Chapter 36: Broken Vessel

15K 845 193
                                    

Is this the end for me?

Ang bigat ng katawan ko at nakaramdam ako nang labis na panghihina. Sinubukan kong gumalaw ngunit 'di ko kaya. May naririnig akong huni ng makina ngunit 'di ko alam kung saan galing ang mga ito. May naririnig din akong mga boses at yapak ng mga paa ngunit masyado itong mahina. 

All of a sudden, I felt something cold touching my hand yet it felt warm at the same time. I held on to that warmth like I'm going to lose it ngunit hindi gano'n kahigpit ang hawak ko dahil wala akong lakas.

May naririnig ulit akong boses, para bang tinatawag ang pangalan ko.

"Amara . . . "

My lids felt heavy. Kahit gusto ko mang buksan ang aking mga mata, 'di ko 'to magawa. Itinuon ko ang atensyon ko sa boses na para bang nasa tabi ko lang.

"Amara . . . "

The voice sounds familiar. The deep and husky tone, the warmth that it held only for me. Alam ko kung kanino ang boses na ito

"Open your eyes for me, please?"

The same warm hand stroked my cheeks, washing away all my worries. 

I focus on his voice, trying to block any noise. Only his voice.

A crack of light greeted my vision as I slowly open my eyes. Bumungad agad ang puting kisame na sobrang pamilyar na sa akin. Naaamoy ko na rin 'yung mga antiseptic kaya klaro na sa akin kung nasaan ako.

"Thank God, you're awake." A voice beside me spoke. Nilingon ko ito nang dahan-dahan at nakita ko si Ivan na nakahawak sa kamay ko. Gulong-gulo ang kanyang buhok at medyo namumula ang kanyang mga mata at pisngi. Paulit-ulit niyang hinalikan ang likod ng palad ko at naririnig ko ang mahihina niyang 'I'm sorry'.

Then the realization hits me. 

Bumalik sa aking alala ang mga natuklasan ko kahapon. 'Yung narinig kong usapan nila. Kung anong tungkulin ko sa buhay niya at 'yung tanging rason kung bakit ako nabuhay sa mundong ito. 'Yung naging usapan namin ni Dad hanggang sa inatake ako at nakatitig lang siya sa akin.

Naalala ko na lahat. 

Naramdamaan ko ang unti-unting pangingilid ng aking luha hanggang  bumagsak ito sa aking pisngi. Pinunasan agad ito ni Ivan gamit ang kanyang mga daliri ngunit iniwas ko agad ang mukha ko.

Parang may kung anong nabasag sa mga mata niya nung tiningnan ko siya. 

"I'm sorry," he whispered. 

Napansin ko  na mukha siyang nanghihina kumpara kahapon. 

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sigawan at tanungin kung bakit 'di niya nagawang sabihin sa akin ang katotohanan. Ngunit kahit anong gusto kong gawin para magalit ay 'di ko kaya. Hindi ko alam kung kagagawan ba ito nung witch o kung sino mang leche na nagpasimuno nang lahat ng ito. 

Naiinis ako dahil sa kabila ng lahat, gusto ko pa rin ibigay sa kanya ang dugo ko. 

"This is all my fault, Amara. It was my decision to tell you the truth when I'm ready. Sana 'wag kang magalit sa kanila kung bakit 'di nila sinabi sa 'yo ang totoo."

Hindi ako umimik.

"Sasabihin ko sa'yo ang totoo . . . Sasabihin ko sa'yo lahat-lahat ngunit pinangunahan ako ng takot pero pinapangako ko sa'yo na hindi ko gustong magsinungaling sa'yo." Yumuko siya at napansin ko ang luhang pumatak sa kamay ko na hawak niya. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana matagal ko nang sinabi sa'yo. Hindi ko ginusto na hahantong tayo rito . . . at mas hindi ko ginusto na makita ka rito na nakaratay sa kama dahil sa kagagawan ko. Fuck, Amara, I'm so sorry."

Paint Me RedOnde histórias criam vida. Descubra agora