Chapter Seventeen

1.4K 81 7
                                    

Kernan's Point Of View

Kasalukuyan akong natutulog ng biglang may yumakap sakin mula sa likod dahilan para magising ako.

Si Treyton.

"Pasensya kana sa sinabi ng mom ko tungkol sa'yo. Bukas na bukas ay aalis na tayo dito."
Bulong nya sa tenga ko habang nakayakap sya sa akin.

Umiling iling ako.

"Wag."
Sagot ko sa kanya at hinarap sya.

Kahit nakakunot na ang noo nya ay ang gwapo nya parin.

"Bakit? Dahil ba ito sa sinabi nya sa'yo na kailangan mo patunayan ang sarili mo na nararapat ka para sakin?"
Tanong nya at hinawi ang buhok ko na nagkalat sa noo ko.

"Kalokohan 'yun."
Aniya.

Napalabi ako.

Kahit kalokohan 'yun para sa kanya ay gusto ko parin na gawin ko.

Gusto kong patunayan sa pamilya nya na hindi ko habol ang pera nila o anuman.

Alam ko naman na 'yun ang iniisip ng mom nya sa akin at hindi ko naman masisisi ito. Marahil ay sobrang mahal lang nya ang anak nya kaya sya ganun.

Napatingin ako kay Treyton ng kunin nya ang kamay ko at nilagay iyon sa dibdib nya.

Namula naman ang mukha ko sa ginawa nya.

Wala kasi syang suot na pang itaas.

Ganyan din naman sya sa bahay nya kapag matutulog na kami pero hindi parin ako sanay.

"Nagbublush kaba? Tigas ng dibdib ko noh?"
Nakangising sabi nya sakin.

"Hindi ah, Kapal nito."
Sagot ko naman. Indenial pa talaga ko kahit sobrang obvious na.

Nakatulog kaming dalawa ng ganun ng pwesto namin. Nakahiga ako sa dibdib nya habang inaamoy namin nya ang buhok ko.

Maaga ako nagising kinabukasan. Napatingin ako kay Treyton na mahimbing na natutulog.

Napangiti ako at mabilis na hinalikan ko sya sa kanyang labi.

Dahan dahan na tumayo ako mula sa kama namin para hindi sya magising.

Alam ko na napuyat sya kagabi sa pag iisip sa sinabi ng mom nya tungkol sa akin.

Kinuha ko ang kumot at nilagay iyon sa katawan nya.

Mahirap na, mamaya may pumasok na katulong dito at makita ang katawan nya na dapat ay akin lang. Joke lang!

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumulaga sa akin ang isang katulong na akmang kakatok narin sana sa pinto.

"Nakakagulat naman po kayo. Sir."
Gulat na sabi nito at napahawak pa sa kanyang dibdib.

"Sorry po ate."
Hinging paumanhin ko naman.

"Sige lang, Okay lang po sir. Pinapatawag po kasi kayo ni madam sa kwarto nya."

Pinapatawag ako ng mom ni Treyton. Bakit naman kaya?

"Bakit daw po?"
Tanong ko na kinakabahan ng kunti.

"Di ko po alam eh."

"Ah sige po, Maghilamos lang po ako at pupunta na po ako dun."

"Sige po."
Ngiting sagot sakin ni Ate. Mukhang masayahin to si Ate at palabiro.

Pagkatapos ko maghilamos ay agad na dumiretso ako sa kwarto ng mom ni Treyton.

Nagtanong pa ko kung san ang kwarto nito dahil maraming kwarto ang nandito sa bahay nila.

Bakit kaya di nila paupahan yung iba? Sayang yung kwarto eh. Wala namang tumutuloy.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay namangha ako. Malaki pala ang loob nito.

Napatigil ako sa pag tingin ng biglang may tumikim.

Ang mom ni Treyton.

"Pinapatawag nyo daw po ako?"
Sabi ko at pilit na ngumiti.

Tiningnan nya ko pababa at uminom sa hawak nyang tasa.

"Oo. Pinapatawag nga kita."
Anito.

"Mamamalengke ang isang katulong, Sumama ka sa kanya."

"Po?"

"Marunong kaba mamalengke?"

Tumango ako.

"Opo."

"Sigurado naman ako na marunong ka nun dahil laki ka sa hirap."

Hindi nako nakapagsalita sa narinig ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dila.

"Sige na, Mag bihis kana at aalis na kayo."

"Sige po."

"Oo nga pala."

"Bakit po?"

"Wag na wag mong sasabihin kay Treyton na mamamalengke ka kasama ang isang katulong."

"Makakaasa po kayo."

"Good."

Pagkalabas ko ay dumiretso agad ako sa kwarto at nagbihis ng damit. Napatingin ako kay Treyton na tulog parin.

Hinalikan ko sya sa kanyang noo bago ako lumabas.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang isang katulong. Sya marahil yung makakasama ko sa pamamalengke.

Mainit pa naman ngayon at tirik ang araw sa labas.

"Tara na?"
Aniya sakin. Tumango ako.

Naglalakad na kami ng biglang may isang lalaki ang humabol sa amin.

"Rosalyn."
Tawag nito sa kasama ko.

"Ano ba yun pablo?"
Inis na sabi ni Ate na nasa mukha ang pagkainis.

"Hindi nyo ba ko isasama sa pamamalengke nyo?"
Tanong ni Kuya Pablo.

"Hindi."

"Kung ganun, Sinong magdadala ng mga mapapamili nyo?"

"Sino pa ba?"
Ani Ate at tinuro ako.

"Sya. For sure, Kaya nya naman ang mga yun kahit payat sya."

Ako? Ako ang magbubuhat ng mga mapapamili namin mamaya?

Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ako sanay magbuhat ng mabibigat. Hindi ako pinapabuhat ng mga magulang ko dahil sakitin nga ako at payat talaga.

"Ano? Sigurado ba si madam sa pinapagawa nya dito sa batang 'to?"
Ani Kuya at napatingin sa akin. Ramdam ko na nag aalala sya para sa'kin.

Happy 4.4k Reads sa atin. at #8 tayo sa bxb ranking. Masaya nako dun. Hehe!

I think, Sisimulan ko na ngayon na mag edit sa story na'to. Feeling ko kasi marami akong typos sa story nato. Trip ko lang kasi talaga sya nung una, Try ko lang kung may magbabasa ba.

Vote and Comment po. Thankyou sa inyo :>

He Owns Me (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon