Chapter Three

4.9K 152 4
                                    

Kernan's Point Of View

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay agad na dumapa ako sa kama at nag iiyak.

Wala ba syang magulang kaya hindi nya naiintindihan ang nararamdaman ko? Napakawala nya talagang puso.

Sa pag iyak ko ay hindi ko namalayan na nakaidlip nako.

Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang isang ulo na sumisiksik sa leeg ko.

"Please? Wag ka magalit sakin. Kasi nahihirapan ako.."
Bulong nya sakin. Akala nya siguro ay tulog na talaga ako.

Hindi nako sumagot. Nahihirapan sya? Mas nahihirapan ako sa sitwasyon ko kasama sya.

Gusto ko ng maging malaya, Gusto ko na makasama ang mga magulang ko at alagaan sila tulad ng pinangako ko sa kanila.

"Alam kong galit kapa sakin, kaya bukas nalang tayo maglalaro."
Sunod nyang sabi pagkatapos ay mabilis na hinalikan ako sa aking labi at natulog na.

Bigla ay nag init ang ulo ko sa narinig ko.

Galit na nga ko? yun pa nasa isip nya? Paduguin ko kaya labi nito? Ang manyak eh.

~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~

Nagising ako ng wala ng Treyton sa tabi ko, Hindi ko alam kung nasan sya pero masama parin ang loob ko sa kanya.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas iyon at pumasok sya.

Una kong napansin ay wala syang suot na pang itaas. Kaya naman, kitang kita mo ang matipunong dibdib nya.

Napaiwas ako ng tingin ng dumako ang mata ko sa baba ng dibdib nya. Abs ba yung nakikita ko?

"Namumula ka."
Natatawang sabi nya at lumapit sakin.

"Hindi noh."
Mabilis na tanggi ko.

Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko syang nakahubad ng pang itaas pero bakit may epekto parin ito sakin?

Ngayon ko lang napansin na may dala pala syang plato na may pagkain.

Bigla ay napangiti ako.

Naaalala ko nung nasa bahay pa ako, madalas ako gumising ng maaga para ipagluto sila Inay at Itay ng breakfast.

Minsan kahit alam kong palpak ang luto ko ay kinakain parin nila ito ng nakangiti.

"Okay kalang?"

Napatingin ako kay Treyton na nakaupona pala sa harapan ko habang hinahaplos ang mukha ko.

Agad na tinabig ko ang kamay nya mula sa pisnge ko.

"Galit ka parin sakin?"
Tanong nya habang nakanguso.

Ano yan? Nagpapacute ba sya? Hindi bagay.

Hindi ko na sya pinansin at kinuha ko nalang ang plato mula sa kanya at nag umpisa ng kumain.

"Ako nagluto nyan."
Nakangiting sabi nya habang tinitingnan ako kumain. Tumango nalang ako.

Napahinga sya ng malalim.

"Gusto mo ba talagang makita mga magulang mo?"

Tumango lang ako sa tanong nya.

"Miss ko na sila, payagan mo naman ako makita sila. kahit saglit lang sila dito."
Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Okay."
Tipid na sagot nya at kumain narin sa plato na kinakainan ko.

"Huh? Ibig sabihin pumapayag kana na pumunta sila dito?"

"Oo. Pero saglit lang."
Malamig na sagot nya.

Napangiti naman ako at napayakap sa kanya. Kahit saglit lang yun, okay na sakin yun. Atleast makausap ko man lang ang mga magulang ko.

"Salamat."
Masayang sabi ko. Tumango lang sya sakin.

PAGKATAPOS namin kumain ay ako na ang nag hugas ng plato na pinagkainan namin, syempre pagkatapos ko mag hugas ay sinabay ko narin ang pag ligo.

Ilang minuto palang ako dito sa loob ng banyo ng bigla ay bumukas ang pinto.

"Treyton."
Gulat na sabi ko ng bigla syang pumasok.

Bakit ba sya biglang pumapasok? Bakit ba kasi hindi ko sinara ang pinto? Hindi ko rin naman kasi akalain na papasukin nya ako dito.

"Sexy."
Nakangising sabi nya ng makita nya ang hubad kong katawan.

Agad na tinakpan ko ang ibabang parte ng katawan ko.

"Wag munang takpan yan, Ilang beses ko ng nakita yan babe."
He said laughing.

Gusto ko syang suntukin sa mukha kung wala lang akong hawak na sabon ngayon.

"Bakit kaba pumasok dito?"
Sigaw ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sakin at hinalikan ako saking labi.

"Gusto ko na sumabay sa'yo sa pag ligo."

"Ano?"

Hindi nya na pinansin ang sinabi ko at basta nalang nya hinubad ang suot nyang sando sa harapan ko.

"Tara, ligo na tayo."
Bulong nya sa tenga ko sabay kagat dito.

Napalunok nalang ako, Alam ko namang hindi lang ligo ang gagawin namin dito sa loob ng banyo.

Vote and Comment, if you like the story. Thankyou.

He Owns Me (Boyxboy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora