51: Already Prepared

408 64 5
                                    

CHAPTER 51

Already Prepared

PRINCE POV

BIYERNES na ngayon. Isang araw na naman na kasama ang Jenny na 'yun. Kanina pa ako gising. Sa katunayan nga ay, hindi ako makatulog kagabi. Dito siya natulog sa kwarto ko. Dalawang beses na siyang nakatulog dito. Swerte niya talaga.

Bakit nga ba hindi ako makatulog ng maayos? Ang totoo niyan, bukod sa naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ni Jenny kung bakit hindi ako makatulog. Nangyari ito noong unang gabing nandito siya sa kwarto ko.

Hayst. Huwag na isipin. Wala lang ito. Mawawala rin itong mga iniisip ko tungkol sa kanya.

Natutulog pa rin siya ngayon. Naka-upo ako habang pinagmamasdan siyang natutulog sa may sofa. Nakaharap ang mukha niya dito banda sa akin. She's still innocent.

Balot na balot parin ako ng kumot. Ang lamig kase. Mamaya na ako magsusuot ng t-shirt. Maliligo din naman. Buti na lang, hindi niya pinagnasahan itong abs ko. Kung ibang babae nakasama ko, malamang. Bumigay na iyon sa akin. Pero, iba itong si Jenny. Tsk.

Kagabi, sinabi niya sa'kin na nag-alala siya kay Marky. Dahil kapag umamin siya, masasaktan raw kaibigan ko. Kinausap ko siya. Sinabi ko na, kapag masaktan si Marky... hindi ko siya mapapatawad. Kaya ang sabi niya, susubukan niya raw. Pftt.

Wala eh. Alam kong hindi niya kasalanan pero, para sa'kin kasalanan niya. Dapat hindi na lang siya naging mabait kay Marky para naman hindi aasa si Marky sa kanya.

Grabe, ibang klase talaga ang Jenny na 'to. Akala ko dati, hanggang nerd lang siya. Pero ngayon, nagkagusto sa kanya ang kaibigan ko.

'Bakit ba ganito ang mga taong 'to? Pero, paano ba magkagusto sa isang tao?...'

Nakita kong gumalaw siya ng bahagya. Dali-dali akong lumapit sa kanya nang mapansin kong, mahuhulog na siya. Buti na lang, napigilan ko ang paghulog.

Ano kayang meron sa kwintas niya?

Dahan-dahan akong yumuko para makita ng malapitan ang hitsura ng kwintas.

"Woah, it looks like a real diamond. Parang may karugtong itong kuwintas ah...." dali-dali akong umatras at bumalik sa pwesto ko nang bigla siyang gumalaw.

Narinig ko siyang humikab kaya dali-dali akong humiga at nagkunwaring tulog.

"Good morning..." napatigil siya sa sinabi niya. "May tulog pala... Baka magalit na naman. Hmpk!" rinig kong sabi niya.

Mukhang maganda ang naging tulog niya ngayon ah. Di porke't dadalawin siya ni Marky dito, ganyan na siya.

Narinig ko ang mga yapak niya na papalapit sa akin. 'Ano na naman kaya ang binabalak ng babaeng 'to?...'

"Grabe, tulog pa rin siya? Tsk. Mabuti na lang, hindi pumasok si Lisa ngayon. Buong araw kaming nagkukuwentuhan. Yehey!" rinig ko ang tuwa sa boses niya. "Kainis na lalaking 'to. Hoy Mr. Cortes. Alam kong ayaw mong maging malungkot si Marky pero sana, isipin mo rin dapat ang nararamdaman ng isang tao." sabi niya pa.

Ano bang pakialam ko sa nararamdaman niya?

"Hayst! Bakit ba kasi ako nagustuhan ng kaibigan mo? Eh magbestfriend naman kami." buntong hiningang sabi niya pa.

Naramdaman kong bigla na lang may umupo sa kama ko. 'What? Anong karapatan niya para umupo!?...'

Ang sarap sipain. Di porket naka-pasok siya sa kwarto ko, may gana na siyang gawin ang gusto niya.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now