Chapter 14: Touchy

17.2K 978 332
                                    

"This way please!" The tour guide ushered us inside a van. 

Next to my list is Maui Ocean Center. Sumakay na ako sa van kasama ang iba pang turista at hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang saya. 'Di ko pa kasi nararansang pumunta sa mga ganito kahit na sa Ocean park sa Manila dahil never naman akong dinala roon nila Dad. Si Amber lang ang isinasama nila tuwing may outing sila at kalimitan akong naiiwan sa bahay. 

I took out my camera and started documenting the sceneries from outside. We made a small stop in between the travel to take pictures. Napatingin ako sa mga kasama kong turista at lahat sila ay may kasama. Ako lang yata ang mag-isa rito.

I'm an introvert kaya nahihiya akong humingi ng favor sa kanila upang kunan ang litrato ko kaya 'di na ako nag abala. 

"Hey, hey, Ivan's wife!" 

Napalingon ako at nakita ko agad si Enzo na may akay na babae sa kanyang braso. He's wearing a summer polo paired with beach shorts at may pabulaklak pa siyang kwintas. 

He's so extra.

"Babe, wait here," rinig kong sabi niya sa babaeng kasama niya saka siya naglakad papalapit sa akin.

"Hi," I greeted him back. 

"Nasaan si Ivan?" 

"He's not feeling well kaya naiwan muna siya sa hotel," pagsisinungaling ko kaso halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala.

"I can't believe he sent his wife alone on a honeymoon trip." Napailing-iling siya. "Gusto mo ba ng bagong asawa? I'd say 'I do' in a heartbeat," he boldly offered.

"I'm not into polygamy." Pinagpatuloy kong kumuha ng litrato pero nakasunod pa rin siya sa akin.

"What do you mean?"

I drop my camera at tumingin sa kanya. Yeah, he really looks like a womanizer. I'm not judging but I'm also judging. Itinuro ko 'yong babaeng kasama niya kanina.

"Pustahan, sinabi mo na rin 'yan sa babaeng kasama mo at sa mga iba mo pang babae."

"Of course no! Ikaw lang sapat na." He winked at me pero tinalikuran ko lang siya.  "C'mon, Scarlett! Believe me, paniwalaan mo 'ko! Ikaw lang sapat na kasi you're enough, you know?"

"Naka drugs ka ba?"

Hinawakan niya 'yong dibdib niya at umaktong nasasaktan. "Ouch. Mukha ba akong adik?"

"Oo?"

"Adik sa'yo?"

Tumindig 'yong balahibo ko. Paano niya napapahulog 'yong mga babae niya sa mga ganitong banat? "Bumalik ka na sa babae mo."

"Give me your camera."

"Bakit?"

"Baka isasangla ko?"

Teka, bakit parang may deja vu? Inagaw niya sa akin mula 'yong camera ko at saka niya ako pinatayo sa may malaking bato. What is he doing?

Agad siyang dumapa sa damo habang nakatutok sa akin 'yong camera. "Pose for me, babe! Masyado ka bang natinag sa kagwapuhan ko at 'di ka makagalaw?"

Nakakahiya, medyo pinagtitinginan kami ng mga ibang tao pero parang walang pake si Enzo at patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Smile."

Ginawa ko na para matapos na pero napakunot noo siya. "Natatae ka ba?"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya 'yong pisngi ko at saka niya ito hinila pataas. 

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon