CHAPTER 46
Jenny's Thoughts
JENNY's POV
"JENNY, WAKE UP" boses agad ni mommy ang bumungad sa umaga ko.
"Opo!" tugon ko sa pagtawag niya.
Today is Sunday. Kahapon, nagsimula na namang uminit ang ulo ni mommy sa akin. Lalo na noong hindi ako naka-uwi sa bahay.
I already explained everything. But she didn't listen. Pero, kasalanan ko naman kasi. Kasalanan ko kung bakit ako napagalitan.
Naging maayos ang exam ko noong biyernes. Sa wakas nga, ay natapos na ang exam namin. After noong exam, sinamahan ako ni Vince sa office ng school doctor. Sabi nang doktor, imo-monitor ko lagi yung heart rate ko. At iinumin yung gamot.
And on that day, nagpapasalamat ako sa sarili ko dahil, naiwasan ko si Prince. Hindi ko rin makalimutan 'yung pagtulong niya sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, malamang absent ako sa exam. Natuturuan din niya ako. Kahit ayaw ko sa kanya, feeling ko ligtas ako kapag kasama ko siya. Pero lahat ng 'yun, wala na. Iniiwasan ko na siya. Hindi na dapat siya kasali sa mga iniisip ko.
Biglang may nagmessage sa akin. It's Vince. Binasa ko message niya.
"Jenny, goodmorning. Don't skip your breakfast. Text ka lang kung gusto mong lumabas para ma-sundo kita. Pinapapunta ka rin ni Mommy dito sa bahay."
Nag-isip ako ng ire-reply.
Me:
Sorry, pinagbawalan ako ni Mommy na lumabas e. Next time na lang ako pupunta sa inyoPagkatapos kong si-nend 'yun, tumayo ako at nagsimulang mag-ayos ng sarili.
Bukas, magsisimula na kami sa paghahanda para sa gaganaping event on Saturday. But first, kailangan munang maghanap ng partner. Bakit may partner, edi dahil may sayaw. Di pa naman ako marunong sumayaw.
Pagbaba ko ng hagdan, nakasalubong ko si Mommy.
"Bakit ngayon ka lang nagising? Simulan mo nang maglinis ng bahay. Aalis kami ni Nathalie ngayon." sabi nito sa akin.
"Mommy, saan ba kayo pupunta?" tanong ko.
Bihis na bihis sila ngayon.
Nakita kong pababa na rin si Nathalie sa hagdan at nakasuot ng isang cocktail dress.
"Mommy, do I look beautiful na ba?" ngiting tanong niya kay Mommy.
"Yes baby. You looked really gorgeous. Nagmana ka talaga sa akin" kita kong ngumiti si Nathalie sa sinabi ni Mom.
"Ah Mommy---"
"Sige na Jenny, maglinis ka na ah. Pagbalik namin dito, dapat malinis na ang bahay. Kagaya kahapon. Understand?" wala akong magawa kung hindi ang tumango sa sinabi ni Mom.
Kahapon, umalis rin silang dalawa. Samantalang ako, naiwan-naglilinis.
Naunang lumabas si Mommy. Habang si Nathalie, nakatingin sa akin.
Rinig kong napatawa siya ng marahan. "Kasalanan mo kung bakit ka naiiwan dito." sabi niya. "Akala ko, magiging okay na tayo. Pero hindi. Hindi mo naman tinupad ang usapan natin ah. Mas lalo lang nagtataka si Marky sa akin. Iniisip niya na, masama akong kapatid." pagpatuloy niya.
"Nathalie, ginagawa ko naman ah---"
"Just shut up. Pasalamat ka, hindi ko sinabi kay Mom na, sa school ka natulog bago ang exam natin." pagputol niya sa sinabi ko.
YOU ARE READING
HATE ME NOT (BOLS #1)
Teen FictionBook of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behind his facade of confidence, lies a wounded heart, scarred by showing his weakness to others. On the other hand, Jenny, a simple student is...