Chapter Five

3.6K 131 0
                                    

Kernan's Point Of View

Matapos namin alisan si Ate ay naisipan ni Treyton bumili nalang daw kami sa iba.

Pero kanina ko pa napapansin si Kuya na naglilinis ng isda na panay ang tingin sa'kin.

Napansin rin ni Treyton yun kaya nagulat ako ng itago nya ako sa likuran nya.

"Ano bang ginagawa mo?"
Pabulong na tanong ko sa kanya na hindi naman nya sinagot.

Pagkatapos ni Kuya maglinis ng isda ay nilapit nya ito upang bayaran ng bigla ay hilahin nya ito sa kwelyo nito at itinaas.

"Treyton,"
Pag awat ko sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin sa kasama ko? Gusto mo ba sya ha?!"
Galit na sabi nya kay Kuya na napayuko na lamang sa takot.

Napansin ko ang mga kapwa namin namimili dito na nakatingin na sa amin, kaya agad na hinila ko na si Treyton baka pa sya tuluyang mapaaway.

"Bakit mo ba ko hinila? Bibigyan ko pa ng leksyon ang lalaking yun eh."
Inis nyang sabi sakin habang naglalakad kami.

"Baka mapaaway ka."
Sagot ko sa kanya.

Napatingin naman sya sakin at bigla ay napangiti. Anyare sa lalaking 'to? Kanina halos papatay na ng tao ang itsura nya ngayon bigla nalang syang ngingiti. Bilis magbago ng mood.

"Nag aalala ka sakin? Nag aalala ka na baka mag kapasa ang gwapo kong mukha?"
May ngisi sa labi nyang tanong.

Napaikot nalang ako ng mata.

Pero tama sya, nag aalala talaga ako sa kanya.

Oo, Naging masama ang pagtrato nya sakin nitong mga nakaraang buwan pero nakikita ko naman na nagbabago na sya nitong mga nakaraang araw.

Nakikita ko na may puso rin pala sya kahit papano dahil pinasama nya ako sa kanya ngayon yun lang nakajacket ako.

"Nag aalala ako na baka magkapasa si Kuya."
Sabi ko.

Tiningnan nya ako ng masama pagkasabi ko nun. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa sa itsura nya.

Pagkatapos namin mamili ng mga kailangan namin sa bahay ay pumunta na kami sa bakery na pinapasukan ni Peter.

Hindi ko alam kung dito pa sya nagtatrabaho dahil matagal na nung huli kaming magkita.

Pero sana, Sana nandito pa ang bestfriend ko.

Pagkarating namin sa bakery na pinapasukan ng kaibigan ko ay isang babae ang nagbabantay sa bakery. nakasimangot pa ito ng makita ako at bigla ay napangiti ng makita ang lalaking kasama ko.

"Ano pong bibilhin nyo sir?"
Tanong pa nito kay Treyton at kinikilig pa.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Treyton sa likuran ko.

Hindi ko rin naman masisisi ang babaeng to, dahil gwapo naman talaga 'to pero hindi ako bakla para magkagusto sa kanya.

"Magkasama kami."
Sagot nya sa babae sabay hawak sa bewang ko. Tinabig ko iyon, pero hinigpitan nya lalo ang pagkakahawak dito.

"Ay, Sayang, Taken na."
Narinig kong bulong ni Ate at napaharap sakin.

"Ano pong bibilhin nyo sir?"

"Ah.. Hindi ako bibili. May kaibigan kasi ako na nagtatrabaho dito."

"Ano pong pangalan nya?"

"Peter Salcedo."

"Si Peter? Break nya po ngayon, Saglit at tatawagin ko lang po."

"Sige, Salamat miss."

Napaharap naman ako kay Treyton at napangiti. Sa wakas, makikita ko narin si Peter uhugin.

"Pakiramdam mo naman gwapo ka dahil kinikilig sayo yung tindera kanina."
Sabi ko sa kanya habang hinihintay namin na bumalik si Ate.

"Huh? Hindi ah."
Sagot naman nya at hinila ako palapit sa kanya. Maniniwala ba ko sa sinasabi ng lalaking 'to?

Akmang sasagot palang ako sa kanya ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Kernan!"
Masayang sabi ni Peter habang tumatakbo palapit sakin.

"Peter!!!"
Ganting sigaw ko rin at agad na niyakap ko sya ng mahigpit.

"Kamusta kana? Bakit antagal mong hindi nakadalaw? Kamusta sila Tita at Tito?"
Sunod sunod na tanong nya ng magkahiwalay kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

Natawa nalang ako.

"Okay lang naman ako. Sila Itay at Inay ay hindi ko alam kung anong sitwasyon nila ngayon."

Napakunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Huh? Anong hindi mo alam? Bakit naman?"
Naguguluhan na tanong nya.

"Mahabang istorya eh."

Napatingin naman sya kay Treyton na nasa likuran ko.

"Sino naman ang lalaking to?"

Sasagutin ko palang si Peter pero inunahan na nya ako.

"I'm Treyton Authier, Ako ang kinakasama ng kaibigan mo."
Aniya at tipid na ngumiti.

"Kinakasama?"
Gulat na sabi ni Peter at nagtatanong ang mata na napatingin sa'kin.

"Ano, ang ibig nyang sabihin, magkasama kami sa iisang bahay, Iisa lang kasi ang pinapasukan naming trabaho."
Nauutal na sabi ko. Sana lumusot.

"Ah. Akala ko naman kung ano na."

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga, mabibisto nako ko eh.

"Kung gusto nyo pumunta muna tayo sa bahay namin at magmeryenda."

Napatingin ako kay Treyton. Tumango lang sya sakin, ibig sabihin ay okay lang sa kanya.

"Sige, Miss ko narin si Tita lory eh."
Nakangiting sabi ko ang tinutukoy ko ay ang Ina nya.

Vote and Comment, if you like the story. Thanks.

A/N: Sa totoo lang, Hindi ako magaling magpakilig dahil never ako nagkaboyfriend kaya hindi ko naranasan ang pakiligin..pero sana kinilig kayo sa mga pinagsusulat ko dito XD

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now