Chapter Ten

2.1K 83 3
                                    

Kernan's Point Of View

"Okay kalang ba dito anak?"
Nag aalala ang mukha na tanong ng Inay sa akin at hinawakan pa ang magkabilang pisnge ko.

Ngumiti ako rito.

Masaya naman ako dito, pero mas masaya ako kung sila ang kasama ko at inaalagaan ko sila.

"Okay lang po ako dito, Inay."
Nagpipigil ng iyak na sagot ko.

"Pinapakain kaba nya ng maayos dito? Hindi kaba nya sinasaktan?"
Halos pabulong na tanong naman ng Itay.

Wala kasi si Treyton dito, Sabi nya ay sa labas daw muna sya para makapag usap daw kami ng mga magulang ko. Buti naman at naisip nya pa 'yun.

Humarap ako kay Ama at tumango.

Nung una ay sinasaktan ako ni Treyton kapag hindi ako pumapayag na magpagamit ako sa kanya, hindi ko kasi masikmura ang makipagtalik sa kapwa ko lalaki.

Pero habang tumatagal ay nasanay narin ang katawan ko sa mga ginagawa nya, Alam ko halos babuyin nya na ang katawan ko pero wala akong magagawa. kaysa naman saktan nya ang Itay at Inay. Hindi ako makakapayag na mangyari iyon.

Napatingin ako sa mukha ng mga magulang ko.

Tumatanda na talaga sila, dahil kumukulubot na ang mga dati nilang maganda at makinis na mukha.

Mapait nalang ako na napangiti.

"Okay lang po ako dito. Wala kayong dapat ipag alala."
Sabi ko sa kanila.

Bigla ay napayuko ang Itay at hinawakan ang mga kamay ko. I looked at him, Umiiyak ba si Itay?

"Hayaan mo anak, Nagtatrabaho ako ng doble para makapag ipon ako at mabayaran ko na sya. Para makalaya kana dito."

"Hindi na mangyayari yun."

Napatingin kami sa pinto kung san nakatayo ngayon si Treyton. Nakatingin pa sya ng masama ngayon sa Itay. Kanina pa ba sya dyan?

"Pero Mr. Authier, Pera ang inutang ko sayo dapat pera din ang ipangbayad ko."
Giit ng Ama ko.

"Sa tingin mo tatanggapin ko pa ang pera na ipambabayad mo? Kahit buong taon kapa magtrabaho hindi kana makakapagbayad pa sa akin."

"Treyton.."
Naluluha na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Gusto nya ba talagang makulong ako dito sa bahay nya kasama sya habambuhay?

Napatingin sya sakin. Kita ko ang lungkot at galit sa mga mata nya.

"At ang anak mo? Sya na ang kabayaran ng utang mo, Pasensya na pero hindi ko na sya ibabalik pa sa inyo."
Malamig nyang sabi.

Napatayo ako mula sa pagkakatayo ko at malakas na sinampal sya. Naiinis ako, Naiinis ako sa kanya.

"Bakit mo ko sinampal?"
Tanong nya sa akin at hinawakan nya ako sa aking braso.

"Napaka makasarili mo, Kung meron man akong gustong makasamang habambuhay ang mga magulang ko yun."

"Pero wala kanang choice, dahil ako na ang makakasama mo hanggang sa huling hininga mo."

Naikuyom ko ang kamao ko sa narinig ko.

"Susuntukin mo ko? Sige, gawin mo pero hindi parin nun mababago ang katotohanan na pagmamay ari na kita."
Aniya at napatingin sa mga magulang ko na nakatingin na lamang sa amin.

"Maaari na po kayong umalis. Salamat sa pagbisita."

Pagkatapos ay tumalikod na sya mula sa akin.

"Magpapalamig lang ako sa sandali."
Aniya pagkatapos ay lumabas na sya sabay sinara ang pinto.

Napatingin naman ako sa magulang ko at niyakap sila ng mahigpit. Pwede bang wag nalang silang umalis?

"Aalis na kami anak."
Paalam sa akin ng Inay na hindi maitago ang kanyang lungkot sa kanyang itsura.

"Wag muna kayong umalis."
Pag pigil ko sa kanila habang lumuluha ako. Sasama nako sa kanila.

"Anak, yun ang sinabi nya. Pamamahay nya parin to, kaya wala tayong magagawa kundi sundin sya."
Sabi naman ni Itay.

"Itay, Bakit kaba ganyan? Bakit kaba laging sumusunod sa gusto ng lalaking yun? Dahil ba may utang ka sa kanya?"

"Anak."

Niyakap ko nalang silang dalawa ng mahigpit.

"Mag iingat po kayo lagi Itay at Inay."
Paalam ko sa kanila habang pinapunasahan ko ang pisnge kong puno ng luha dahil sa pag iyak ko.

"Ikaw din anak, Mag ingat ka din dito."

Pagkaalis ng mga magulang ko ay Agad na umakyat ako sa terrace na nasa third floor lang nitong bahay.

Eto lang naman ang lugar na madalas nyang puntahan kapag gusto nya mapag isa.

At tama nga ko, Nandito sya at nakatayo habang nakapikit at dinadama ang hangin na tumatama sa kanyang mukha.

Umubo ako ng mahina para malaman nyang nandito ako at lumakad ako palapit sa kanya.

"Wala na sila, Umalis na ang mga magulang ko tulad ng sabi mo."
Inis na sabi ko. Napakaselfish nya.

"Bakit parang galit ka sakin sa tono ng pananalita mo?"
Tanong nya naman habang nananatiling nakapikit.

Napaikot nalang ako ng mata.

Sino kayang di magagalit sa ginawa mo, Binastos mo ang mga magulang ko.

"Pinayagan mo nga sila na pumunta dito, pero pinaalis mo rin naman sila agad."

"Atleast nakita mo sila, yun naman ang gusto mo diba?"

"Oo, Pero saglit ko lang silang nakita at nayakap."

"Hindi ko na problema yun."

Pwede ko kayang sapakin ang lalaking to? Nakapikit naman sya eh.

"Bahala kana nga dyan."
Sabi ko at akmang aalis na ng magsalita ulit sya.

"Dito kalang, Samahan mo ko."
Pagpigil nya sakin.

Napatigil naman ako mula sa paghakbang ko. Ano? Gusto nyang samahan ko sya pagkatapos nya palayasin ang mga magulang ko? Hibang ba sya?

"Alam kong nagagalit ka sakin, Pero hindi mo ako masisisi. Nadala lang ako ng emosyon ko dahil sa narinig ko."

"Ano bang problema mo kung sakaling bayaran kana ng Itay? Isa pa, Pera naman ang inutang nya sa'yo."

"Hindi ko kailangan ng pera."

"Oh? Hindi mo naman pala kailangan ng pera. Bakit mo pa sinisingil ang Ama ko sa utang nya sayo?"

"Para makuha kita."

"Napaka makasarili mo."
Umiiling iling na sabi ko.

Dahan dahan na dumilat sya at humarap sa akin.

"At ikaw, Ang hirap mo naman mahalin.."
Seryoso ang mukha na sambit nya.






















He Owns Me (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon