Chapter Thirteen

1.7K 75 1
                                    

Kernan's Point Of View

"Gusto nila mom na pumunta tayo sa bahay. Gusto ka nila makilala."

Napatigil ako sa kinakain ko ng marinig ko ang sinabi nya.

Gusto ng pamilya nya na makilala ako?

"Okay lang ba sa'yo?"
I asked him. Alam ko naman na nagkaroon sila ng tampuhan ng mga magulang nya.

Tumango sya.

"Oo, mas maganda narin to para maging maayos na ang lahat."

"Ikaw bahala, Kailan ba tayo pupunta sa inyo?"

"Bukas."

I smiled at him.

"Okay."

Napatingin ako sa kanya ng lagyan nya ng kanin ang plato ko. What the? Hindi ko na mauubos yan.

"Bakit mo dinagdagan ang kanin ko? Busog nako eh."
Asik ko sa kanya.

"Gusto ko lang, para magkasabay din tayong matatapos."
Nakangising sagot nya.

Napakaisip bata talaga nito.

"Okay lang ba yung boses ko kagabi?"
Tanong pa nya.

This is it!

Ito na ang pagkakataon ko para makaganti.

"Okay naman, kaso wala ka sa tono."
Sagot ko habang umiinom ako ng tubig.

"Talaga ba? Sabi ko na nga ba dapat di ko na sinunod yung sinabi ni Dan eh."
Narinig kong bulong nya na kinatawa ko.

I know dan, dahil nakukwento nya ito sa akin. Kaibigan nya ito nung highschool sya at ito rin ang humahawak ng isa sa mga restaurant nya.

"Bakit ka natatawa dyan?"
Tanong nya sa akin ng mapansin nya na natatawa ako.

I rolled my eyes at him.

"Bakit? Bawal naba ako tumawa?"
Tanong ko sa kanya.

May sasabihin pa sana ako ng bigla syang tumayo mula sa kinatatayuan nya. Ano na namang binabalak nito?

"Hoy. Ano yang ngisi muna yan ha?"
Kinakabahan na tanong ko.

Bakit ganun? Pag yung ibang lalaki ang ngumingisi mukhang manyakis? Pero pag sya? Ang gwapo parin.

"Gusto mo palang tumawa huh,"
Ngising sabi nya habang naglalakad palapit sa akin ngayon.

"Treyton, Wag ka ngang ngumiti ng ganyan kinakabahan ako."

"Anong tawag mo sa akin?"

"Treyton,"
Sagot ko sa tanong nya. Ayaw nya bang tawagin ko sya sa pangalan nya?

Nagulat ako ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na sya. Hawak nya ako sa bewang ko habang nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko.

"Wag mo kong tawagin sa pangalan ko."
Aniya habang nakatingin parin sa akin.

Napalunok ako bago sumagot.

Ang bilis ng kaba ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko may race na nagaganap ngayon sa loob ko.

"Call me, babe para mas sweet."
Taas baba ang kilay na sabi nya.

Napangiwi naman ako. Babe? Parang tunog ng nagyayaya sa kama e. Ayoko nun.

"Wala nabang iba?"

"Wala na, yun lang gusto ko."

"Siraulo ka pala eh, Ikaw lang nag isip ng tawagan natin eh."
Inis na sabi ko.

Napatakip ako sa bibig ko ng marealize ko ang sinabi ko. Shet, tinawag ko ba syang siraulo? I'm dead.

"Anong tawag mo sakin?"
Tanong sa akin ni Treyton. Seryoso na ang mukha nya.

Humarap ako sa kanya at ngumiti ng malaki.

"Huh? Wala, sabi ko maganda nga yung babe."
Ngiting sabi ko.

"Hindi eh, hindi yun yung narinig ko eh."

"Ikaw talaga, nabibingi kana talaga."
Natatawang sabi ko habang hinahawakan ang kamay nya.

Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumawa ng malakas dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Tinatawa tawa mo dyan?"

"Don't worry babe, Hindi kita sasaktan at papaiyakin. Siguro papaiyakin kita sa sarap pwede pa."
He grinned.

"Napakamanyakis mo. Asa kapa. Hoy!!"
Sagot ko naman na kinatawa nya lalo ng malakas.

Gabi na at nag aayos na kami ng mga dadalhin namin sa bahay nila bukas. Ang alam ko ay dalawang linggo kami dun kaya medyo maraming damit ang dinala ko.

Eto ako ngayon at naglalagay ng damit sa bagahe ko.

"Ano yan? Sando? Wag ka magbaon ng sando, Puro tshirt ang dalhin mo."

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin kay Treyton.

"Bakit naman? Mas presko ako sa sando eh."
Nakanguso na sabi ko.

"Sundin mo nalang ang gusto ko."
Tanging sagot nya. Lagi nalang sya ang nasusunod eh.

"Pano kung hindi kita sundin?"
Sagot ko naman. Napatigil sya sa paglagay ng sando nya sa bag nya at napatingin ng masama sa akin.

"Nagbibiro lang ako. Ok?"
I said smiling. Napakaseryoso talaga nito. Pero sya puro sando ang dadalhin nya.

"Ayoko nakikita ng ibang lalaki yang katawan mo, okay lang magsando ka dito sa bahay kasi tayo lang namang dalawa ang nandito."

"Opo master."

"Isa pa, may kuya ako na nandun ngayon."

May kuya sya na nandun ngayon sa bahay nila? May kapatid pala syang lalaki? Akala ko puro babae ang kapatid nya?

"Akala ko..?"

"Stepbrother ko sya. Pag nandun na tayo, Iwasan mo sya."

"Bakit naman?"

"Kasi babaero sya."

"Oh? Babaero sya? Eh lalaki kaya ako. Hindi naman ako babae noh."

"Pero mas maganda kapa sa tunay na babae."

Napatingin ako kay Treyton na seryoso ang mukha ngayon na nagsasara ng bag na dadalhin nya.

Sinabi nya bang mas maganda pa ako sa babae?

Napatingin sya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Bakit ka namumula dyan? Wag mo sabihin na first time may nagsabi sayo na mukha kang babae?"
Tanong nya sa akin.

Umiling ako sa tanong nya.

Actually, Bata palang ako lagi akong napagkakamalan na babae. Minsan nga ay napagkakamalan pa akong tibo pero hindi ko nalang yun pinansin.

Pero iba kasi ang dating sa akin nung nang galing iyon mismo sa kanya. Iba sa pakiramdam, hindi ko mapaliwanag.

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now