Chapter 42- Last Night

328 8 2
                                    

Hello Readers,

Sorry kung napatagal ang UD ko, pero ito na ang pinakahihintay niyo..

Enjoy Reading.

Lorrien's POV

Nagising ako sa bisig ni Aldrine, nawalan ako ng malay sa sakit, kirot, hapdi ng sugat at kalam ng aking sikmura. Inikot ko ang aking paningin, isang gasera ang nagsisilbing ilaw sa maliit na silid na pinaglagyan sa amin ni Aldrine. Hindi kami nakagapos kaya malaya kaming kumilos sa loob ng silid, pinilit kong umupo sa papag.

" A-aldrine, bakit mo pa ako pinuntahan?" tanong ko sa kanya. Dapat ay hinayaan niya na lang ako ditong mag-isa, gusto kong makaalis dito pero ayoko namang may madamay na iba.

" Ano ka ba Lorrien, kahit saan ka mapunta susundan kita" sabi niya. Tinitigan ko ang mga mata niyang nangungusap, bakas ang sensiridad dito.

" Dapat hindi ka na sumunod, p-paano kung, pa-paano kung hindi na tayo makalabas ng buhay dito" sabi ko sa kanya. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakas ang takot sa aking dibdib.

" Tiwala lang Lorrien, ilalabas kita ng buhay dito" sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

" Natatakot ako, takot na takot ako Aldrine" sabi ko sa kanya. Natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari... Natatakot ako na baka hindi na kami makalabas dito.. Natatakot ako sa maaaring gawin nila sa amin.

" SSsshhhh, andito na ako Lorrien hindi kita pababayaan" bulong niya sa akin. 

" I'm so sorry.. *sob*" bulong ko sa kanya.

" Sorry *sob* kung lagi na *sob* lang kita napapahamak *sob"bulong ko pa.

" Sorry *sob* sorry talaga kasi lagi na lang akong pabigat" dagdag ko pa.

" Shhh tama na kahit kelan hindi ka naging pabigat" bulong niya sa akin.

" Tska ako naman may kasalanan kung bakit ka nila kinuha, kasalanan ko ito kaya ako ang dapat mag-sorry. Sorry Lorrien kasi nadadamay ka pa sa mga pinag-gagawa ko." sabi niya sabay pahid ng mga luha sa mata ko.

" Iyakin ka pa rin" sabi niya sabay pitik sa noo ko. Napatawa ako sa ginawa niya.

" Kasi naman, nagdadrama ako tapos *sob* nakakainis ka" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

" Kasi naman iyakin ka pa rin, tignan mo tulo sipon kana" pang-aasar niya.

" Nakakainis ka talaga" sabi ko sa pagpapalo sa kanya.

" Huwag mo kong paluin, mauubos energy ko niyan. Paano kita mapagtatanggol? Iyakin ka pa rin paano kita niya mapapakawalan kung lagi mo naman akong kailangan" sabi niya. 

* akward silence*

" Sorry kung napapagod ka na sa akin" sabi ko.

" Hindi sa ganun, ano ka ba" sabi niya.

" Alam ko naman na napapagod ka na sa akin, sino ba naman kasing tanga ang magtitiis sa katulad ko. Hahaha" pilit kong tawa pero patuloy ang tulo ng luha ko.

" Shhh Lorrien ano ba?" sabi ni Aldrine. Pinilit niyang punasan ang mga mata ko pero hinawi ko ang kamay niya.

" Naiintidihan ko naman, kasi kahit ako naiinis na sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang tanga ko" sabi ko sabay pigil sa mga luhang namumuo sa mata ko.

" Tama na, hindi ka tanga. Tigilan na natin to" saway ni Aldrine.

" Please naman Aldrine hayaan mong ilabas ko to," pakiusap ko.

" Ang tanga ko, tanga tanga ko kasi lagi kong binabalewala ang mga sakripisyo mo. " sabi ko.

" Ang tanga ko para hindi makita kung gaano mo ako kamahal" dagdag ko.

" Bakit ba ang tanga ko, para hindi mapansin ang mga ginagawa mo para hindi na ako masaktan. Bakit ba kasi pinipiliit ko ang sarili ko sa hindi na pwede, bakit ba kasi umasa ko sa wala na namang kahahantungan. " sabi ko pa.

" Naiinis ako sa sarili ko kasi NAPAKATANGA ko kasi hinyaan pa kitang mawala. Hinayaan kitang lumayo sa akin bago ko maisip na MATAGAL NA PALA KITANG MAHAL." sabi ko 

" Alam ko naman na kasalanan ko kaya maiintindihan ko kung ayaw mo na sa akin pero sana hayaan mong masabi ko sayo ito."

" MAHAL NA MAHAL KITA ALDRINE MIGUEL BENITEZ"

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now