Chapter Nineteen

1.6K 87 10
                                    

Kernan's Point Of View

"Dyan nalang po sa tapat ng pula na gate, Manong."
Ani Ate Rosalyn na kanina pa minamadali si Kuyang trycyle driver. Weird.

Dali dali naman kaming bumaba ng trycyle at pumasok sa loob ng bahay.

Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin si Treyton na hawak ang isang katulong sa leeg nito.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Parang hindi si Treyton ang nasa harapan ko ngayon.

Namumula sya sa galit at masama ang tingin na binibigay nya sa maid habang umiiyak lamang ito.

"Treyton,"
Malakas na sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya.

"Nandito nako, Please? Bitawan mo sya."
Pagmamakaawa kong sabi sa kanya habang inaalis ko ang kamay nya sa leeg nito.

Napatingin naman sya sa'kin saglit sabay bigla ay napayakap sa akin.

Dali dali na tumakbo naman sa loob ang kawawang katulong.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Kung hindi pa siguro ako dumating ay baka sobra pa dito ang mangyayari.

"Treyton."
Umiiyak na sabi ko.

Humarap sya sakin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"San kaba nagpunta? F*ck, Halos mabaliw nako dito kakahanap sa'yo."

Ramdam ko ang galit sa boses nya.

"I'm sorry."
Tanging nasabi ko habang humahagulgol ako sa iyak.

Inalis nya naman ang mga luha ko sa pisnge gamit ang kanyang kamay.

"Wag kana umiyak. Nag aalala lang naman ako sa'yo."

"Okay lang naman ako."

Napatingin sya kay Ate Rosalyn na nasa likuran pa pala namin.

"Mag uusap tayo mamaya."
Ani Treyton at tiningnan nya ito ng matalim.

Nakita ko ang takot sa itsura ni Ate Rosalyn sa kanyang narinig.

"Halika na,"
Ani Treyton at hinawakan nya ko saking kamay at sabay kaming pumasok.

Pagkapasok namin ng kwarto ay agad na nanlaki ang mata ko ng bigla ay itulak nya ko sa aming kama.

"Treyton."
Tanging lumabas sa bibig ko ng magsimula na syang hubarin ang suot nyang sando sa harapan ko.

"Di ka nagpaalam sakin diba? Umalis ka ng hindi ko alam?"
Aniya habang hinuhubad ang boxer nya.

"Kailangan mo maparusahan."

Kasabay nun ay ang pag talon nya sa kama at pag angkin sa aking labi.

Gusto ko sana syang pigilan. Amoy pawis kasi ako dahil galing nga ako sa labas pero parang hindi naman sya magpapapigil kaya hindi nalang ako nagsalita.

"Treyton, Nakikiliti ako."

"Wag kana magsalita please? Lalo akong nag iinit."

"Ano?"

"Ssshh."

Hindi ko alam kung nakailan kami. Basta alam ko lang ay napagod ako.

"Tara na sa baba. Kakain na tayo ng lunch."
Ani Treyton habang kasalukuyan nyang sinusuot ulit ang sando nya. Hindi ba sya napagod?

Hindi ko sya pinansin at hinila ko lalo ang kumot mula sa kanya at binalot sa katawan ko. I'm so tired.

"Ikaw nalang, Pagod ako."

"Sasabihan ko nalang si Manang na dalhin nalang dito ang pagkain natin."

"Ano?"

Napatingin ako sa kanya.

Nakakahiya. Baka ano pa isipin sa akin ng mommy nya.

"Wag na. Bumaba nalang tayo."
Ani ko at dahan dahan na tumayo ako mula sa aming kama habang nakabalot ang katawan ko sa kumot.

Lumapit naman sya sakin at hinalikan ako sa'king noo.

"Inaalala mo ba si mom? Wag ka mag alala sa kanya. Sasabihin ko naman sa kanya ang rason kung bakit di ka makababa."

Bigla ay namula ang mukha ko sa sinabi nya.

"Sasabihin ko na nag se--"

"Stop!"

"Bakit?"
Natatawang sabi nya. Inaasar nya na naman ako.

"Ewan ko sa'yo."

"Kinakahiya mo ba ko? Swerte mo ikaw lang nakatikim dito kay Junior ko."

"Treyton."
Namumula na sabi ko. Siguro kasing pula nako ng mansanas ang pagmumukha ko ngayon.

Napatingin kami sa pinto ng bigla ay bumukas ito at pumasok ang isang maid.

May dala dala itong pagkain.

Bigla ay napatago naman ako sa likuran ni Treyton. Nakahubad pa kasi ako at tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan ko. Remember?

Napatingin sakin ang maid pagkatapos nya ilagay sa ibabaw ng kama ang pagkain namin.

"Bakit mo sya tinitingnan ng ganyan?"
Galit na sabi nitong lalaking tinataguan ko.

"Labas!"

Pagkalabas ng maid ay sinuntok ko sya sa kanyang braso. Salbaheng to.

"Ouch. Para san yun?"

"Kahit maid lang sya, hindi mo sya dapat tinatrato ng ganun."

Galing ako sa mahirap na pamilya kaya naman magaan ang loob ko sa mga kapwa ko mahirap.

"What?"

"Palibhasa kasi mayayaman kayo eh. Kaya minamata nyo kaming mahihirap."
Inis na sabi ko.

Napataas naman sya ng dalawang kamay nya.

"Fine, Susubukan kong maging mabait sa kanila."

Napangiti naman ako.

"Good."
Sabi ko at ginulo ang buhok nya.

"Kumain na tayo bago pa ikaw ang kainin ko."

"Treyton!"

PAGKATAPOS namin kumain ay nagulat ako ng dalhin ako ni Treyton sa isang kwarto dito sa bahay nila.

Halatang luma na ang kwarto at wala ng gumagamit dahil medyo inaalikabok na ito.

"Bakit mo ko dinala dito?"
Tanong ko sa kanya habang napapatingin sa kaloob looban nitong kwarto.

"Nung bata ako, madalas ako maglaro dito ng bahay bahay. Kunwari nakatira kami dito ng magiging asawa ko at mga anak namin."
Pagkukwento nya at napatigil sa paglalakad.

"Treyton, Alam mo namang hindi ako magkaka anak diba?"
Sagot ko sa kanya.

He looked at me.

"Alam ko. Makasama lang kita hanggang sa pagtanda, masaya na'ko."

Natulala nalang ako sa sinabi nya.

Vote and Comment guys. Inlababo talaga si Treyton oh? :'D Enjoy reading.













He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now