Chapter Eight

2.5K 107 7
                                    

Kernan's Point Of View

Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ito at hinugasan ko na ang mga plato namin.

Nang matapos ako sa dapat kong gawin ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Treyton.

Dapat ba magsorry ako sa kanya? Bakit ko ba kasi tinanong pa yun sa kanya eh. Hindi ko naman kasi alam na may problema pala sya sa parents nya.

Napatingin ako sa kanya. Natutulog sya habang may kumot na nakabalot sa buong katawan nya.

Napahiga ako sa kama namin at niyakap sya.

"Sorry kanina ah. Dapat di ko na tinanong yun eh."
Hinging paumanhin ko.

"Wala yun. Wag mo kong alalahanin."
Sagot nya na nakatalikod parin mula sa akin.

"Paano kita hindi alalahanin kung nakikita ko sa mga mata mo na nasasaktan ka kanina habang pinag uusapan natin yung mga magulang mo?"
Sabi ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot sa sinabi ko. Humarap na sya sakin at ngumiti.

Nagulat ako ng ilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya.

"Sleep."

"Hindi naman ako inaantok eh."

"Basta humiga kalang. Para hindi na ako magalit sayo."

Hindi nako sumagot sa kanya at pumikit nalang ako habang nakayakap sa katawan ko ang mga braso nya.

"Alam mo galit na galit ako sa kanila nun, kasi pinagkasundo nila ako sa babaeng hindi ko naman gusto."

Alam kong gusto nyang magsama ng labas ng loob, kaya hindi na ako nagsalita at nakinig lang ako sa kanya.

"Gusto ko silang kamuhian pero magulang ko parin sila. Kaya napagpasyahan ako na bumukod nalang mula sa kanila. Mas okay na yun kaysa makasal ako sa babaeng kahit kailan ay hindi ko matututunan mahalin."

Napakatapang nya, dahil pinaglaban parin nya ang karapatan nya kahit alam nyang ikakagalit ito ng mga magulang nya.

"Then suddenly you came."

Natigilan ako sa sinabi nya.

"Nasabi ko sa sarili ko na, Itong lalaki na'to ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko."

Hindi ko na namalayan na naiyak na ako sa sinabi nya. Ramdam ko kasing nanggaling iyon mula sa kanyang puso.

Bigla ay naramdaman ko nalang ang labi ni Treyton sa aking noo. Napangiti nalang ako. Hindi naman pala sya kasing sama tulad ng iniisip ko.

Nagising ako ng may ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa narinig ko kay Treyton kanina.

Hindi ko alam kung may nararamdaman naba ako sa kanya pero hindi ko muna iniisip yun ngayon.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko.

Tahimik sya na natutulog, Kahit nakapikit na at natutulog ay gwapo parin.

Akmang tatayo na ako mula sa aming kama ng hawakan nya ang kamay ko.

"San ka pupunta?"
Seryoso ang mukha na tanong nya.

Akala ko ay tulog pa sya, nakikiramdam lang pala ang lalaking to.

"Sa Cr, Maglalabas lang ng sama ng loob. Bakit? Sasama ka?"
Pagbibiro ko sa kanya.

Nabuo ang ngisi sa mga labi nya.

"Pwede ba?"
Pilyong sabi nya sabay halik sa kamay ko. Napailing nalang ako.

Masaya ako na bumalik na ulit sya sa pagiging sa dating sya sa pilyo at manyakis na Treyton. Biro lang yung manyakis, pero mahilig talaga ang lalaking yan sa alam nyo na.

Pagkapasok ko sa Cr ay umihi na ako, Nasa kalagitnaan ako ng pag ihi ng biglang may madulas na bagay na gumapang sa paa ko.

Nung una ay hindi ko iyon pinansin pero ng tingnan ko kung ano ang bagay na nasa gumagapang sa paa ko ay nanlaki ang mata ko.

"Ahas!!"
Malakas na sigaw ko.

Oo, Nakatira kami sa bundok pero sobrang takot talaga ako sa ahas. Dahil may masama akong karanasan sa ahas nung bata pa lamang ako.

Agad na bumukas naman ang pinto ng banyo at pumasok si Treyton.

Napalapit ako sa kanya. Hinawakan nya naman ako sa magkabila kong braso.

"Nasan yung ahas?"
Tanong nya sakin.

Tinuro ko naman yung ahas na nasa gilid. Hindi naman sya sobrang laki, pero syempre ahas parin yan ano.

Bigla ay tumawa ng malakas si Treyton kaya napatingin ako sa kanya.

Kinuha nya ang ahas na sinasabi ko at nilagay pa iyon sa braso nya. Ano bang ginagawa nya?

"Baka kagatin ka nyan."
Nag aalala kong sabi sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Ahas bahay lang naman to. Hindi naman to makakapatay ng tao."

Napangiwi naman ako sa sinabi nya. Ahas bahay pala yun? Malay ko ba na ahas bahay pala yan. Akala ko anaconda na eh. Nakakapatay yung tuklaw nun diba?

Sa inis ko ay lumabas ako ng banyo at iniwan sya dun.

Nakakainis, Habang ako ay takot na takot sya ay tuwang tuwa pa. Edi sya na ang hindi takot sa ahas na ahas bahay lang pala. Hmmp.

Natayo lang ako sa labas at hinihintay sya.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang hininga ni Treyton sa tenga ko.

"Takot ka sa ahas bahay pero sa ahas ko hindi ka takot?"
May ngisi sa labi na sabi nya.

Napakabastos talaga ng bibig nito. Takot din kaya ako sa ahas nya.

Slight...

Napakalandi ni Kernan sarap kurutin, Hahahahahaha. Joke lang. Lol.

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now