Chapter Four

4K 140 7
                                    

Kernan's Point Of View

At hindi nga ko nagkamali, Ilang beses na inangkin ni Treyton ang katawan ko sa loob ng banyo habang dumadaloy ang tubig sa aming mga katawan.

Hindi narin ako nakatanggi dahil masyado syang malakas.

"Bakit hindi kapa nagbibihis?"
Tanong nya sakin ng makapasok sya sa loob ng kwarto namin.

Napatitig ako sa kanya.

Pinupunasan nya ang buhok nya gamit ang tuwalya. Hindi ko alam na natulala na pala ako sa ginagawa nya.

Bumalik lang ako sa  ko ng hawakan nya ko saking braso.

What was that? Talaga bang natulala ako sa mukha ng lalaking to? Inlove naba ako sa kanya? No.. Hindi ako bakla.

"Gusto mo ba na bihisan pa kita?"
May ngisi sa labi na tanong nya.

Inirapan ko lang sya at tinulak sya palayo sakin.

"Hindi, kaya ko magbihis mag isa."
Sabi ko at napatingin sa suot nya.

Ngayon ko lang napansin na nakatshirt sya at nakapantalon na panlakad. May pupuntahan ba sya?

"Pupunta kabang bayan?"
Tanong ko kahit halata naman sa suot nya.

Tumango sya.

"Oo. May ipapabili kaba?"

Mariin akong umiling.

Naalala ko ang kaibigan kong si Peter, nagtatrabaho sya sa bayan bilang isang tindero sa isang bakery. Matagal ko naring hindi nakikita ang bestfriend kong iyon.

"Pwede ba kong sumama?"

Sa sinabi ko ay napaharap si Treyton sakin at tiningnan nya ako bago nagsalita.

"No."
Malamig na sagot nya.

"May kaibigan kasi ako na nagtatrabaho dun, gusto ko lang naman na madalaw sya."

"Hindi pwede."

"Please? Ilang buwan nakong nakakulong dito sa bahay. Gusto ko namang makalanghap ng sariwang hangin mula sa labas."

Napahinga sya ng malalim.

"Sige, magbihis kana. Bilisan mo."
Aniya at tumalikod mula sakin.

"Mag jacket ka at wag kang magsusuot ng short."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ako? Magjajacket? Sobrang tirik ang araw ngayon sa labas tapos gusto nya na magsuot ako ng jacket?

"Bakit naman ako magjajacket? Kita mo namang mainit sa labas eh."
Sagot ko habang naghahanap ng masusuot ko.

Napatingin naman sya sakin. Sa sama ng tingin nya ay pwede nakong bumulagta dito ngayon sa kinatatayuan ko.

Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Baka magbago pa isip nito eh.

"Oo na, Sabi ko nga magjajacket ako."
Sabi ko at napahinga ng malalim.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na kami ng bahay at sumakay na kami sa kotse nya.

Hindi naman sobrang layo ang bayan dito mula sa amin.

Pagkarating namin sa bayan ay dumiretso agad kami sa palengke.

"Mr. Authier, Nandito kana naman pala."
Sabi ng isang Aleng nagbebenta ng isda.

"Puro sariwa ang isda ko ngayon, kakadeliver lang nito kanina."
Dagdag na sabi pa nito.

Pero si Treyton ay hindi naman sya sinasagot at tinitingnan lang nito ang mga isda.

Napatingin sakin si Ate ng makita nya ako at napangiti.

"Aba, Sino naman tong cute na batang kasama mo?"

Napangiwi nalang ako.

Hindi na kasi ito ang unang beses na napagkamalan akong bata dahil sa height ko.

4'9 lang kasi ang height ko kumpara kay Treyton na 6'9.

"Nako, hindi na po ako bata.."
Natatawang sabi ko.

Nakakamiss talaga yung buhay sa labas. yung makikisalamuha ka sa ibang tao at makikipagbiruan sa kanila, buti nalang at pinayagan ako nitong lalaki na katabi ko na sumama sa kanya ngayon.

"Kaano ano mo nga pala si Mr. Authier? Tito mo ba sya?"

Napatingin nalang ako kay Ate ng magtanong ulit ito. Pano ko ba sasagutin ang tanong nya?

Ano ba kami ni Treyton? Syempre wala, pero sabi nya gusto nya ako? Argh, Ano ba tong pinag sasabi ko.

Napaharap ako kay Treyton ng bigla ay hilahin nya ang kamay ko at nagsimula muli kaming maglakad.

"Akala ko ba bibili ka ng isda nya? Bakit natin sya aalisan?"
Tanong ko sa kanya habang magkahawak ang mga kamay namin.

Napaharap sya sakin at pinitik nya ako saking noo. Napahawak ako sa noo ko na pinitik nya, masakit yun ah.

"Masyado syang maraming tanong."
Aniya.

Dahil lang dun? Napakababaw naman ng lalaki na'to. Mukha namang masayahin at friendly si Ate.

Vote and Comment, if you like the story. Thanks.



He Owns Me (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon