Chapter 30: Eureka

17.2K 898 292
                                    

Nagising ako dahil parang gumagalaw 'yung kama ko. Kailan pa naging matigas 'yung mattress ng kama? Pati 'yung unan, bakit ang tigas? Kinakapa-kapa ko ito, tila nag-iba rin 'yung amoy. Mas naging kaamoy ito ni Ivan.

Pero 'di ba nasa Japan siya? 

No. He came home yesterday because I called him. 

Tila ngayon lang bumalik sa akin lahat. Akala ko ay panaginip ang nangyari kahapon ngunit pagbukas ng aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakapaibabaw sa kanya. Nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib habang nakabalot ang aking braso sa kanyang bewang. Sa mas madaling salita, ginawa ko siyang sarili kong kama.

Pansin ko rin na hindi na naka posas ang aking isang kamay ngunit nag-iwan ito ng pulang marka. 

Inangat ko bahagya ang aking mukha para titigan siya sa mukha upang kumpirmahin na narito nga siya. 

He's really here. 

I cupped his cheek and softly traced his jawline. He's just sleeping here yet it looks like he's modeling. I smiled to myself. Ipinatong ko ulit 'yung ulo ko sa dibdib niya para pakinggan ang tibok ng puso niya. 

"Why did you handcuff yourself last night?" A low voice vibrated against my temple. Napasigaw ako sa gulat at akmang aalis ngunit mabilis niyang ipinulupot ang kanyang kamay sa aking bewang. "Do you have a kink or something?"

"No." I lowered my voice. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kung bakit ako nakaposas kagabi. 

"Tell me what's wrong, love." Nawala yung mapaglarong tono sa kanyang boses habang marahan niyang hinahagod ang aking likod. His hands soothed me and I melted in his arms instantly.

Naguguluhan ako kung ano na ba ang namamagitan sa amin. I know that this relationship is fake from the start, hell, we're only using each other for our own benefit but what confused me is this warmth that we share. This is not part of the deal.

But I crave for it. I crave for warmth. I crave for him.

"I had a nightmare," I murmured against his chest. Ngayon ko lang din napansin na wala siyang suot pang-itaas. He smells heavenly. "And I'm sleepwalking these past few days which explains the handcuffs."

"Sleepwalking?"

Inalis ko 'yung kamay niya na nakapulupot sa 'kin at umupo nang maayos. "How's work?" pag-iiba ko ng usapan. 

"Good." He narrowed his eyes. "Now, don't try changing the topic. What do you mean by sleepwalking?"

"It's nothing."

"It's not nothing." Umupo rin siya nang maayos. "What's wrong, love?" 

He looks at me with worry in his eyes. Kinuha niya ang kamay ko na 'di ko namalayan na kanina ko pa pala nilalaro at marahan niya itong hinalikan. It's the little things that makes my heart swoon and melt for him. Ngumiti ako ngunit nawala agad 'yon nang maalala ko 'yung sinabi ng doctor.

I have three to five months left.

"Are you okay?"

Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. Napansin niya agad ito at napakunot-noo siya. 

"Siguro dahil sa pagod at kulang ako sa tulog. Masyado kasi kaming naging busy sa bagong project," pagdadahilan ko. "Medyo nagiging madalas nga lang at ayokong maaksidente kapag nangyari 'yon kaya pinosas ko 'yung sarili ko."

He narrowed his eyes. 'Di ko alam kung pinapaniwaalan niya ba ngayon 'yung mga lumalabas sa bibig ko. He's an actor, after all, he can detect whether a person is acting or not, and if he did notice that I am indeed acting fine, he didn't say anything. Instead, he reached for my hands again. 

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon