Chapter 28: Priest

16.2K 992 138
                                    

The moment I open my eyes, I found myself sleeping on something hard. Bumangon ako at tumingin sa paligid para lang malito sa nangyayari. Anong ginagawa ko rito? Sa pagkakaalam ko nasa office ako. Ba't ako narito sa simabahan?

Unti-unting rumehistro sa akin ang nangyayari at agad akong napatakip ng bibig bago pa ako makalikha ng ingay. 

Nasa pinaka huling row ako sa upuan ng simabahan at sa harap naman ay may mga taong nakasuot ng itim na balabal. Sa tantya ko ay nasa bente ang mga tao ngayon sa loob. Lumingon ako sa paligid, naguguluhan pa rin kung paano ako napadpad dito. 

Palihim akong sumilip mula rito sa pinagtataguan ko at ngayon ko lang napansin ang isang babae sa harapan. Nakahiga ito sa communion table na para bang isang alay. Nakasuot siya ng puting bestida at nakatali ang kanyang katawan para 'di siya makaalis.

Anong nangyayari rito?

Kinapa ko ang bulsa ko at mahinang napamura dahil 'di ko dala ang cellphone ko

Abala ako sa pag-iisip kung paano aalis dito na 'di napapansin ng mga iba ngunit 'di rin kaya ng kuryusidad ko na umalis dahil sa nangyayari ngayon. Ano bang meron? Bakit parang may iaalay sila—

Naalala ko muli 'yung pinuntahan namin ni Cooper kanina na simbahan. Ito 'yon. Kaya pala pamilyar. Ibig sabihin . . . totoo nga 'yung kulto na sinasabi nila? Napatakip ako sa bibig ko. Gusto kong magmura nang malakas.

Napatingin ako sa paligid at may nakita akong mga balabal sa gilid kaya kumuha ako ng isa at isinuot ito. 

Medyo madilim ang paligid at tanging liwanag mula sa buwan na nanggagaling sa bintana sa itaas at ang mga torch light sa gilid ang nagbibigay ng liwanag. Pakiramdam ko bumalik ako sa sinaunang panahon. Idagdag mo pa ang lumang estraktura ng simabahan.

Dahan-dahan akong tumayo upang makihalubilo. Ang ingay ng paligid. May binibigkas sila na 'di ko maintindihan, para bang isang ritwal. Sabay-sabay pa sila. 

MMay malamig na kamay ang humawak sa kamay ko at muntik na akong mapasigaw sa gulat. 

"Buti nakarating ka," nakangiting wika ng dalaga na siyang nakausap ko rin kanina. "Malapit na dumating ang pari."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hinila niya ako bigla papunta sa harapan kung saan mas malapit doon sa babaeng nakahiga sa gitna. "B-Bakit siya nandiyan?" tanong ko.

Sinamaan niya agad ako ng tingin na ikinaba ko. May mali ba akong nasabi?

"Papalagpasin kita dahil baguhan ka pa lang dito." Kumalma siya at muling bumalik ang maamo niyang tingin. "Nandiyan siya dahil siya ang napili ng ating pari para subukan kung katanggap-tanggap ba siya bilang isa sa itinakda. Kalimitan ay 'di namin kinukwenstyon kung sinong iaalay ngayon dahil ang ating pari lang ang nakakaalam."

Kita ko sa mga mata ng babae ang takot kaya mas lalo akong kinabahan kung paano siya gagawing alay.

May busal ang kanyang bibig kaya 'di siya makalikha ng ingay pero kita ko sa kanyang mga mata na para bang nagsisisi siya ngayon na narito siya.

"A-Anong gagawin sa kanya?"

"Malalaman mo rin. Paparating na siya. Yumuko ka."

Sakto ay may narinig ako mga yapak na papasok rito. Yumuko ako tulad ng sinabi niya. Nagbukas ang pinto rito sa simbahan at may pumasok at tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa altar. Pagkalagpas niya sa akin ay medyo naamoy ko ang kanyang pabango at parang pamilyar ito sa akin. 'Di ko lang maalala kung saan.

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon