Chapter 31: La Famiglia

15.7K 976 363
                                    

My hand is shaking. I told Cooper about everything and he is already tailing Felix as soon as I informed him. I'm about to lose my mind worrying about the suspect at the same time, the dinner with Ivan's grandparents.

Tumingin ako sa orasan. Thirty minutes pa bago ako sunduin ni Ivan. Kakatapos ko lang maligo kaya agad-agad kong isinuot ang itim na silk dress na binili ko kanina. Pagkatapos, nagpatuyo na ako ng buhok at dahil wala akong oras para kulutin ito, itinali ko na lang ito at nag iwan ng mga hibla sa gilid. 'Di na ako gaanong naglagay ng make-up at pagkatapos, nagsuot ako ng itim na blazer dahil medyo nilalamig ako ngayon. 

May limang minuto pa ako pero narinig ko na ang huni ng sasakyan ni Ivan sa labas. 

Kinuha ko 'yung  mga gamit ko saka lumabas para roon siya salubungin nang biglang tumunog 'yung phone ko. May message galing kay Cooper.

Cooper: Felix is acting suspiciously. 

Me: Where are you?

Cooper: Church. Back door. 

Ako 'yung kinakabahan. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pero sana hindi mapahamak si Coop—

"Ready?" A low voice captured my attention.

Agad kong itinago 'yung phone ko sa bag at saka tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. My heart almost exploded at the sight of him. He's wearing a grey sweatshirt, just like the color of his eyes. Nakatupi ito hanggang siko niya. The material clung to his body deliciously, outlining every muscle on his arms. He paired this with simple black slacks and black loafers.

He's such a sight to behold. 

Pero agad din nawala 'yung ngiti ko nung maalala ko 'yung usapan namin kanina. He just confessed that he likes me. Sana masaya ako ngayon dahil nanggaling na mismo sa bibig niya ngunit malinaw na sa simula pa lang na may hangganan ang lahat ng ito.

Inilahad niya ang palad niya at malugod ko itong tinanggap. Hindi pa rin mawala-wala 'yung pag-aalala ko sa sinabi ni Cooper ngunit kahit papaano ay kumalma ako nung nahawakan ko ang kamay ni Ivan. 

He eyed me up and down. I feel like he wants to say something but he shook his head. Instead, he said, "Let's go?" 

"Okay." Hindi ko alam kung ako lang pero parang lumamig 'yung tono niya. Isiniwalang bahala ko na lang ito hanggang sa iginaya niya ako papunta sa kanyang kotse. 

Pumasok na kami sa kotse niya at nagsimula na naman akong kabahan. Wala pa kaming sampung minuto sa biyahe pero 'di na ako mapakali. Ang tahimik sa loob ng sasakyan kaya sumulyap ako saglit kay Ivan na nakatingin na sa akin. Naka stop signal na pala kaya siya huminto. 

Hinawakan niya 'yung kamay ko saka niya ito inilapag sa hita niya. "Nervous?"

Tumango ako at saka humarap sa kanya. "Tell me about your grand parents. You know? Just in case . . ."

"Just in case what?" 

"We need to make this believable, right? Paano natin sila mapapaniwala kung wala akong ideya kung ano pangalan nila, mga paborito nila, and the usual stuff." 

Nag-igting ang kanyang panga sa sinabi ko. Medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at saka niya inalis ang tingin sa akin pagka go signal ng traffic light.

Binitawan niya 'yung kamay ko na ipinagtaka ko. My skin instantly craves for his touch. 

"Sorry for holding your hand since it's just us," he explains. Nakatingin pa rin siya sa daan at ang lamig ng boses niya.

Oh.

I want to smack myself. Gusto kong bawiin lahat 'yung sinabi ko sa kanya dahil gusto ko ulit hablutin 'yung kamay niya upang mahawakan ito. Instead, I retreived my hand, feeling cold once again.

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon