Chapter 7: Human blood-snack

18.5K 947 352
                                    

Napausog ako papalayo nang makita ko ang hitsura ni Ivan. He looks different from a while ago. His eyes' orb turned into the color of blood while looking at me. Pagkaraan ay naging abo ang katawan ng lalaki kanina pati na rin ang puso nito na hawak-hawak niya. I'm too stunned to speak. Napahawak ako sa dibdib ko, trying to calm myself.

Is he going to the same with me?

The color of his eyes turned back into normal at naglakad siya papalapit sa akin kaya napapikit ako. I didn't notice that I'm already shaking in fear. 

"Why did you marry me if you're this scared of me?" 

Is he serious? Nakita ko siyang kumitil ng buhay sa mismong harapan ko at sa tingin niya hindi ako matatakot? Napamulat ako at nakita ko siyang nakaluhod sa harapan ko.

"Sa tingin mo ba papatayin kita?"

Walang pag aalinlangan akong tumango. Hanggang ngayon naalala ko pa rin 'yong banta niya sa akin. 

"Don't worry, I won't since you're interesting." Inilahad niya 'yong kamay niya sa harap ko. "Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung paano mo naaalala lahat ng mga naganap kahit na tinanggal ko 'to sa memorya mo. It seems like you're immune to my powers?"

Tiningnan ko 'yong kamay niya na duguan. Should I accept it? Kung hindi ko ba 'to tatanggapin, papatayin niya ako? 

"Nangangalay na kamay ko."

I sighed and accepted his hands. Napangiti siya at saka niya ako tinulungang tumayo. My knees still feel like jelly as I stood up, he noticed this so he didn't let go of my hand. Pumunta kami sa loob ng sasakyan niya at nakita ko 'yong coin purse ko na nakapatong sa passenger seat. Ah, ito siguro 'yong dahilan kung bakit siya bumalik. Kinuha ko 'to at akmang aalis pero pinigilan niya ako.

"Where are you going?"

"Maghihintay ng bus?" 

"Gusto mo ba ulit maatake ng mga kagaya niya?" Itinuro niya 'yong abo na itinatangay na ng hangin. "You're going with me."

"Akala ko ba may pupuntahan ka?" 

Napatingin siya sa sugat sa kamay ko kaya sinundan ko 'to ng tingin. Medyo dumudugo pa rin 'to.

Dugo.

Dahan- dahan akong tumingin kay Ivan. Vampires get excited when they see blood, right? But it seems like he's unaffected. May kinuha siya sa loob ng sasakyan niya at saka niya kinuha 'yong daliri ko na may sugat. 

"Don't do something stupid next time." He wrapped the band-aid around my finger. "I'm only doing this because your blood is getting stronger. You may attract someone like him again if I left you here."

"Thank you."

Napataas siya ng kilay. Oh right. Of course he's not concerned. Gaya ng sinabi niya, 'I don't want a dead wife'. That's because may utang pa ako na kailangang bayaran sa kanya. 

He drove me home after that. Sinabi ko sa kanya 'yong address ko at pagkatapos ay wala na ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa nakarating ako sa bahay. No exchange of goodbyes. Umalis din agad siya pagkatapos at pumasok na rin ako sa bahay. My mind and body is too tired to process what happened.

***

Nagising ako kinabukasan at unti-unting nag sink in sa akin ang naganap kahapon. Napatingin ako sa daliri ko para siguraduhin kung 'di ako nananaginip pero nando'n pa rin 'yong singsing. I smiled to myself, I managed to get married before this week ends. Umalis na ako sa kama nang mapansin ko na parang may kaguluhang nangyayari sa sala.

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon