10: Trouble

479 73 6
                                    

CHAPTER 10

Trouble

PRINCE POV

NAKAKAINIS AKALA mo, ikinaganda niya yung itsura niya ngayon.

'Pangit parin'

"Hi, pwede magpa-picture?" salubong sakin ng isang babae.

"Hindi pwede." malamig kong giit na ikinainis nila.

Gwapo naman talaga ako pero ayaw ko namang aabusuhin yun ng mga babae.

Pagkarating ko sa loob ng restaurant, nakita ko agad yung mga kaibigan ko na nasa iisang mesa, kumakain.

"Oh andyan na pala si Prince" rinig kong sabi nila habang papalapit ako sa mesa.

"Tol, pakibilisan naman ang lakad nagugutom na ako eh" reklamo ni Lance.

"Kumain na tayo" rinig kong sabi ni Marky.

"Ohh, by the way... Prince ba't parang ang tahimik mo ngayon? May iniisip ka ba?" tanong ni Jack.

"Ang pangit niya! Akala mo kung sino!" nabigla ako sa sinabi ko.

'Damn! Ano bang pinagsasabi ko?'

"Luh, Prince nag-drugs ka ba? Bakit ka nagsasalita ng mag-isa?" takang tanong ni Liam habang nakangisi.

"Bigla-bigla ka na lang nainis diyan. Pftt!" tawang sabi nila.

"Sino ba yang iniisip mo ba't parang galit ka?" mahinahong tanong ni Marky.

I smirked at them pagkatapos umiling. "Ahh wala..Alam niyo kumain na nga lang tayo" pag-iiba ko ng usapan.

Kita ko namang napailing sila. "Mga loko, kung ano yang iniisip niyo bahala kayo!" giit ko ulit.

"Well, sabi mo eh." ngising sabi ni Jhon.

"By the way, pagkatapos nito dun tayo sa may dagat para makaabang tayo ng chicks" giit ni Liam at bakas sa boses ang pagka-excited.

"Bahala nga kayo. Nawalan na ako ng gana dito-"

"Aba'y, hindi pwede yan tol. Ang mahal kaya ng binayad ko kay Dad para lang maging libre tayong lahat." giit naman ni Jhon.

Walang gana akong tumango. "Fine. Hindi naman tayo aalis agad." giit ko.

Habang kumakain kami, may mga babaeng lumapit at gustong manghingi ng picture kasama kami. Wala kaming choice kundi ang pagbigyan iyon. Sabi pa ni Jhon mabuti nga yun para maraming pupunta sa hotel resort nila.

"Tol, bakit kaya hindi nag-reply si Pauline sa comment ko? Akala mo naman kung sino eh, sa kasama niya lang naman may interesado ako" giit ni Liam habang busy sa cellphone niya.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now