Chapter 1: Chrysanthemum

28.2K 1.2K 272
                                    

Tonight is Farah's, my close friend, engagement party. Nasa villa resort kami ngayon ng fiancé niya at kakaunti lang ang invited dahil gusto nila ng private party. Napatingin ako sa wine glass na hawak ko at napangiti nang mapait. Dapat masaya ako ngayon para sa kaibigan ko ngunit nakatatak pa rin sa utak ko 'yong sinabi ng doctor  kanina. 

My days are already numbered. I only have less than two years to live ngunit hindi pa ito sigurado ayon sa doctor ko. Pwede pa itong humaba o 'di kaya, pwede pa itong umikli. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba ako naipanganak na may mahinang puso? 

Ipinilig ko ang aking ulo at inisang lagok ang wine na hawak ko. I just want to enjoy everything tonight. Hangga't maaari, ayaw ko muna itong isipin. 

Nasaan na ba 'yong fiancé ko? 

I'm a little bit tipsy now kaya pumasok muna ako sa loob. Hindi ko alam na mataas pala 'yong volume ng wine na nainom ko. Nakita ko agad si Farah kasama ang fiancé niya  kaya naglakad ako papalapit sa kanila.

"Did you see Darrell?" tanong ko kay Farah. She looks so glowy, I'm so happy for her.

"No, why? Lasing ka na ba?" nag-aalalang tanong niya pero umiling ako.

"Kukuha lang ako ng gamot sa itaas." My head is throbbing. Hindi ko alam kung epekto lang ba 'to ng alak pero medyo sumasama na ang pakiramdam ko.

"Okay. The bathroom is located on the second floor. Third door to your right. Nando'n nakalagay 'yong mga gamot pero sigurado ka ba na ayos ka lang?"

Tumango ako at nagpasalamat sa kanya at umakyat na sa hagdan. Hindi ko alam pero sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Baka naparami lang siguro ako ng nainom.

Nasaan na ba kasi si Darrell? Nagpaalam siya kanina na magyo-yosi lang daw siya ngunit hanggang ngayon 'di pa rin siya bumabalik.

Napahilot ako sa sintido ko pagkarating ko sa ikalawang palapag ng rest house na kinaroroonan namin at papalapit na ako sa ikatlong kwarto nang mapahinto ako sa kakaibang ingay na pumukaw ng atensyon ko. Imbes na sa kanan ay dahan-dahan akong dinala ng aking mga paa sa kaliwa kung saan kalimitan ng kwarto rito ay para sa mga bisita.

Hindi ko alam kung bakit ako huminto sa harapan ng kwartong tutuluyan ko ngayong gabi. Napakunot-noo ako dahil may naririnig akong ingay sa loob. Imposible namang papasukan ng magnanakaw ang villa na 'to sa sobrang higpit ng security nila. 

Ngunit napakunot noo ako nang maamoy ko 'yong pabango ng kapatid ko. Anong ginagawa niya sa loob kwarto ko? Akala ko ba nasa labas siya kasama niya 'yong boyfriend niyang si Nick? Hinawakan ko ang doorknob kaso napatigil ako sa narinig kong boses.

"Nagseselos ka ba?"

Kanina ko pa hinahanap ang may-ari ng boses na 'yan at hindi ko inaasahang dito ko lang pala siya matatagpuan.

I'm confused. Bakit niya kasama ang kapatid ko? Hindi ko masyadong pinansin 'yong sinabi niya dahil litong lito ako ngayon sa kinatatayuan ko.

"Oh, please! Jealous? I'm far more beautiful and sexier than her. Bakit naman ako magseselos? Not to mention, mas magaling ako sa kama," she said in a flirtatious tone.

Kapatid ko ba talaga 'tong kausap ni Darrell? She never speaks like that as far as I know. Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang matigilan ulit ako.

"I won't further argue, babe. You know I love you, right?"

What? W-Wait what's happening? Tama ba ako ng rinig?

"Until when? Do you expect me to standby and watch habang masaya kayong dalawa? I want to slap her when she's flirting with you, ugh!"

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon