Chapter 9: Consequence

17.3K 1K 111
                                    

The lights went out again, kasunod ang isang napakalas na kulog mula sa kalangitan. My heart beats fast as I realize what's happening. This is the consequence of marrying him.  I was given a chance to run earlier but I don't understand why I stayed. Tila ba may pumipigil sa akin na umalis at 'wag siyang iwan na mag-isa.

Napadaing ako nang hablutin niya ako sa leeg at naramdaman ko ang likod ko na tumama sa pader. Nasagi ang vase na nasa tabi nito na naging dahilan ng paglikha ng napakalakas na ingay. 

"You smell so f*cking good," aniya at tinanggal niya 'yong buhok na nakaharang sa leeg ko. Halos nakadikit na ang katawan niya sa akin sa sobrang lapit namin.

Kung kanina, ako ang nagkusang nagtanggal sa buhok ko, ngayon ay tila nabaliktad ang sitwasyon. Para siyang uhaw na uhaw habang nakadikit ang kanyang bibig sa aking leeg. Sinubukan ko ulit tawagin ang pangalan niya ngunit tila ba wala siyang naririnig.

It seems like he's out of control right now.

Ito ba ang ibig sabihin ni Zennica? 

Hindi ko alam kung si Ivan pa ba ang kausap ko. This version of him is much harsher and more terrifying. His light brown hairs are ruffled into a mess as if he's been gripping it too hard but I don't know the reason why.

What happened to him? Bakit siya nagkakaganito?

Natatakot ako ngunit hindi ba nasa usapan namin 'to? Na ibibigay ko sa kanya ang dugo ko kung kailan niya gustuhin?

"Are you not going to beg me to stop?" he coldly whispers against my ears. He nibbled my earlobe and bit it softly as if he's teasing.

Umiling ako. Kanina ko pa inihahanda 'yong sarili ko sa sakit. Halos 'di na ako humihinga dahil alam kong anong oras ay kakagatin niya ako sa leeg. Ngunit hanggang ngayon, 'di pa rin niya ito ginagawa. Tila nasisiyahan siya sa natatakot kong mukha at nanginginig kong katawan.

"I-I told y-you, tutuparin ko 'yong usapan natin." Napalunok ako nang maramdaman ko 'yong pangil niya na medyo gumagasgas sa balat ko. 

May utang pa ako sa kanya na hindi pa niya nasisingil. Siguro ito na nga 'yong oras para ibigay ko na ito sa kanya. Kahit kinakabahan ay hindi ako nanlaban. Hinayaan ko siya hanggang sa naramdaman ko ang dulo ng kanyang pangil na nakaposisyon sa aking leeg.

"Do it . . ."

"You don't have to tell me twice, Princess."

And in that moment, I felt his fangs on my neck, slowly piercing my flesh. Nanlaki ang mga mata ko at 'di ko magawang sumigaw dahil parang bumara ang boses ko sa aking lalamunan sa sobrang sakit.

Nakaramdam ako ng mainit na likido na tumutulo pababa mula sa aking leeg hanggang sa tuluyan na nga niyang ibinaon ang kanyang pangil at doon lang ako napasigaw. 

Walang pag aalinlangan niyang kinagat nang malalim ang aking leeg. Napahawak ako nang mahigpit sa matitipuno niyang braso habang rumirehistro ang sakit sa buo kong katawan. Akala ko titigil na rin siya sa wakas ngunit mas lalo lang niya isiniksik 'yong bibig niya sa leeg ko. 

Agad akong nangalay sa posisyon ko sa sobrang bigla at panghihina.

Nararamdaman ko na na matutumba ang aking katawan kaso naramdaman ko bigla 'yong kamay niya sa baywang ko at agad niya akong binuhat. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Huminto siya saglit at parang may tinanggal siya dahil nakarinig ako ng ingay bago niya ako ibinagsak sa lamesa.

That freaking hurts.

Hindi pa man ako nakakakurap ay muli niyang isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ko at muling kinagat ang pwesto kung saan niya ako kinagat kanina.

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon