PAINT ME RED

54.2K 1.3K 286
                                    

"Be my husband for a year," I proposed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Be my husband for a year," I proposed. Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yong lakas ng loob ko para sabihin ang mga salitang 'to. 

He puts his cigar on his lips and puffs a cloud of smoke while looking at me as prey. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka siya tumawa nang mahina. I know he's laughing at me sarcastically but I can't focus on that because his voice is so deep, it's so alluring.

Ano ba, Scarlette! Focus!

I know I'm far from his type. He dated a lot of A-list celebrities and I'm just here looking like a potato. Hindi naman sa minamaliit ko 'yong sarili ko kaso wala talaga akong kaayos-ayos sa katawan dahil kadalasan ay lubog ako sa trabaho. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita.

"Is that a yes?" Silence means yes, 'di ba? 

Nagulat ako nang bigla siyang naglakad papalapit sa akin habang humihithit sa yosi niya. Pagkaraan ay huminto siya sa tapat ko at saka niya  ibinuga 'yong usok sa mukha ko. Napaubo tuloy ako.

"I'm not interested," sabi niya at saka siya lumayo sa mukha ko.

I sighed. Alam kong hindi ito magiging madali. Sino ba namang papayag agad sa isang tao na nagdedemanda na pakasalan mo siya? Siguro mukha akong desperada sa paningin niya ngayon. But I need someone to be my husband by the end of this week and I need it to be him!

"I'll do anything! Hinding hindi ako haharang sa anumang gusto mong gawin, if you want, we'll live separately. You can see other women while we're in this marriage━"

"Is that the best you can offer?" He looks uninterested. Tumingin siya sa relo niya at saka niya kinuha 'yong mask niya na nakapatong sa gilid. May nagaganap na after party ngayon ang mga sikat na celebrities dito sa isang sikat na hotel at nasa balcony kami ngayon. Sinakto kong pumunta dito nang mapansin ko na umalis 'yong babaeng kasama niya kanina. Talagang nagmakaawa pa ako sa kaibigan ko para lang makalusot ako sa party na 'to.

"Move," he said in a bored tone.

"Wait!" Hinarangan ko 'yong daan at nagdadalawang isip pa ako sa gusto kong mangyari. Napahawak ako sa leeg ko at saka lumunok. I guess, I'm really desperate because I think this is the only way I can make him agree. I can't back out.

"You . . . You can drink my blood anytime you want if you agree to marry me." 

Yes, I'm desperate enough to offer my blood. 

He looked at me as if I'm crazy. Nagulat ako nang bigla ulit siyang tumawa. His laugh is so sinister that it sent shivers down my spine. "I don't know what you're talking about, Ms. Now, move while I'm still asking nicely."

He doesn't know what I'm talking about? Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin 'yong gabing 'yon. Ang lalaking nakita ko no'ng gabing 'yon ay walang iba kundi si Ivan Reagan at hindi ako nagkakamali. Sariwa pa rin sa utak ko 'yong mapupula niyang mga mata at mga dugong nagkalat sa bibig niya. 

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon