Chapter Eighteen

1.2K 73 6
                                    

Kernan's Point Of View

Hindi kami sumakay ng sasakyan papunta ng palengke kundi nag trycyle lamang kami para makarating dito.

At nang makababa nga kami mula sa trycyle na aming sinakyan ay dumiretso agad kami sa bilihan ng mga isda at karne.

Sumusunod lang naman ako kay Ate Rosalyn.

Sya ang namimili habang nasa likuran nya lang ako at nag titingin tingin.

"Aba, Rosalyn. Nasan si pablo? Bakit iba ata kasama mo ngayon? Anak mo ba 'yan?"
Tanong ng isang Ale na kasalukuyang binibilhan namin ng isda ngayon.

Napangiti nalang ako rito.

"Hindi ko anak 'yan, Anak yan ng isang katulong ni madam."
Mataray na sagot ni Ate Rosalyn.

Pansin ko lang medyo may pagkamasungit 'to si Ate. Teka, Ako? Anak ng isang katulong nila dun?

"Huh?"
Naguguluhan na sabi ni Ate.

Napatingin si Ate Rosalyn sa'kin.

"Kunin muna ang isda, Nabayaran 'ko na yan."

Tumango ako at agad na kinuha ang isdang tinutukoy nya na nakabalot sa plastic.

"Alam mo. Buti natitiis mo kasama 'yang si Rosalyn."
Bulong sakin ni Ate pagkatapos ko makuha ang isda mula sa kanya.

Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit po?"
Tanging nasabi ko.

"Napakasungit eh, kala mo naman maganda palibhasa matandang dalaga."

"Ano ba? Kernan, Marami pa tayong bibilhin bilisan mo naman dyan."
Bigla ay sigaw ni Ate Rosalyn sakin na kinataranta ko.

"Thank you po ate. Babye na po."
Nakangiting paalam ko na kay Ate. Sayang, Mukhang may ikukwento pa ata si Ate sakin e.

"Sige lang iho."

Pagkatapos namin mamili ng isda at karne ay sa mga gulay naman kami.

Grabe, Ang sikip pala ng palengke nila dito para akong maiipit na sa sobrang dami ng tao. Sumabay pa ang init ng panahon.

"Kunin mo yung talong at patola."

Agad na kinuha ang isang kilong talong at patola.

Napapunas ako ng kamay ko sa noo ko. Grabe kasi ang pawis ko ngayon dahil sa init.

"Paabot nalang sa kanya yung sampung kilong bigas at isang galon na mantika."

Akala ko ay tapos na kami mamili pero hindi pa pala dahil dumaan pa si Ate Rosalyn sa isang salon.

Magpapagupit at magpapalinis daw sya ng kuko.

Napaupo nalang ako sa loob ng salon at napapatingin kay Ate habang ginugupitan sya ng kanyang buhok ng bigla akong makaramdam ng pagka uhaw.

"Ate Rosalyn?"

"Yes?"

"Pwede ba kong lumabas saglit?"

"At san ka pupunta? Malapit nako matapos dito."

Malapit matapos eh lilinisan kapa nga ng kuko pagkatapos mo gupitan dyan. Hmp.

"May bibilhin lang po ako sa labas."

"Bilisan mo at uuwi na tayo pagkatapos ko dito."

Pagkalabas ko ng salon ay agad na pumunta ako sa malapit na tindahan para bumili ng Softdrinks.

"Bayad ko po."
Sabi ko at inabot ang bayad ko sa nagtitinda.

Pero imbis na tanggapin nya ang baryang binayad ko ay hinawakan nya pa ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang pera ko. What th--

"Wag na. Libre ko na."
Sabi ng boses ng isang lalaki.

"Huh?"

"Wag muna bayaran. Ramdam kong nauuhaw kana eh."
Natatawa pang sabi nya.

Napasilip tuloy ako sa tindahan at bumungad sa akin ang isang lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad nya sa akin.

Ngumiti pa sya sakin ng makita nya ako.

Maputi sya na singkit ang mga mata.

"Bakit?"
Gulat na sabi ko. Hindi naman nya ko kasi kakilala para ilibre nya ko.

"Wala lang."
Aniya at ngumiti.

"Bawal ba?"
Hirit pa nya.

Napailing iling nalang ako.

"Bahala ka, Salamat."

"Walang anuman, Ano pala pangalan mo? Parang ngayon lang kita nakita dito."

"Kernan. Oo, Kasi sinama lang kasi ako ngayon dito para mamalengke."

"Ganun? Ako nga pala si Kyle."

"Ah.. Nice name."

"Ikaw din. Pwede ba tayong maging mag kaibigan?"

"Ako? Gusto mo maging kaibigan? Ngayon mo palang nga ako nakita eh."
Sagot ko sa kanya.

Seryoso ang mukha na tiningnan nya ako.

"Bawal ba? Pakiramdam ko kasi mabait ka eh."

"Ganun? Okay."
Natawa nalang ako.

Napatigil lang kami sa pag uusap ng makita ko si Ate Rosalyn na tumatakbo papunta samin. Nagmamadali ito.

"Kernan. Umuwi na tayo."

"Po? Bakit po?"

"Anong bakit? Hinahanap kana ni Treyton. Nagwawala nadaw dun sa bahay at hinahanap ka."

"Nagwawala?"

"Oo, Halika na."

Agad na pumara si Ate ng isang trycyle at mabilis na sumakay kami dun pero bago ako sumakay ay napatingin ako kay Kyle na nakatingin pala sa amin.

Kumaway sya at ngumiti sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ng trycyle ay pansin ko ang masama na tingin ni Ate Rosalyn sa akin.

"Bakit po?"

"Kakilala mo ba ang lalaking yun at nag ngingitian pa kayo?"

Umiling ako.

"Hindi. Ngayon lang po kami nagkakilala."

"Itigil mo yan."

"Po?"

"Kasama na ako ni Treyton bata palang sya at ayaw nya ng may kahati sya sa mga pag mamay aari nya."

"Kaibigan lang naman po kami."

"Kahit na!"

Nanlaki ang mata ko ng bigla ay tumaas ang boses ni Ate. Sinigawan nya ako.

"Tandaan mo. Pag aari ka nya, Binayad ka ng ama mo sa kanya diba? Kaya sa kanya kalang hanggang sa huling hininga mo. Naiintindihan mo?"

Napatango nalang ako pero sa loob loob ko ay naguguluhan ako sa sinasabi nya sa'kin ngayon.

Ano kayang role ni Kyle sa buhay ni Kernan? Vote and Comment po. Salamat. :">













He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now