Chapter Fifteen

1.4K 120 3
                                    

Kernan's Point Of View

"Bakit ka pumayag sa kagustuhan ni mom? Pwede ka naman tumanggi sa kanya eh."
Sabi ni Treyton sa akin habang nandito kami ngayon sa kwarto nya.

Oo, Sa iisang kwarto lang kaming dalawa.

Ewan ko ba sa lalaking 'to, parang bawal ako mawala sa paningin nya.

Kanina nga habang kumakain kami ng breakfast ay nagpaalam ako sa kanya na iihi lang ako saglit at sabihin nalang nya sa'kin kung saan ang banyo nila.

Aba't, tiningnan ba naman ako ng masama at nagalit pa sa'kin.

Sasamahan nadaw nya ako. Syempre, hindi narin ako nakatanggi sa kanya dahil nasa harapan kami ng mom at kapatid nya.

"Hayaan muna, Hindi naman siguro mahirap ang ipapagawa sa'kin ng mom mo."
Sagot ko sa kanya habang naglalabas ako ng mga damit ko mula sa aming bag.

Bigla ay nabato ako sa kinatatayuan ko ng bigla ay yakapin nya ako mula sa likod at dahan dahan na hinalikan nya ko saking leeg.

"Mom ko? Mom mo narin yun."
Bulong nya pa sa tenga ko.

Maya maya ay naramdaman ko nalang ang kamay nya na pumapasok na sa loob ng tshirt ko pataas dibdib ko.

"Treyton.."
Pag awat ko sa kanya pero patuloy lang sya sa ginagawa nya na parang walang narinig.

"Treyton, Pagod pa'ko sa biyahe natin kanina."

"Saglit lang to."
Kagat labi na sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Treyton."

Bigla ay naitulak ko sya na nasa ibabaw ko ng biglang bumukas ang pinto.

Narinig kong napamura sya ng mahina at napatingin sa may pinto.

Nandun ang isa sa mga maid nila at nakatayo. Nanlalaki ang mata na nakatingin sa amin.

Nakakahiya.

"Bakit? Sana kumatok ka muna bago ka pumasok."
Mataas na boses na sabi ni Treyton dun sa maid nila.

Bakit ba biglang ang init ng ulo nito?

"Sorry po sir."
Hinging paumanhin ni Ate at napayuko.

"Gusto po daw kasi kayo makausap ng mom mo."

Nakabusangot na tumayo si Treyton at sinuot ang tshirt nya. Nahubad nya na kasi ito kanina nung hinahalikan nya ako.

Buti nalang at dumating si Ate.

"Sige, Susunod nalang ako."

Pagkasabi nun ni Treyton ay umalis na agad ito.

"Okay lang ba iwan muna kita dito sa kwarto? Kakausapin daw ako ni mom eh."

Tumango ako sa kanya.

"Okay lang ako dito."

"Wag kang lalabas okay?"

"Okay."
Nakangiting sagot ko.

Pagkalabas nya ng kwarto ay napatingin ako sa mga picture frame na nandito sa kwarto nya.

Hindi ko maiwasan ang mang gigil sa kanya ng makita ko ang itsura nya nung bata pa sya.

Ang cute eh.

"Bakit nung bata kapa? Mukhang kang inosente at napakacute. Bakit ngayon iba na?"

Baliw na ata ako at kinakausap ko na'tong larawan nya. As if naman sasagot 'to sa mga tinatanong ko.

Napatigil ako sa pagsasalita ko ng makarinig ako ng tawa mula sa likuran ko.

Napatingin ako sa likod ko at dun ay bumulaga sa akin ang isang gwapo at matangkad na lalaki.

Sino sya? Bakit basta basta nalang sya pumasok dito?

Sya ba yung sinasabi ni Treyton na Stepbrother nya?

Ngumiti sya sa'kin bago nagsalita.

"I'm Jefferson, Jeff nalang. So, Ikaw pala yung kasama ng kapatid ko nung umalis sya dito?"

Dahan dahan na naglakad sya palapit sa akin.

Ano bang ginagawa nya?

"Ano bang meron sa'yo at nakuha mo ang loob ng kapatid ko?"
Aniya at nilapit ang mukha nya sakin.

"Bakit kaya nababaliw sa'yo ang brother ko?"
Dagdag nya pang sabi.

Ako naman ay natulala nalang sa tanong nya at naliligo na sa aking pawis ngayon dahil sa kaba.

"Ano bang ginagawa mo sa kanya?"

Napatingin kami sa pumasok sa pinto.

Dali dali na napatayo ako mula sa pwesto ko at niyakap ng mahigpit si Treyton.

Natatakot ako sa kanya.

"Oh, Nandyan kana pala."
Nakangiting sabi ni Jeff sa kapatid nya habang nakapamulsa pa ito.

"Lumabas ka dito sa kwarto ko."
Galit na sabi ni Treyton sa kanya.

Ramdam ko ang galit nya kaya hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito.

"Hindi mo ba 'ko namiss? Gusto ko lang naman sya makita."
Aniya at ngumiti sakin.

"Natanong mo ba sya kung gusto karin nya makita?"

Natawa sya ng mahina.

"Aalis nako lovers. Enjoy nyo ang pag stay nyo dito."
Nakangiting sabi nya at naglakad papunta sa may pinto.

Pero bago sya lumabas ay napatingin sya saglit sa'kin.

"Okay kalang? Bakit ba kasi di ka naglock ng pinto nung lumabas ako ng kwarto?"
Galit na sabi ni Treyton sa akin.

Napayuko nalang ako.

Napahinga sya ng malalim at niyakap ako ng mahigpit sabay hinalikan ako sa aking noo.

"Next time, pag lalabas ako at maiiwan ka dito sa kwarto. Mag sara ka ng pinto, Okay?"
Aniya.

Tumango lang ako sa kanya at niyakap sya pabalik.

A/N: Actually, Balak ko sana na itigil na ang story na'to. Kaso pag open ko ng account ko. Andaming nagvovotes at patuloy na nag aadd ng story na'to sa library nila,  Kahit last year pa nung huli akong magupdate. Nakakatuwa lang. :> Thankyou po!

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now