Chapter 23- Wait for me!

396 6 5
                                    

Lorrien's POV

" I'm with her MoM"

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala si Aldrine sa tabi ko. Lagi niya na lang akong nililigtas, lagi na lang siyang dumadating sa tuwing kailangan ko siya.

" anak ikaw pala kasama niya"

" Sino pa ba, ako boyfriend diba?"

" ah sige mauna na ako at sinusungitan mo na ako. Bye Lorrien bisita ka sa bahay bukas, dun ka na magdinner"

" ah sige po" sagot ko at sabay beso sa kanya

Napaupo na lang ako sa upuan at nasubsob ang ulo ko sa lamesa. Paano na kaya kung hindi dumating si Aldrine?

" Nasan si efreem?" tanong niya

Tinignan ko lang siya sa mga mata hindi ko talaga alam ang sasabihin  sa kanya

" PuTa kung hindi ka rin niya kayang ipagtanggol Gago talaga"nagulat ako sa lumabas sa bibig niya

Hinatak niya lang ako at sinakay sa kotse niya hindi ko alam kung saan kami pupunta.Ngayon ko lang ulit siya nakitang nagalit ng ganito. Chineck ko yung phone ko at nakita kong nagtext si Efreem sa akin at sinabing nauna na siya.

From: Efreem

Babe nauna na ako baka mahuli pa tayo. ilove you Ingat sa pag-uwi. Sorry talaga!

Napabuntong hininga na lang ako kung hindi pala dumating si Aldrine magmumukha pala akong tanga dun.

Tama ba talaga na balikan ko pa si Efreem?

Paulit-ulit yang tanong na yan sa utak ko. Tama ba ito?

Huminto yung sasakyan niya at tinitigan ko lang siya. Napansin kong may sugat siya may ilalim ng labi niya. Hinawakan ko yun pero inalis niya yung kamay ko.

" Masakit ba?" yan na lang ang lumabas sa bibig ko

" sobrang sakit na" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko

Hinatak niya ako papalapit sa kanya at niyakap niya akong ng mahigpit. Hindi ko alam pero napahagulgol na lang ako. Lahat ng sakit na tinatago ay nailabas ko na lang bigla.

" Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka" sabi ko sa kanya habang nakasandal sa balikat niya ang ulo ko. Nagpapahangin kami at tinitignan ang buwan

" pero hindi pa rin ako ang mahal mo" sagot niya na alam mong asar na asar siya

Tumayo siya at pinagsusuntok yung kotse niya

" Puta bakit ka niya pinahihirapan ng ganyan alam niya bang halos mamatay na ako sa sakit para maging masaya ka lang" sigaw niya at kita kong dumudugo na ang kamao niya

Kaya lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit.

" Please Aldrine tama na hindi niya kasalanan ako rin naman may gusto nito, tama na masasaktan ka na" sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya at patuloy ang pag-iyak

Humarap siya sa akin at pinunasan ang luha ko

" kaya nga kita pinakawalan para maging masaya ka pero t@ngna, masasaktan ka rin pala"

" kaya ko, kayo ko naman"

" Bakit hindi niya makita ang halaga mo pota hindi niya ba alam na may mga taong handang mamatay makasama ka lang t@ngna"

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.

" Konti na lang, alam ko namang mapapagod na itong puso(sabay turo sa puso) ko kakahabol sa kanya at pagdating ng panahon na iyon pwede bang tayo na lang? alam kong selfish pero gusto ko lang siguraduhin yung nararamdaman ko. Na kapag tayo na gusto ko ikaw na talaga ang laman ng puso at isip ko. Sorry kung pinaghihintay kita pero sana huwag kang mapagod sa akin. Pwede bang hintayin mong matauhan ako. Please kasi kung mawala ka hindi ko na talaga kaya" sabi ko pagkatapos ko siyang halikan

" kahit hindi mo naman sabihin hihintayin kita" sagot niya sa akin

At pagkatapos noon hinalikan niya ulit ako.

Alam kong konti na lang susuko na yung puso ko para kay Efreem...

konti na lang mamahalin ko na si Aldrine

________________

Hello Readers!

Ano masasabi niyo? Malapit ng matauhan ang ating bida,, whahah kmusta naman ang ating Lover boy kinilig naman ako diyan. sana may ganyan pang lalaki diba??

VOTE.COMMENT.RECOMMEND.

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now