Chapter Nine

2.3K 95 1
                                    

Kernans Point Of View

Pagkatapos ng ahas scene sa may banyo ay akala ko hanggang dun nalang yun pero hindi.

Dahil ngayong gabi ay biglang umulan ng napakalas na may kasama pang kidlat.

Hindi ko alam pero natatakot talaga ako pag nakakarinig ako ng malakas na kidlat.

Nandito ako ngayon sa tabi ni Treyton habang sya ay natutulog ako naman ay gising na gising.

I looked at him.

Ang sarap ng tulog nito, samantalang ako. Hay.. gisingin ko kaya?

"Treyton,"
Mahinang pag tawag ko sa kanya pero hindi parin ito sumasagot kaya kinalabit ko na.

"Treyton, uy."

Dahan dahan na gumalaw sya at nagdilat ng mata sabay napatingin sa akin.

"Hmm? Bakit?"
Tanong nya sa paos na boses.

"Hindi ako makatulog."
Pagsusumbong ko sa kanya.

"Bakit?"

"Takot ako sa kidlat eh."

Nagulat ako ng biglang yakapin nya ako ng mahigpit at kinulong ako sa mga bisig nya.

"Hoy, anong ginagawa mo?"
Gulat na sabi ko.

"Matulog kana, bukas pupunta dito ang parents mo."

"Hmm. Sige.."
Sagot ko at siniksik ang mukha ko sa dibdib nya sabay pumikit.

Pagkagising ko ay wala ng Treyton sa tabi ko kaya napabangon ako.

Napatingin ako sa may pinto ng bumukas iyon. Its him.

"Hinahanap mo ko noh?"
Tanong nya sa akin sabay ngisi.

Syempre, Kahit Oo. kailangan natin tumanggi.

"Huh? Hindi noh, kapal nito."
Sagot ko sa kanya.

"Okay, Oo nga pala. Nandun na yung kape at pandesal. Kumain kana."

"Ikaw?"

"Tapos nako, tagal mo magising eh. Tulo laway kapa eh."

"Hindi ako naglalaway pag natutulog ako."

"Sige, Sabi mo eh. Haha!"

Inaasar na naman nya ko. Bahala nga sya.

Pagkatapos ko mag ayos ng kama at kumo't namin ay nag breakfast na ako at naligo.

Pagkatapos ko maligo ay pumasok na ako sa aming kwarto. Nandun si Treyton at abala sa panunuod ng tv.

Umupo na ako sa kama namin at sinuklay ang buhok ko habang tinitingnan ang mukha ko sa salamin.

Medyo humahaba na pala ang buhok ko. Hindi na kasi ako nakakapagpagupit eh.

Napatigil ako sa pagsusuklay ng may maramdaman akong humahalik sa leeg ko. Si Treyton.

Kanina lang ang seryoso sya sa panunuod ng TV tapos ngayon biglang nasa likod ko na sya?

"Ambango mo talaga."
Sabi nya habang inaamoy amoy ang leeg ko. Manyak alert!

Sa inis ko ay hinampas ko nga ang hawak kong suklay sa ulo nya. Kitang hindi pa ko nakakapagbihis eh.

"Aray. Para san naman yun?"
Parang bata na sabi nya habang hawak nya ang ulo nya na binatukan ko.

Tanging ako lang ang nakakagawa ng mga ganito sa kanya.

Naalala ko nung nasa bakery kami, may lalaki lang na nakabangga ng braso nya ay halos bugbugin nya na ito kung wala pang mga tanod na umawat sa kanya nun. Ganun sya kapag may nanakit sa kanya kahit hindi naman sinasadya nung tao.

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now