Chapter Seven

2.7K 117 1
                                    

Kernan's Point Of View

Maaga ako gumising ngayon, naisipan ko kasi na ipagluto si Treyton ng breakfast nya.

Gusto ko lang magpasalamat sa kanya sa kahapon, yun lang.

Naisipan ko magprito ng hotdog atchaka meat loaf, paborito nya kasi iyon sa umaga at fried rice.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpiprito ng bigla ay may yumakap sakin mula sa likuran ko.

"Good morning.."
Husky ang boses na bati nya.

"Bakit ang aga mo nagising? Akala mo tumakas na'ko?"
Pagbibiro ko sa kanya.

Umiling sya.

"No, Alam ko namang hindi mo gagawin yun eh."

Alam nyang hindi ko talaga gagawin yun, dahil mapapahamak ang pamilya ko kapag tumakas ako mula sa kanya.

"Wag kang yumakap sa'kin at baka matalsikan ako ng mantika."
Sabi ko maya maya. Seryoso po kasi akong nagluluto dito.

"Hindi ba pwedeng mamaya na yan at ako muna?"
Sagot nya habang hinahalikan ako sa aking leeg.

Hindi na ako nakakibo sa sinabi nya. Bigla kasi akong nakaramdam na parang may tumayo sa ibabang parte ng katawan ko. Ano ba 'to.

"Babe, Whats wrong?"
Tanong nya sabay tingin sakin.

"A-Ah wala, Bumitaw kana kasi at baka masunog tong piniprito ko."
Naiilang na sagot ko sa kanya.

Buti naman at sumunod na sya this time. Pero bakit ganun? Nag react yung katawan ko sa simpleng yakap nya lang sakin? Bakla naba ko? No.

Pagkatingin ko sa likod ko ay wala na si Treyton, marahil ay naligo na iyon.

Pagkatapos ko magluto ay hinanda ko na lamesa at ang mga plato na kakainan namin.

"Swerte ko talaga sa misis ko,"

Napatingin naman ako sa kanya na kakalabas lang. What the? Bakit nakahubo sya?

Napanganga nalang ako sa kanya na nakatayo ngayon sa harapan ko.

Oo, Ilang beses ko ng nakita yung Ano nya pero kasi..

Natawa sya ng mahina ng makita nya ang itsura ko pagkatapos ay naglakad na sya papasok sa kwarto namin pero ako ay nakanganga parin.

Pero teka? Anong sabi nya? Misis ko?

"Hoy, Anong misis ko dyan. Lalaki ako."
Sigaw ko sa kanya. Narinig ko nalang ang malakas na tawa nya mula sa kwarto namin.

Habang kumakain kami ni Treyton ay napapansin ko na panay ang tingin nya sakin.

Napabitaw ako sa hawak kong kutsara at hinarap sya.

"Bakit kaba tingin ng tingin sakin?"
Inis kong tanong rito.

"Wala, Kinakabisado ko lang ang mukha mo."
Sagot nya sakin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ewan ko sayo.."

"Oo nga pala, Tinawagan ko na yung kapitbahay ng mga magulang mo kanina. Sinabi ko sa kanya na papuntahin dito bukas ang mga magulang mo."

Napangiti ako sa narinig ko. Makikita ko narin ang Inay at Itay. Sobrang miss ko na talaga silang dalawa.

"Baka bukas pumunta na sila dito."

Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya. Naiiyak pa ata ako sa sobrang saya ko.

Napakunot ang noo ko ng hawakan nya ang kamay ko at tinanggal ito mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Minamanyak mo na naman ako eh."
Natatawang sabi nya.

Nasapak ko naman sya sa kanyang braso matapos nyang sabihin yun. Ako? Minamanyak sya? Sya nga yung manyak sa aming dalawa eh.

"Sobrang miss mo na talaga magulang mo noh?"
He asked me.

I smiled at him. Sobra.

"Oo naman, Syempre sila ang dahilan kung bakit ako nandito sa mundong ito eh."

Natawa sya sa sinabi ko.

"Ikaw? Hindi mo ba namimiss parents mo?"
Tanong ko sa kanya.

Bigla ay nag iba ang awra ng mukha nya, kung kanina ay nakangiti sya biglang naging seryoso ang mukha nya.

"They want me to marry their friend's son."
Malamig na sabi nya. Ano?

"Hindi ako pumayag sa gusto nila kaya pinalayas nila ako."
Dagdag na sabi nya.

"Kaya ba bumukod kana sa kanila?"

Tumango sya.

Ramdam ko ang sakit sa mga mata. Syempre, masakit talaga iyon para sa kanya dahil mga magulang nya mismo ang nagpalayas sa kanya dahil lamang hindi sya pumayag sa gusto ng mga ito.

Bigla ay tumayo sya mula sa pagkakaupo nya. I looked at him.

"San ka pupunta?"
Tanong ko sa kanya.

"Magpapahinga lang ako.."

Napatango nalang ako sa sinabi nya hanggang sa makaalis na sya sa harapan ko.

Bigla ay binatukan ko ang sarili ko. Bakit ko ba kasi tinanong pa sa kanya yun? Bakit ko ba naopen pa ang tungkol sa parents nya? Hindi ka talaga nag iisip, Kernan.

Vote and Comment if you like the story. Thanks sa patuloy na nagbabasa 😇










He Owns Me (Boyxboy)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin