Chapter 48- The secret unfolds

221 3 3
                                    

Efreem's POV

Nakita ko siya, nakaupo sa loob ng chapel. Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago ako lumapit. Sa tuwing makikita ko siya may kirot akong nadadama sa puso ko. Si Lorrien, ang babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko at ang tanging taong gusto kong makasama sa pagtanda ko. Ngunit napakapait ng tadhana para sa aming dalawa, pareho kaming naipit sa isang sitwasyon at nang dahil sa maling pagpili nawala sa akin ang lahat. Kung maibabalik ko lang ang lahat, kung mababago ko lang ang nakaraan siguro magkasama pa rin kami ngayon.

Minsan gusto kong magalit sa mundo dahil pakiramdam ko nadaya ako, gusto kong manisi kasi nawala sa akin ang taong pinakamamahal ko. Ngunit sabi nga nila lahat ng bagay may dahilan at maniwala tayong may inihanda ang Diyos na mas makakabuti para sa lahat. 

" Kanina ka pa diyan?" tanong niya sa akin. Natauhan ako bigla ng marinig ang boses niya. Automatiko kong pinunasan ng mga luha sa pisngi niya at naupo sa tabi niya.

" Salamat, Kamusta si Janine?" sunod na tanong niya. 

" Tell her the truth, gusto kong maging masaya ka. Malay mo mahal ka pa ni Lorrien, at kapag nalaman niya ang katotohanan. Alam kong maiintidihan na niya kung bakit mo siya iniwan" 

" Efreem, alam mong napakahirap nito para sa akin. Alam mo namang mahal kita diba? Pero gusto kong malaman mo na gusto kitang makitang masaya. Sabihin mo sa kanya ang totoo and let her decide. Huwag ikaw lang ang magdesisyon and besides she deserves to know the truth."

" Efreem, nakatulala ka naman" sabi ni Lorrien. 

" I still love you" sabi ko. Ang tagal kong kinimkim pero ngayon susugal ako sasabihin ko sa kanya ang totoo. Tama si Janine, she deserves to know the truth.

" Efreem, please alam mong hindi na pwede" sabi niya sa akin ng biglang tumulo ang luha sa mga mata niya.

" Kasi may mahal ka ng iba, tama ba?" tanong ko sa kanya. 

" Ang tagal tagal kong hinintay na sabihin mo sa akin na mahal mo pa rin ako pero bakit ngayon lang. Bakit kung kelan napagod na ang puso ko?" tanong niya sa akin. Napahinto ako at nag-isip.

" May mga dahilan ako, pero sa lahat ng mga ginawa ko para sa iyo yun. Para sa ikabubuti mo." sabi ko sa kanya. 

Sa dami ng beses na pinagtabuyan mo ko palayo, sa ilang pagkakataon na umiyak ako sa harapan mo at sa dami ng panahon na kinailangan kita pero wala ka dahil nasa piling ka ng iba. Ngayon sabihin mo sa akin, paano ako maniniwala na mahal mo pa talaga ako?" sabi niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang naghihintay sa mga susunod na sasabihin ko.

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon