Chapter 4: Finders keepers

17.7K 883 87
                                    

Hinawakan niya ako sa leeg at saka niya ako itinulak sa pader. Mas lalo akong hindi makahinga dahil sa ginawa niya. Nanlilisik ang mga mapupula niyang mata habang nakatitig sa akin. Medyo nandilim 'yong paningin ko sa ginawa niya at napadaing ako sa sakit.

"Fuck," he mumbled under his breath. 

Hinawakan ko 'yong kamay niya na nakahawak sa leeg ko. My eyes started to tear. Hindi na talaga ako makahinga . . .

"Why do you smell so intoxicating?" Inilapit niya 'yong ilong niya sa leeg ko. "Did you know that you're unknowingly asking for death the moment you entered this room?"

I can't answer. I can feel his teeth grazing my neck. May naramdaman akong isang presensyang papalapit sa amin at mas lalo lang tumapang 'yong amoy ng dugo.

"Ivan, I thought you wouldn't come," aniya at halata ko sa boses niya na nakangiti siya. "Who is she?"

I whimpered in pain. I need my medicine. Nahihirapan na talaga akong huminga. Mas lalong naninikip 'yong dibdib ko. 

"None of your f*cking business," Ivan answered. His head is still lowered on my neck. I can feel his hot breath against my skin. It's ticklish.

"Typical Ivan." Tumawa siya at mas lalong lumapit sa amin. "You see, I can smell her blood too and she smells so unique. Ngayon lang ako nakaamoy ng dugo na tulad niya. Mind if we share?"

Ayoko pang mamatay . . .'wag muna ngayon.

Ipinatong ni Ivan 'yong kamay niya sa pader at saka niya mas inilapit 'yong katawan niya sa akin, sa puntong halos takpan na niya 'yong katawan ko mula sa paningin nung lalaki.

"Finders keepers, Albert. You know that."

"C'mon! She smells so good! Saan pa ba ako makakahanap ng ganitong kabango na dugo?"

I tried to calm myself. Imposible kong makuha 'yong gamot ko ngayon at ito lang ang preventive measure na alam ko. I took slow breaths while counting up to ten. Ngunit mas lalo lang ako kinakabahan sa sinasabi ng lalaking 'to. Mabangong dugo? What does he mean by that? Amoy kalawang lang ang alam kong amoy ng dugo.

"You're not planning to make her your bride, right? I know you, Ivan. You don't enter into any romantic relationships. That woman can be my bride kung tapos mo na siyang pagsawaan. I want her so badly."

Nagpantig 'yong tainga ko sa sinabi niya. What? Bride? Sinilip ko siya saglit para tingnan 'yong hitsura niya. Kahit na nakasuot siya ng maskara, mukhang nasa late 30's na siya. Ang dami niyang suot na alahas at nakaakbay siya sa dalawang babae. May bigote rin siya at mas maliit siya kaysa sa akin.

I don't know why he's talking about bride but I won't definitely marry him.

Naramdaman kong medyo napapaisip si Ivan sa sinabi ng lalaki. Hindi naman ito bago sa akin dahil kilala si Ivan na hindi pumapasok sa isang seryosong 'relasyon'. Ayon sa media, lahat ng mga naging ka-relasyon niya ay 'di tumatagal ng isang buwan.

"I want to taste her," dagdag pa niya.

Nangilabot ako at dahil sa takot ay bigla kong niyakap si Ivan nang mahigpit at umiling iling habang nakadikit 'yong mukha ko sa dibdib niya.

Don't give me away, please. 

His body tensed dahil sa ginawa ko.  Sinubukan niyang tanggalin 'yong kamay ko kaso 'di ako bumitaw. 

"What the hell are you doing?" bulong niya sa akin. "Stop touching me."

"No," I whispered back.

"I'll kill you if you don't let go. I mean it."

"Then kill me." I looked at him, tears already flowing down from my eyes. 

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon