Chapter 15: Bathtub

17.6K 955 134
                                    

Nauna akong lumabas sa sasakyan nang mapansin ko na nasa hotel na kami. Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa bewang ko para 'di ako sumubsob sa sahig. Pagka dampi pa lang ng kanyang kamay sa aking bewang ay nakaramdam ako ng init.

"Ivan, naiinitan ako!" pagrereklamo ko at akmang tatanggalin ko 'yong strap ng dress ko pero agad niya akong pinigilan.

"Gawin mo lang 'yan pag nasa loob ka na ng kwarto. 'Wag dito."

"Ang init!"

"You're drunk. Stop it, Scarlett," he warns in a soft voice.

Inakay niya ako papaloob at bawat dinadaanan kong tao ay binabati ko. Ewan ko rin kung bakit.

Parang lumilindol ang paligid at kung hindi lang ako hawak-hawak ni Ivan ay paniguradong kanina pa ako natumba. Pinagtitinginan ako ng mga ibang tao ngunit 'di ako sigurado kung ako ba talaga o dahil sa nakaalalay sa akin na gwapo.

Well, 'di ko sila masisisi.

"Kaya ko na ang sarili ko!" Inalis ko 'yong mga kamay niya sa bewang ko at tuwid na naglakad. Hindi pa ako nakakaisang hakbang nang tuluyan akong matumba.

Napasalampak agad ako sa sahig at tinitigan niya lang ako at parang pinipigilan niyang tumawa.

"Hindi mo ba ako tutulungan?!" singhal ko. Anong klase siyang asawa?

"Akala ko ba kaya mo?" natatawa niyang usal. Ang lalim ng kanyang boses.

"Oo pero . . . " Wala akong maisip na dahilan. Itinaas ko 'yong mga kamay ko. Nahihilo na talaga ako. "Tulungan mo 'ko."

"You're so different when you're drunk. It's kinda amusing."

Tinulungan niya akong makatayo pero nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at saka siya pumasok sa elevator. Mukha talaga kaming bagong kasal sa lagay na 'to. Otomatiko na namang dumantay ang mga kamay ko sa dibdib niya.

Tila hindi mapakali ang aking mga kamay kung wala itong hinahawakan.

"Stop. You're harassing me."

I pouted. "But I want to touch you."

Natahimik siya sa sinabi ko. Nakita ko na umigting ang kanyang panga. That's so hot. Nasampal ko bigla 'yong sarili ko dahil sa naisip ko. I'm not in my right mind and my brain is so foggy.

Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa ginawa ko.

Nagbukas ang elevator at lumabas siya rito habang buhat-buhat ako. Tahimik lang kami pareho hanggang sa huminto siya sa tapat ng room ko. 

"Card," he said, his warm breath sending shivers to my neck down to my spine. 

"Ha?" Hindi ako nakatuon sa sinabi niya dahil nadi-distract ako sa lapit ng bibig niya sa aking leeg. His breath smells like pepper mint, it's so cold and refreshing. Tiningnan ko ang kanyang labi at muntikan ko nang ilapat ang aking labi rito kung 'di lang siya nagsalita.

"Your room card, where?"

"Oh!" I giggled and grabbed my card from my small sling bag. "Tada!"

Umiling siya saka kinuha mula sa kamay ko 'yong card. Pagkaraan ay nabuksan niya ang pinto at saka siya pumasok at saka niya ako walang pag aalinlangang itinapon sa kama. 

"Ouch!"

"You're so heavy."

What he said made my blood boil.  "Ayan ka na naman! Lagi mo na lang ba pupunan ang hitsura ko? Kanina tiningnan mo ako na parang ang laswa ko tingnan tapos ngayon sasabihan mo ako na mabigat? So ano, baboy na ba ako sa paningin mo?" naiinis kong usal. Siguro dahil na rin sa lasing ako kaya ang lakas ng loob kong magsalita ng ganito.

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon