Chapter 33: A choice to make

15.1K 966 248
                                    

"Let me talk to him, Cooper. Tumabi ka riyan."

"Peklat, paano kung 'di kayanin ng puso mo? Kung may gusto kang malaman, ako na ang bahalang magtatanong sa kanya—

Umiling ako. "Kailangan ko siyang kausapin." Hahawakan ko sana 'yung door knob patungo sa visiting room nang hilain niya 'yung kamay ko.

He glares at me. "Paano kung himatayin ka ulit? Minsan isipin mo rin ang kalagayan mo. Huwag kang magpadalos-dalos lalo na't alam mong mahina ang puso mo," mahinanon niyang sabi. "Kumalma ka muna, please?"

"Kalmado ako. Kung masyado kang nag-aalala sa akin, pwede mo akong samahan sa loob. Please lang, matagal ko nang gustong malaman kung sinong may kagagawan ng lahat ng ito at ngayong alam ko na, gusto kong itanong sa kanya ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin. May heart monitor naman ako kaya alam ko kung anong limitasyon ko."

"Pekla—"

Binuksan ko na 'yung pinto bago pa man niya matapos 'yung sasabihin niya. Naaninag ko agad si Felix na nakaupo sa likod ng salamin na nagsisilbing divider. Tumingin siya sa akin at ngumisi. The nerve of this man. May gana pa siyang ngumisi sa kabila ng ginawa niya. 

"Calm down," Cooper whispered. Inalalayan niya akong umupo habang marahang hinahaplos ang likuran ko.

Felix just smiled. Smiled after killing those poor victims. Smiled after he killed Iris. Smiled as if he did nothing wrong. Smiled as if he was innocent. Fuck him.

Umupo ako at hinarap siya kahit naaasiwa ako sa pagmumukha niya. "Bakit mo 'yon ginawa?" may diin kong tanong.

"Ang alin? Hmm . .  Ang pagpatay sa kaibigan mo o ang panloloko ko sa inyong lahat?"

"You f*ck—" I paused, breathing hard. Naramdaman ko agad si Cooper sa tabi ko at may tubig nang nakahanda sa kanan niyang kamay. Kinuha ko 'yon at uminom nang kaunti. 

"Bakit ka pumapatay ng mga inosenteng babae? Bakit mo pinatay si Iris?" Ikinuyom ko 'yung hawak ko doon sa water bottle. "Anong rason mo—"

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay saka tumawa. "Chill, darling. Isa-isa lang. Masyado ka namang atat."

"Scarlett," may diin kong sabi. "Not darling. Call me Scarlett, you fucking murderer. May konsensya ka ba? Paano mong nagagawang pumatay? Ano bang kasalanan nila sa'yo? You even took it too far by using prosthetic fangs to cause chaos! Hindi ko alam kung anong nakita sa'yo ni Dani at pinatulan ka. You don't deserve her—hell— you don't deserve anyone!" 

Nawala 'yung ngiti niya sa sinabi ko. Tila may nasabi ako na 'di niya nagustuhan.

"Sabihin mo kung bakit mo 'yon ginawa bago ko pa basagin 'yang pagmumukha mong hayop ka!" 

"Ikalma mo ang puso mo. 'Di mo magagawang basagin ang pagmumumkha ko kapag inatake ka diyan sa kinauupuan mo." Itinuro niya 'yung relo ko at ginaya niya 'yung tunog nito kapag inaatake ako. Halatang nang-aasar.

"Scarlett, don't. He's just provoking you." Umiling sa akin si Cooper nang akmang tatayo ako.

Prenteng sumandal si Felix sa kanyang upuan. "At para sagutin ang tanong mo, simple lang naman ang sagot ko. 'Di ko ginusto ang lahat ng ito."

I scoffed. Hindi ginusto? Ginagago ba ako neto? "Bullshit."

Tumawa lang siya pero wala itong bakas ng saya. "Naramdaman mo na bang mawalan ng mahal sa buhay?" 

"'Wag mong iniiba ang usapan! Sabihin mo sa akin kung bakit mo 'to ginawa!"

Natahimik siya saglit. May sumilay na lungkot sa kanyang mga mata bago niya ito itinago agad.  "I was in love with your mom."

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon