17: Script

401 60 7
                                    

CHAPTER 17

Script



PRINCE POV

TAPOS NA ang klase namin. At sa buong umaga ko, naiinis ako sa aking nakita.

"Tol, may sasabihin raw si Marky sa'yo" sabi ni Liam sa gitna ng paglalakad.

"Geh, papunta na rin naman-"

"Nasa parking lot na si Marky. Hinihintay ka. Uuwi yata yun ng maaga eh" pagpatuloy niya pa.

"Sige, pupuntahan ko na lang siya. Puntahan mo na sila" utos ko sa kanya.

He nodded at umalis.

Naglakad ulit ako pababa ng hagdan.

Nang nasa pathway na ako, sa akin ang tingin nilang lahat.

"GWAPO TALAGAA ACKKK!"

Napabuntong hininga na lang ako.

'Lagi na lang ganito..'

"Hi, Prince! Pwede ba akong magpa-picture sa'yo?"

Tangina naman.

"Pwede ba, layuan niyo ako." mariing sabi ko.

"Queen, tayo na kasi.. Let's go!" anyaya ng kasama niya.

"Hmpk!"

At, nagsimula na nga silang umalis sa harapan ko.

Nakapamulsa ako habang naglalakad.

I hate those people who acted like they're great.

"Prince!" lumingon ako sa tumawag sa'kin.

"Yes, Trisha?"

"Ano kasi, uhm... pinapapunta ka ng Dean-"

"Pakisabi, busy ako. May gagawin ako ngayon. Sige." pagpatuloy ko bago siya iniwan.

Pagkarating ko sa parking lot, si Marky agad ang nakita ko.

"Tol, ang tagal mo naman!" reklamo niya.

"Tsk. Kasalanan ko ba kung sinasalubong nila ako para lang magpa-picture?" walang ganang tanong ko.

"Ibang klase ka din. O siya ito oh.." may inabot siya sakin na papel.

Binasa ko yun. "Eh ano namang gagawin ko dito sa script na toh?" tanong ko sa kanya.

"Well, may lakad ako ngayon. Nagpaalam na ako sa mga subject teacher ko-" biglang naputol ni Marky ang sasabihin dahil biglang may dumating.

"Hi, diba ikaw si Marky?" biglang lumapit yung babae sa kanya.

'Woah, ang lakas ng loob ah..'

"Kilala mo ako pero nagtanong ka pa? Pftt!" singhal naman ni Marky.

"Oh, yeah hahahaha. By the way, I'm Nathalie Salvador-"

"I know you. New student, right?" diretsong tanong ni Marky.

I laughed a bit.

Ito ang Marky na kilala ko.

"Yeah, new student ako kaya nga naghahanap ako ng kaibigan.. baka ikaw gusto mong-"

"Miss, may lakad ako ngayon. Makakaalis ka na." malamig na sabi ni Marky.

"Oh, okay!" kita ko naman na napahiya yung babae.

Pftt! Buti nga. Ang lakas kasi ng loob. Di porket bagong dating.. hahaha!

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now