Chapter Eleven

2K 76 1
                                    

Kernan's Point Of View

Bigla ay natulala ako sa sinabi nya. Mahal nya talaga ako? Ibig sabihin ba nun...?

"Bakla ka?"
Tanong ko sa kanya.

Natigilan sya sa sinabi ko at napahawak sa noo nya.

"Hindi ko alam, Basta isa lang ang alam ko. Ayokong nawawala ka sa paningin ko."
Sagot nya na tila naguguluhan. Ayaw nya kong nawawala sa paningin nya?

"Kung mahal mo ko, hahayaan mo kong sumaya kasama ang mga magulang ko."

"Pwede ka namang sumaya ng kasama ako."

Napanguso nalang ako sa sinabi nya. Bakit ko ba kasi kinakausap pa ang taong 'to eh.

"Bababa na'ko, Magluluto nalang ako ng lunch natin."
Paalam ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at bumaba nako, pagkatapos ko magluto ay kumain narin ako.

Wala kong balak na ayain sya kumain. Naiinis parin kasi ako sa kanya.

"Kumain kana?"

Napatingin ako sa likuran ko. Nandyan na pala sya. Tumango lang ako sa kanya.

"Kumain ka ng hindi ako kasabay?"

Madalas kasi kami sabay kumain, ngayon lang hindi.

"Oo, Bakit? May problema ba dun?"
Tanong ko sa kanya at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Tapos na pala kong kumain."
Sabi ko at naglakad ako papunta sa lababo para hugasan ang plato na ginamit ko.

Habang naghuhugas ako ay hindi ko sya tinitingnan. Gusto ko lang naman iparamdam sa kanya na naiinis ako sa ginawa nya sa mga magulang ko.

Pagkatapos ko mag hugas ay akmang papasok na ako sa kwarto namin ng pigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa mga kamay namin pagkatapos ay sa kanya.

"Ano?"

"Hindi ka pwedeng magalit sa akin, magkasama lang tayo sa iisang bahay."

"So?"

"Hindi maganda na may galit kang nararamdaman sa akin."

"Okay."
Tipid na sagot ko at hinila na ang kamay ko mula sa kanya at pumasok na sa loob.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad na dumapa ako sa kama namin.

Nakauwi na kaya sila sa bahay? Sana ligtas na nakauwi ang Inay at Itay.

Treyton's Point Of View

Pagkapasok ni Kernan sa kwarto namin ay napahinga ako ng malalim. Shit. Ayoko ng nagagalit sya sa akin.

Pagkatapos ko kumain ay naisipan ko na tawagan si Dan, Isa sa malapit na kaibigan ko.

Isa sya sa pinag kakatiwalaan ko na humahawak ng restaurant ko, Oo. Isa akong restaurant owner pero bihira ako pumunta sa sariling restaurant ko.

"Oh bro? Napatawag ka?"
Gulat na sabi nya sa kabilang linya. Bihira ko kasi sya tawagan maliban kung kakamustahin ko ang resto.

"May problema eh."
Sagot ko sa kanya.

"Si Kernan ba yan?"
Tanong naman nya sa kabilang linya. Kilala nya si Kernan pero hindi nya pa ito nakikita ng personal.

Isang beses nag send ako sa kanya ng picture ni Kernan habang natutulog ito, Sabi nya cute daw ayun isang malutong na mura ang natanggap nya mula sa akin.

"Oo, Galit sya sakin bro."

"Bakit ba sya nagalit sayo?"

Kinuwento ko sa kanya ang lahat mula sa pag payag ko na dumalaw ang mga magulang ni Kernan dito hanggang sa pag papaalis ko sa mga ito dahil sa narinig ko.

"Kahit sino bro, magagalit sa ginawa mo. Natural mga magulang nya yun eh."

"I know."

"Kaya ka tumawag sakin ngayon kasi hihingi ka ng advice kung pano sya susuyuin?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Susuyuin? Ano yun?"

"Makikipagbati."

"Oo nalang."

"Lalaki si Kernan pero mukha syang babae.."

"Dan."
Seryoso ang boses na binanggit ko ang pangalan nya.

"Okay,"
Natatawang sabi nya.

"Bilhan mo kaya sya ng teddy bear o kaya flowers."
Suggestion nya.

"Ayaw nya nun. Hindi naman daw sya babae."
Mabilis naman na sagot ko.

"Alam ko na."

"Ano? Pwede ba wag kang sumigaw? ansakit sa tenga."
Inis na saad ko.

"Haranahin mo sya."

"Ano?"
Gulat ko namang sabi.

"Ano to? 70's? Baduy, Uso pa ba yun?"

"Ganun ginawa ko sa asawa ko nung isang beses na nag away kami at kinilig sya ng sobra nun sa akin nung ginawa ko yun sa kanya."

Yes. Mag asawa na sya, Isang taon silang kasal pero hindi pa sila nabibiyayaan ng anak.

"Bro, Para namang hindi mo pa narinig ang boses ko."
I said to him.

"Bro, Hindi naman pangit boses mo eh."

"Tingin mo magwowork ito sa kanya?"

Bihira akong kumanta, ang mga malalapit ko lang na kaibigan ang nakakarinig palang ng boses ko.

Pero hindi na ngayon, dahil haharanahin ko na si Kernan.

"Hindi natin malalaman, kung hindi mo susubukan."
Natatawang sabi ni Dan sa kabilang linya.

Ano kayang magiging reaksyon ni Kernan sa harana ni Treyton? :"> Sorry late update. Busy sa work eh. :>




He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now