Chapter Sixteen

1.4K 89 4
                                    

Kernan's Point Of View

Naisipan ni Treyton na iikot ako dito sa bahay nila. Syempre, pumayag din ako para hindi naman ako maligaw habang nandito kami.

Nandito na kami sa garden nila ng bigla akong makaramdam ng pagod sa pag iikot namin.

Malaki kasi tong bahay nila. Sa mga palabas nga lang ako nakakakita ng ganitong uri ng bahay.

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang manikip ito.

Dali dali namang lumapit si Treyton sa akin at inalalayan ako.

"Okay kalang?"
Nag aalala na tanong nya.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.

"Oo, Napagod lang siguro ako sa pag iikot natin."

"Maupo muna siguro tayo."
Aniya at naupo nga kami sa upuan na nandito sa garden nila.

Ang ganda ng garden nila. Halatang hindi pinapabayaan dahil sariwa ang mga halaman at mga bulaklak.

"Mahilig si mom sa bulaklak kaya pinagawa ito ni dad para sa kanya."

"Talaga?"
Mangha naman na sabi ko.

"Oo nga pala, Nasan ang dad mo? Bakit hindi ko pa sya nakikita? Hindi rin natin sya nakasabay magbreakfast kanina."
Tanong ko sa kanya.

"Wala sya dito. Nandun sya sa pangalawang pamilya nya."

"Huh?"
Gulat na sabi ko.

Ngumiti sya sakin pero ramdam ko na nalulungkot sya kaya hindi nako nagtanong pa.

"Tara, Balik na tayo sa loob at dumidilim narin dito."
Yaya nya sa akin.

Pero malungkot parin ang itsura nya.

"Uy. San ka pupunta?"
Sigaw nya sa akin ng bigla akong tumakbo sa mga bulaklak at pumitas ng isang bulaklak dun.

Pagkabalik ko ay nakakunot na ang noo nya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at nilagay sa tenga nya ang bulaklak na pinitas ko.

Sun flower yung pinitas ko at sobrang gwapo nya nung ilagay ko ang bulaklak na hawak ko sa tenga nya.

Sabagay, Gwapo naman na talaga sya eh.

"Ayan, Hindi kana ulit malungkot."
Sabi ko habang nakatingin sa kanya na umiiling iling habang nakangiti sakin.

"Puro ka kalokohan."
Natatawang sabi nya habang ginugulo ang buhok ko. Atleast, Napangiti ko sya.

~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~**~~

"Pano pala kayo nagkakilala ng anak ko, Iho?"
Bigla ay tanong ng mom ni Treyron sa kalagitnaan ng dinner namin.

Napatingin ako kay Treyton ng hawakan nya ang kamay ko mula sa ilalim ng lamesa.

Kinakabahan ako, Di ko alam kung bakit.

"Nag kakilala kami sa isang birthday party."
Aniya habang hawak parin ang kamay ko.

Sinubukan ko na alisin ang kamay nya mula sa kamay ko pero mas hinigpitan nya ang pagkakahawak dito.

"Really? Nagcheck ako ng background nya at nalaman ko na nang galing pala sya sa isang mahirap na pamilya."

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa narinig ko.

"Mom,"
Pag awat ni Treyton dito.

"Nalaman ko na sa bundok lang kayo nakatira ng pamilya mo at pinambayad utang ka ng ama mo sa anak ko,"

"Ano ba. Sinabi kong tumigil kana ma eh!"

"I don't think nababagay ka para sa anak ko. Magkaiba ang mundong ginagalawan nyong dalawa."

Hindi na nakapag timpi si Treyton at napatayo na sya mula sa kinauupuan nya.

"Kahit anong sabihin nyo sya parin ang mahal ko."
Seryoso ang mukha na sabi nya.

Ako naman ay umiiyak na dito mula sa kinauupuan ko.

Ito ang unang pagkakataon na may nang maliit sa akin. Masakit iyon para sakin lalo na't nadamay ang Inay at Itay.

"Kaya ba hindi mo tinanggap yung babaeng dapat ay pakakasalan mo dahil sa kanya?"

"Busog na kami."
Ani Treyton at hinila ang kamay ko patayo.

Nakabalik kami sa kwarto ng walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig ko. Iyak lang ako ng iyak.

Pagkapasok namin ng kwarto ay napatingin ako kay Treyton ng biglang suntukin nya ang pader.

"Damn it! Ayoko na minamaliit yung lalaking mahal ko."
Sigaw nya habang patuloy parin sya sa pagsuntok.

Ako naman ay niyakap ko lang sya ng mahigpit.

Alam ko naman sa sarili ko na may nararamdaman narin ako para sa kanya.

Short update, Naisingit lang sa trabaho. Hahahahahaha. May nararamdaman na pala si Kernan para kay Treyton :">

Vote and Comment, Thankyou sa patuloy na nagbabasa. Huhuhuhu. Loveyou guys.!

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now