"

"Hindi na kailangan. Ako na ang bahala. I will explain everything to her. Pero hindi ako sigurado kung maging masaya siya sa malaman niya" mahinahong sabi ni Tito.

"Tama ka Lee. Harapin mo dapat iyan dahil ikaw ang ama. Sana, hindi lalayo ang loob ni Jenny sa'yo" diretsong sabi ni Mommy.

"I know. Let's go Vince." wika ni Tito sa akin.

Walang pag-alinlangan akong sumama sa kanya. At habang nasa loob ng kotse, tahimik lang si Tito na tila ba may iniisip. Kaya, hindi ko na lang siya inistorbo.

Pagdating namin sa bahay nila, nakaramdam ako ng kakaiba. Tahimik at walang tao.

Nagsimula na kaming bumaba ng kotse. Nag-doorbell si Tito Lee.

Walang sumagot kaya, nag-doorbell ulit siya.

"Veronica! Nathalie! Jenny! Nandito na ako!" sigaw ni Tito sa labas ng bahay nila.

Ngunit, walang sumagot.

"Jenny!" tawag ko sa pangalan niya.

Wala ring sumagot.

Naisipan ni tito na pumasok sa loob. Naka-bukas ang pintuan ng kanilang bahay.

Nagmamadaling tumakbo si Tito papasok sa loob at ganoon rin ako.

Pagpasok namin, wala nang halos gamit ang buong sala.

"Jenny!" tawag ni Tito sa pangalan niya. Ngunit, wala paring sumagot.

Nagmamadaling umakyat si Tito sa hagdan at ako naman, ay dumiretso sa may kusina.

"Jenny!" tawag ko ulit sa kanya.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now