Chapter Twenty One

2.5K 101 38
                                    

KERNAN

Napatigil sya sa kanyang ginagawa ng bigla ay mabasag ang salamin ng kotse nya.

"Treyton," umiiyak na sabi ko ng makita ko sya. Napatingin ako sa kamay nya may sugat ito.

Kita ko ang galit sa mga mukha nya.

"G*go ka!" Sigaw nya sabay hila sa kapatid nya palabas mula ng kotse.

Umibabaw sya dito at walang tigil na pinaulanan nya ito ng suntok sa mukha.

Pakiramdam ko ay mapapatay nya si Jeff kung hindi ko sya pipigilan kaya bumaba nako ng kotse at niyakap sya mula sa likod.

"Tama na please, baka mapatay mo sya. kapatid mo sya."

"Bitawan mo ko."

"Please, Treyton? Umuwi nalang tayo please?"

Dahan dahan na tumayo si Jeff mula sa pagkakahiga nya sa kalsada. makikita mo ang pasa sa mukha nya at dugo sa kanyang labi dahil sa pagsuntok sa kanya ni Treyton.

"Tapos naba kayong mag drama?" natatawang sabi nya.

"Siraulo ka, sinabihan na kita na wag na wag mo syang gagalawin." galit na sabi ni Treyton at hinawakan sya sa kwelyo nito.

"Nagsabi kaba? Di ko maalala eh."

"Papatayin kita!"

"Treyton," sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Wag ka mag alala kernan, buburahin ko na yung mga pictures." Aniya at hinawakan ang labi nyang may dugo bago sumakay sa kanyang kotse.

Napatingin ako kay Treyton. seryoso ang mukha nya at mukhang malalim ang iniisip nya.

"Maiintindihan ko kung magagalit ka sakin." sabi ko sa kanya.

"Sagutin mo nga ang tanong ko, Mahirap ba kong mahalin?"

Umiling ako.

"Hindi."

"Bakit hindi mo magawang magpaalam sakin? mabuti nalang at may nakapagsabi sakin na kasama mo ang kapatid ko."

Si Kyle siguro ang tinutukoy nya.

Tumalikod na sya mula sakin.

"Umuwi na tayo," malamig na sabi nya at sumakay na sa kotse nya. sumunod naman ako.

Ramdam ko ang galit nya sakin habang nasa biyahe kami pabalik sa kanila.

"Treyton " pag tawag ko sa kanya pero hindi sya sumagot sakin at seryoso parin sya pagmamaneho.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Pangalawa na'to kernan, kahit sino naman ay magagalit sa ginawa mo.

Pagkabalik namin ng bahay ay nagulat ako ng buksan ni Treyton ang kwarto namin ay bumungad samin ang isang matangkad at maputing babae.

Maganda sya at tingin ko ay model sya dahil sa tindig nya.

"Hillary." ani Treyton.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Owns Me (Boyxboy)Where stories live. Discover now