Chapter Fourteen

1.5K 73 6
                                    

This chapter is for you ERIEX_ Thankyou sa pagbabasa at sa comment mo. Kinilig ako hehe.

Kernan's Point Of View

Maaga kami nagising ni Treyton, Heto nga at kakatapos lang namin magbreakfast. Nagbibihis na ako ngayon.

Napatingin ako sa mukha ko sa salamin. Kainis naman, Sa dinami daming araw na tutubuan ako ng pimples ngayon pa talaga.

Argh, at talagang sa ilong pa.

"Bakit nakabusangot yang mukha mo?"
Tanong ni Treyton na nasa aking likuran.

"Panong di ako bubusangot, ikaw kaya tubuan ng tigyawat."
Sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang pagmumukha ko sa salamin.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nyan?"

Napatigil ako sa pag tingin ng mukha ko at napaharap sa kanya.

"Ano?"
Curios na tanong ko.

"Patay na patay ka sa akin."
Sagot nya sabay tawa ng malakas.

Lumakad sya palapit sa akin at kinuha ang suklay na nasa tabi ko sabay sinuklay ang buhok nya.

"Mauuna nako sa labas, wag kana masyadong magpaganda. Baka mapaaway na naman ako."
Natatawang sabi nya bago lumabas.

Baliw talaga yun.

Nakasimpleng tshirt lang naman ako at pants. Actually, Ayoko talaga sa tshirt kasi maiinit pero pinagpipilitan ni Treyton na isuot ko tong tshirt nya.

Oo, Tshirt nya ang suot ko.

Imagine, ang laki laki ng katawan nya tapos susuotin ng isang payat na katulad ko ang tshirt nya?

Ganun ang itsura ko ngayon. Mukha akong tatay na ewan. Wala kong choice eh.

Pagkalabas ko ay nandun na ang kotse sa labas. Dali dali na pumasok ako sa loob ng kotse.

Naeexcite ako na kinakabahan.

Una, hindi ko pa nakikita ang mga magulang nya at ito ang unang beses na makikilala ko sila.

Pangalawa, hindi ko alam kung tanggap ba nila na lalaki din ang nagustuhan ng anak nila.

Napatingin ako kay Treyton ng hawakan nya ang kamay ko. Napangiwi nalang ako.

Anong hinahawak hawak mo dyan huh?

"Halatang kinakabahan ka, don't worry. Mabait ang pamilya ko. Oo, pinilit nila ako dati na ipakasal sa babaeng hindi ko mahal pero mabait sila at I'm sure na matatanggap ka nila."
Nakangiting sabi nya.

"Hindi ako kinakabahan ah."
Sagot ko naman sabay bawi ng kamay ko. I'm not nervous.

"Talaga ba? Kitang kita kasi sa mukha mo na kinakabahan ka eh."
Natatawang sabi nya.

"Shut up, Paandarin mo na nga lang tong kotse."

"Yes boss."
Aniya sabay paandar ng kotse nya.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay napapatingin ako sa labas.

Makikita mo ang mga tao na masaya. Masaya sila kahit hindi sila mayaman basta't kasama nila ang pamilya nila masaya na sila.

Napatigil ako sa pag iisip ko ng biglang tumunog ang radyo.

Napatingin ako ng masama kay Treyton na ngayon ay nakikinig ng music mula sa radyo na binuksan nya.

"What?"
He asked me.

What what ka dyan. Kita mong nag eemote ako dito eh.

"Malayo pa ba yung sa inyo?"
I asked him.

Isang oras na kaming nagbibiyahe eh, Medyo nahihilo narin ako. Hindi kasi ako sanay sa mga biyahe eh. Lalo na pag may aircon.

"No, Malapit na tayo."
Sagot nya sabay tingin sa akin.

"Bakit? Nahihilo ka ba?"
Tanong nya.

Tumango ako.

"Oo eh."

"Baka naman buntis kana, Baka nagbunga na yung ginawa natin kagabi."

"Alam mo puro ka kalokohan."
Umiiling iling na sabi ko. Kainis. Kitang nahihilo na nga dito, magsasalita pa ng mga walang kwentang bagay.

"Bakit? Hindi ba pwede na mangyari yun? Hindi tayo gumamit ng protection kagabi diba?"

"Treyton,"
Namumula ang mukha na sabi ko.

Pano nya nasasabi yan sa harapan ko? Hindi ako kumportable ngayon dahil sa mga sinasabi nya.

"Come on babe, tayong dalawa lang naman ang nandito eh."
He said laughing. Kahit na ano.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami ni Treyton sa bahay nila. Sa totoo lang, Ineexpect ko na na malaki ang bahay nila Treyton at tama nga ang hinala ko. Malaki nga talaga ang bahay nila.

"Kayo lang ba talaga ang nakatira dito?"
Tanong ko kay Treyton habang kinukuha nya ang mga gamit namin mula sa likod ng kotse.

Sabi ko tutulungan ko na sya eh, Ayaw nya. Kaya nadaw nya buhatin ang mga gamit namin kahit pa nga daw sumama pa ko eh. Ang yabang noh?

"Oo, Malaki ba ang bahay namin?"
Tanong nya sa akin.

"Anong malaki? Sobrang laki nitong bahay nyo. Pwede pa nga kayong magpaupa dito eh."

"Grabe ka naman."

"Pindutin muna ang doorbell."

Napatingin ako sa doorbell at pinindot iyon.

Bakit ganun? Bakit bigla akong pinag papawisan?

Maya maya ay biglang bumukas ang ang gate at bumulaga sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay maid nila, dahil sa uniform na suot nito.

"Good morning po, Sir Treyton."
Nakangiting sabi nito kay Treyton.

Makangiti naman to kay Treyton, parang nasa commercial lang ng colgate si Ate.

"Ay, may kasama po pala kayo sir. Goodmorning po."
Anito ng mapansin nya ako. Ngumiti nalang ako dito.

Pagkapasok namin ay lalo ako namangha, ang ganda kasi ng bahay nila Treyton. Parang nakikita ko lang sa mga fairytale movies eh.

May mga vase na nakadisplay na sa itsura palang ay masasabi mong hindi biro ang presyo.

May painting din na nasa mga pader. May mga hagdan na sobrang tataas.

"Anak,"

Napatigil ako sa pag tingin ko at napatingin sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko.

Sa tingin ko eto ang mom ni Treyton, may isang babae na nasa tabi nito na nakataas ang kilay sa akin ngayon.

Ngumiti ako sa kanya pero inirapan nya ako.

"Anak, Buti naman at pinagbigyan mo kami ng pagkakataon na makasama ka ulit."
Nakangiting sabi ng ginang sabay yakap kay Treyton.

Mukhang mahal na mahal talaga sya ng pamilya nya. Pero kung mahal nila ito, Bakit nila ito ipapakasal sa babaeng hindi naman nito napupusuan?

"Ikaw ba si Kernan?"

Napatingin ako rito ng sambitin nya ang pangalan ko.

Ngumiti ako at tumango.

"Opo."
Magalang na sagot ko.

"Hmmm, Mukha ka namang mabait pero hindi parin yan sapat."

Huh?

"Lahat ng mga nagiging girlfriend ni Treyton ay dumadaan sa pagsubok namin. Kailangan mo patunayan sa amin na karapat dapat ka nga para sa anak ko."

"Mom,"
Pag singit ni Treyton sa amin. Tiningnan sya ng masama ng mom nya.

"Wag kang makisali dito anak, Usapan naming dalawa ito."
Anito sabay tingin sa akin.

"So, Ano? Tinatanggap mo ba ang hamon namin?"

Napatingin ako kay Treyton pagkapatapos ay sa Mom at kapatid nya.

"Opo, tinatanggap ko po."
Matapang na sagot ko sabay kagat ng ibabang labi ko. Goodluck self.

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now