Chapter 37: Copper Heart

17.6K 1K 399
                                    

Last Chapter Before Epilogue
Trigger Warning: Graphic Content

**

May naririnig akong kaluskos sa paligid na siyang nagpagising sa akin ngunit 'di ko maimulat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay may takip ito. Ramdam na ramdam ko na ang lubos na panghihina ng katawan ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero ang init. Pakiramdam ko ay niluluto ako ng buhay. Muli kong narinig ang kaluskos sa paligid, para bang may metal na kumkuskos sa sahig papalapit sa kinaroroonan ko.

My brain is hazy, still trying to process what is happening. After a couple of seconds, everything clicked. 

Cooper.

He was the last person I saw. The person who I trusted the most was a wolf in a sheep's clothing. 

Nagitla ako nang aramdaman ko ang malamig na paglapat ng bakal sa aking balat. Napagtanto kong ikinakadena niya ako sa kinahihigaan ko. Pagkatapos ng ilang minuto, tinanggal niya ang telang nakatakip sa mata ko ngunit nagulat ako sa bumungad sa akin.

Si Helios.

"Wakey wakey," sabi niya sa mapang-inis na tono.  "You don't look too Good, Scarlett."

He's smiling. It was creepy.

"Nasaan ako?" Lumingon ako sa paligid ngunit 'di ko mapalagay kung nasaan kami.

"No hello? Ouch." Hinawakan niya ang kanyang dibdib.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ginagawa mo rito? Ikaw ba ang may pakana ng lahat ng ito?"

Tumawa siya nang malakas na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "I'm just here for the drama. That's all."

Drama? Anong tingin niya sa sitwasyon ko? Isang malaking palabas? 

"Fuck you."

"With pleasure."

Ayokong ibuhos ang natitira kong lakas sa kanya kaya hindi ko na lang siya pinansin at nag pokus sa paligid. Tumingin ako sa sahig at napansin ko na may mga nakaukit na mga marka rito. 

Nasa isa kaming lumang gusali. Malawak ito ngunit halatang abandunado na. Para itong makalumang simbahan na matagal nang hindi ginagamit. Tumingala ako at nakita ko ang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa gusali. Wala na kasi 'yung bubong ng simabahan, marahil natangay ito sa mga nagdaang bagyo.

Napangiwi ako dahil nakaramdam ulit ako ng kakaibang kirot sa aking dibdib. Mas madalas na ito kaysa sa dati.

"Huy, 'wag ka pang mamamatay." Hinawakan niya ang aking pisngi saka ngumisi. Pinasadhan niya nang malagkit na tingin ang aking katawan. "Papakinabangan pa kita."

Tumindig ang aking balahibo at parang babaliktad ang aking sikmura sa narinig. "Tangina mo. Sisiguraduhin kong mauuna ka."

Tumawa na naman siya. Para siyang nasisiraan ng bait. "Ayaw mo ng sabay?" Hinawakan niya ang aking hita at hinimas ito.

Wala akong magawa para alisin ang kamay niya sa katawan ko dahil naka kadena ako. Nakasuot pa rin ako ng hospital gown at medyo tumaas ang laylayan ng aking damit at bago pa man tuluyang tumaas ang kanyang kamay sa pagitan ng aking hita ay sumigaw ako. "Sabay kayo ni Cooper! Putangina mo!"

"Cooper? Ah, Cooper! Muntik ko nang makalimutan na 'yon na pala ang pangalang ginagamit niya ngayong panahon."

Ngayong panahon? "Anong ibig mong sabihin?" 

"Cooper is just one of his many names but his real name is—"

'Di siya natapos dahil nakarinig kami ng yapak ng paa papasok sa gusaling kinaroroonan namin.  Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Biglang lumamig ang paligid at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang takot na bumabalot sa gusaling ito. "Speaking of the devil."

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon