Chapter 5: Marionette no more

17.5K 1.1K 194
                                    

Nasa entrance ako ng hotel kung saan magaganap 'yong after party ng mga sikat na personalidad sa media. May naganap kasing ball ngayon at dito sila didiretso pagkatapos. Nakapasok ako dahil sa pinekeng invitation card ni Dani at saka ako pumunta sa ikalawang palapag. Maya't maya'y nakikita ko na sila na isa isang papasok. Ngayon lang ako na inform na masquerade pala 'yong theme. Napasapo ako sa ulo ko, paano ko siya mahahanap sa lagay na 'to?

I scan the crowd, desperately searching for his tall frame. Naaninag ko agad ang isang lalaki na nasa tabi ng chocolate fondue habang ngumunguya ng chocolate coated marshmallow. Napataas ako ng kilay. Hindi naman pala siya gano'n kahirap hanapin. He stands out just from his looks kahit na natatakpan 'yong mukha niya. Kaya lang ako napataas ng kilay kasi 'di ko inaasahan na siya 'yong tipo na kumakain ng marshmallow.

Napatingin siya bigla sa direksyon ko at buti na lang mabilis ako mag-react kaya mabilis akong nagtago sa likod ng isang pader. 

Napahawak ako sa dibdib ko at tiningnan ko 'yong heart rate ko. Medyo tumaas ito kaya huminga muna ako para kalmahin ang sarili ko. 

I need to do this. Nandito ka na, Scarlett. Ngayon ka pa ba aatras?

Medyo namamawis na 'yong kamay ko sa kaba pero nang makita ko ulit 'yong kapatid ko na nakikipagtawanan sa ibang bisita ay nanumbalik ulit 'yong inis ko. Isa siya sa mga invited guest ngayon at 'di na ako nagtaka pa. Kung nasaang event si Ivan, dapat nando'n din siya. 

I cannot confront her about the picture I saw on her social media account because I don't want her to think that it's affecting me. Ngunit ang tanong, siya lang ba ang may kayang mang-agaw? I know, I sound petty but I don't care. I'm too hurt enough to care. 

Just so you wait, Amber. I'm going to steal Ivan away from you

Napapaisip din ako minsan kung nasa tama pa ba akong pag-iisip. That man could kill me anytime if he wants to and there's a possibility that he's one of the killers who's responsible with the death and disappearance of these women from the news. It's only a possibility, but if it is, sana 'di na ako nakatayo ngayon at humihinga. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi niya ako kinagat no'ng gabing 'yon.

His words don't match his actions.

But I'm betting my life on this. I can still live if I can negotiate with him.

Napansin ko siyang naglakad patungo sa balcony at may kasama siyang babae kaya tahimik ko silang sinundan. Nasa likod ako ng malaking vase habang nakatingin sa kanya. They're both laughing and flirting. Kalaunan ay umalis 'yong babae at naiwan siyang mag-isa.

Perfect.

Tinanggal niya 'yong suot niyang face mask at ipinatong ito sa gilid. Sunod niyang inilabas 'yong pack ng cigar mula sa kanyang bulsa saka ito sinindihan. Isa pa 'to sa ipinagtataka ko, kakaiba 'yong amoy ng yosi na gamit niya. Hindi ito 'yong normal na amoy ng yosi. The scent is similar to a musky teakwood.

"Come out, I know you're there," he said while looking at the night view. Nakatalikod siya mula sa akin.

Paano niya alam? Is that one of his vampire sense? Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Weird enough, the closer I get to him, I feel like my legs are about to give in. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya ngunit mawawalan ng saysay 'yong ipinunta ko rito. 

Buong tapang akong lumapit sa kanya at sakto namang humarap siya sa direksyon ko kaya napahinto agad ako.

I don't want to admit this, but the moment our eyes locked, I was immediately drawn to his beauty. Madaya, may favoritism si Lord! Bakit ang gwapo ng lalaking 'to kahit wala siyang ginagawa at nakatayo lang? 

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon