Chapter 18: The bet

17.4K 1K 151
                                    

I've been playing with my pen for almost ten minutes. Maaga ko kasing tinapos ang aking trabaho at hinihintay ko na lang na mag go signal si tita para makauwi na ako. Kinuha ko 'yong phone ko at tinext si Cooper.

Me: 

Where are you?

Cooper: 

Crime scene, may mga bangkay na namang natagpuan.

Me: 

Send me the location.

Cooper: 

Why? It's dangerous.

Me: 

'Di ba napag usapan na natin 'to?

I drum my nails on the table. Kailangan ko pa siyang kulitin para ibigay niya sa akin 'yong location.

Finally, tita gave me the go signal. Hinablot ko ang aking blazer at pouch at saka lumabas. Pinunatahan ko agad ang location na sinend ni Cooper at napadpad ako sa mapunong parte ng siyudad na 'to.

"Hoy, Peklat!" pang-aagaw niya sa atensyon ko. There goes that ugly nickname again. My shorten name is Scar at kapag trinanslate sa tagalog, peklat. Ang dami niyang alam.

"Peklat? Seriously?" Nilapitan ko siya at pansin kong tapos na sila sa pag iimbestiga at wala na 'yong bangkay.

"I'll call you what I want," sabi niya at saka sumandal sa kanyang sasakyan. "Bakit gusto mong makipagkita? Atat ka na naman bang makita ang gwapo kong mukha?"

"Kupal." Sumandal na rin ako sa sasakyan niya. "Any findings?"

"Same as usual. Pale victims. Naliligo sa kanilang dugo. May sugat sa leeg. Kaunti na lang talaga ay maniniwala na akong bampira ang may kagagawan ng lahat ng ito." Tumawa siya at umiling.

"Paano kung bampira nga?"

"They don't exist, Peklat."

"Stop calling me that!"

"Peklat," pang-aasar niya lalo.

Sinapak ko siya pero tinawanan niya lang ako at nagbelat pa. Paano ko ba 'to naging kaibigan?

"As I was saying, paano kung totoo sila?" 

He sighed. "Kung totoo sila, 'di 'to magiging sapat na ebidensya pwera na lang kung makahuli tayo ng totoong bampira."

Napatahimik ako. Nag-aalanganin pa akong sabihin sa kanya ang sitwasyon ni Farah ngayon. She's currently hiding at my condo but she can't hide there forever. Kailangan kong gumawa ng paraan. 

"Paano kung may nahuli nga akong totoong bampira?" 

Tumingin siya sa akin na parang nasisiraan ng bait. "Sabi ko naman sa'yo na 'wag mong kakaligtaang uminom ng gamot 'di ba—aray!"

"'Di ako nagbibiro!"

"Maski ako! Kakapanood niyo 'yan ni Dani ng Vampire Diaries!"

Nanggigigil ko siyang kinurot kaya napasigaw ulit siya. Pagkatapos naming mag away ay pumunta kami sa isang malapit na coffee shop. Naalala ko ulit 'yong nangyari noong may sumugod sa amin. Mukhang wala talaga siyang naaalala.

"They're real, Cooper." 

"So are unicorns," sarkastikong sagot niya.

"Cooper . . ." Huminga ako nang malalim. He's not taking me seriously. "They are real. Like, real na real. As in, real!"

Paint Me RedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin