25: First Time

341 65 8
                                    

CHAPTER 25

First Time


PRINCE POV

Ilang minuto rin ang lumipas at pagtitiis, nakarating narin kami sa bahay.

"Ayos!" rinig ko ang tuwa sa boses ni Lisa pagkatapos niyang bumaba ng sasakyan.

Si Lisa, ang baliw kong kapatid.

'Kanina pa ako naiinis sa kanya pero diko magawa kasi nga, kapatid ko siya at kasama pa namin si nerd..'

Nauna siyang bumaba. Ako naman, hindi makababa dahil kailangan ko pang alisin 'yung seatbelt sa kanya- kay nerd.

'Kanina pa siya tulog ah. Sobrang naiinis talaga ako sa babaeng 'to. Sana talaga, iniwan na lang namin siya sa daan..'

"Kuya, buhatin mo na si ate Jen" sabi ni Lisa pagkababa ko, na may pangiti-ngiti pang nalalaman.

Wtf!

"Hoy Lisa. Kanina ka pa ah. Baliw lang ang magkakarga sa kanya." giit ko na ikinangiti nito.

'Yang mga ngiti na yan, alam kong may binabalak na naman siya.

"Talaga? Sige Kuya, bahala ka. Isusumbong talaga kita kay Mommy" sabi niya na may pakagat pa sa labi ang nalalaman.

"At papaano mo naman ako maisumbong? Diba sabi mo---"

"Iba naman 'yung tungkol sa paglilinis noh. Isusumbong lang naman kita dahil may inuwi kang babae sa bahay. Magkukunwari akong walang alam na nandito si ate Jen. At para ikaw ang masisi ni Mom. At para narin maikasal kayo ni ate Jen dahil, alam naman natin na isipin ni Dad na girlfriend mo ang dadalhin mo dito sa bahay. At diba, ang sabi ni Dad... kung sino man ang dadalhin mo dito sa bahay ay, girlfriend mo?" paliwanag pa nito sa'kin.

Napatawa na lang ako. Akala niya siguro, maniniwala ako sa sinabi niya.

"Alam ko naman na, sa tv lang yan nangyayari---"

"Sige Kuya, gusto mong i-try?" taas kilay niyang tanong.

"Hoy Lisa. Mas kuya ako sa'yo kaya dapat alam ko ang sinabi ni Dad. Pero ano? Wala nga akong matandaan na sinabi niya 'yun." giit ko.

"Matanda ka na kasi kaya hindi mo na matandaan. Sige na kuya, please? Mas kampante ako na ikaw ang magdadala kay Ate kaysa---"

"Bahala na nga." wala akong magawa kundi ang kargahin si nerd.

Kinarga ko siya. This is my first time na may kinarga akong babae. At ang swerte talaga ng nerd na 'to.

"Grabe, para kayong kinasal---"

"Tatahimik ka o tatahimik?" giit kong tanong kay Lisa na panay ang ngiti.

"Fine. Tatahimik na." sabi nito habang nakangisi.

"Good evening, Sir..." pagbukas ng kasambahay sa pintuan.

"Ahhh, ma'am---"

"Sige na Yaya, salamat sa pagbukas ng pintuan" rinig kong sabi ni Lisa.

Dumiretso na ako sa may hagdan pataas ng biglang...

"Kuya, sa kwarto ko na lang siya matutulog!" mahinahong sigaw ni Lisa sa'kin.

"What? Eh---"

"Kuya, remember wala tayong guest rooms dito. Only mga kasambahay lang natin ang may rooms. At ako lang naman ang pinakamabait kaya, pakilagay si Ate Jen sa room ko---"

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now