Chapter 10: Lights, Camera, Action!

17.9K 1K 471
                                    

Bumalik ako dito sa bahay para kumuha ng damit. Today is the day that I'll be meeting his parents and my parents are invited for formal meeting between both parents. Kailangan namin 'tong gawin para mas kapani-paniwala ang pagpapanggap namin. 

The thing is . . . I don't know what to wear. Ang babaduy lahat ng mga dress ko and I only have formal attires for work. If I want to look presentable, the right thing to do is manghiram ng dress kay Amber pero as if naman gagawin ko 'yon. 

"Anong susuotin ko?" tanong ko kay Dani sa kabilang linya. She's still not convinced that I'm married but she's helping me anyway.

"May flowy dress ka ba diyan?"

"Wala."

"Tangina itapon mo na 'yang closet mo, walang kwenta!"

"Dani!" 

"Girl, you're rich! Masyado bang kawalan sa savings mo kapag nag shopping ka ng mga damit? Kaya mo ngang bilhin ang isang mall!" pagaalaburto niya sa kabilang linya. "Wait! Remember? May binigay sa'yo si Cooper no'ng 18th birthday mo? That set! You need to wear it!"

Oh right!

Nagkalkal ako hanggang sa may makapa akong tela sa pinaka dulo ng aking closet. Sa pagkakatanda ko, ibinigay 'to sa akin ni Cooper galing pa sa States. I only wore it once and never again. It's a square neck cream top paired with cream trousers. It looks simple yet regal. 

Cooper, you're such a lifesaver!

"Actually, don't bother wearing next time. Tatanggalin lang din naman 'yan ng asawa mo kapag kayong dalawa na la"

"Bye, Dani! Thank you!" pinutol ko siya, pati na rin ang linya. Basta kapag kausap ko siya, 'di talaga mawawala ang sexual innuendos.

Inilatag ko 'yong damit sa kama. Itinali ko saglit 'yong buhok ko para tingnan ang sugat ko. Tinanggal ko 'yong bandage na nakatakip dito at medyo namumula na lang 'yong parte na 'to.  'Di ko alam kung anong ginawa ni Medi pero medyo mabilis naghilom 'yong sugat ko.

Magpapalit na sana ako nang bigla na lang magbukas 'yong pinto at iniluwa nito si Amber. Agad siyang napatingin sa leeg ko at rumehistro ang galit sa kanyang mukha.

"You're such a b*tch. Are you doing this to me because Darrell chose me over you?!"

I gave her a blank stare. Anong problema niya? "'Di ko alam kung anong pinagsasabi mo."

"You're f*cking petty. Pati ba naman si Ivan?!"

Napataas ako ng kilay. "Why? 'Di mo ba inaasahan na kaya ko ring kunin kung anong meron sa'yo?" I paused. "Oh right, Ivan was never yours in the first place kaya paano ko siya aagawin sa'yo? You're just one of his obsessed fans so stop acting up."

Hinawakan ko 'yong sugat ko at may naisip akong kalokohan na nagpataas sa sulok ng aking labi. "Alam mo na siguro kung anong mga ganap sa buhay ni Ivan dahil lagi kang nakatutok sa anumang balita patungkol sa kanya. Pero ito siguro ang hindi mo alam." Itinuro ko 'yong leeg ko. "Kung gaano siya kabangis sa kama."

Nangilabot ako sa sinabi ko. I'm not typically like this. I'm still a virgin! 

"You're lying." Inirapan niya ako.

Umirap din ako pabalik. Of course. I'm lying. 

"Yeah, sure. Bahala ka." Kinuha ko 'yong dress ko at napahinto nang makita ko kung anong suot niya. It seems like siya pa mismo ang ipapakila sa sobrang attention seeking ng suot niya. She's wearing a red spaghetti strap dress with a slit on her left thigh. 

"I'm bringing Darrell with me." Nginisian niya ako. Oo, kasama siya mamaya sa bahay ng magulang ni Ivan since she's part of the family.

Kung sa tingin niya maapektuhan ako ay nagkakamali siya. "Okay. Do whatever you want."

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon