Chapter 31- It's not over

367 6 3
                                    

Efreem's POV

Ilang beses ko siyang sinubakang tawagan pero patay ang cp niya, ilang beses ko siyang gustong lapitan pero iba ang kasama niya. Sa mga nakalipas na araw wala akong ginawa kung hindi pagmasdan siya sa malayo.

Hanggang tinggin na lang ba ako?

Hanggang pangarap na lang ba kami?

Diba ako naman may gusto na makita siyang masaya?

Ako naman pumili nito pero bakit ang sakit-sakit.

Nakita ko siyang palabas habang nakaakbay si Aldrine. Gusto kong magwala, gusto kong pumatay ng tao. Ang sakit, para akong pinapatay. Sinundan ko sila hanggang sa malapit na silang makalabas sa company.

" LORRIEN" tawag ko sa kanya. Nakita kong napahinto siya sa paglalakad. Napangiti ako ng maisip na kahit anong mangyari meron pa rin akong epekto sa kanya.

Lumingon siya sa akin at unti-unti niyang binitawan si Aldrine. Lumapit siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. Sa oras na ito siya lang ang nakikita ng mata ko at siya lang ang laman ng isip ko.

" Efreem" sabi niya. Namiss ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Namiss ko siya, namiss ko kung paano niya ako lambingin, namiss ko kung paano niya ako  alagaan, namiss ko kung paano siya nagtatampo sa akin. Namiss ko kung paano niya ako mahalin.

" Mahal na mahal pa rin kita" sabi ko sa kanya. Alam ko na walang papalit sa kanya dito sa puso ko. Siya lang ang mamahalin ko hanggang nabubuhay ako.

" Kahit sabihin ko pang mahal kita ngayon wala na ring halaga yun" bulong ko niya sa akin. Nasaktan ako ng marinig ko yun mula sa kanya. Alam kong ako ang may gusto na sumaya siya sa piling ni Aldrine pero bakit ganun, ang hirap pala.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit, para maparamdam ko sa kanya na ayaw ko na siyang pakawalan.

Napapagod na ba siya?

Isusuko na niya ba ako?

Hindi na ba niya kaya?

Sobra na ba siyang nasasaktan?

" Lalaban tayo."bulong ko sa kanya. Hindi kami dapat sumuko dahil alam ko hindi kami sasaya kung mapupunta kami sa iba. Lalaban ako hanggang dulo para sa kanya, para sa aming dalawa.

" Wag na nating ipilit, tayo rin masasaktan sa huli". sabi niya sa akin. Biglang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Pakiramdam ko sinaksak ang puso ko. Hindi ko kaya kapag sumuko siya. Paano na ako, paano na kami.

 Kumawala siya sa yakap ko at lumakad na siyang palayo. Bawat hakbang niyang palayo parang dinudurog ang puso ko. Pakiramdam ko kapag hinayaan ko pa siyang lumayo hindi na siya babalik.

Kailangan kong gumawa ng paraan dahil alam kong konting panahon na lang tuluyan na siyang mawawala.

Konti na lang mahuhulog na siya kay Aldrine.

 Hindi ko kayang mawala siya.

Naramdaman kong may yumakap sa akin, si Janine andito pala siya. Tinulak ko siya at umalis ako pumunta ako sa parking lot pero sinundan niya pa rin ako.

" T@ng-ina wag ka ng sumunod ikaw ang dahilan na lahat ng ito" sigaw ko sa kanya. Nakakainis kung hindi dahil sa kanya hindi kami magkakahiwalay ni Lorrien.

" Ano masaya ka na ba?Puta." dagdag ko pa. Ang sakit- sakit gusto kong ilabas ang sakit dito sa puso kasi hindi ko na kayang itago ko dito. Sobra na para sa akin.

Napahampas na lang ako sa harapan ng kotse ko at pinag-sisipa ng gulong nito. Pinipigilan niya ako pero tinulak ko lang siya.

" Tumigil ka na Efreem, oo inaamin ko na kasalanan ko naman talaga. Ako may gusto nito" sigaw niya sa akin.

" Pinili ko to pero bakit hindi ako masaya" sabi niya at naiyak na rin siya. Hindi ko siya pinansin napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko pupunasan ang mga luha niya dahil siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Wala akong panahon para patahanin siya kasi pati ako nasasaktan.

" Hindi mo ba makita, hindi ka na niya mahal. Hindi ka na mahal ni Lorrien" sigaw niya sa akin.

" Mahal niya ako, ako lang ang mahal niya" sigaw ko sa harapan niya. Ako lang ang mamahalin ni Lorrien hindi ako makakapayag na may mamahalin siyang iba. Hindi ko kaya.

" Masaya na siya, hayaan mo na siya" sagot niya sa akin.

" Sinasabi mo lang yan kasi gusto mo sukuan  ko na siya at ikaw  na ang mahalin ko. Kahit mamatay ka pa sa harapan ko si Lorrien pa rin ang mamahalin ko" sabi ko sa kanya. Alam ko nasobrahan ako dun pero masakit eh puta. Minsan kailangan mong saktan ang isang tao para malaman niya kung saan siya lulugar.

Sumakay ako sa kotse ko at iniwan ko siyang mag-isa dun...

Janine's POV

" Sinasabi mo lang yan kasi gusto mo sukuan  ko na siya at ikaw  na ang mahalin ko. Kahit mamatay ka pa sa harapan ko si Lorrien pa rin ang mamahalin ko"

" Sinasabi mo lang yan kasi gusto mo sukuan  ko na siya at ikaw  na ang mahalin ko. Kahit mamatay ka pa sa harapan ko si Lorrien pa rin ang mamahalin ko"

" Sinasabi mo lang yan kasi gusto mo sukuan  ko na siya at ikaw  na ang mahalin ko. Kahit mamatay ka pa sa harapan ko si Lorrien pa rin ang mamahalin ko"

Hindi ako makahinga sa sobrang iyak  at bago ko pa namalayan ay nawalan na ako ng malay...

______________

Hello Readers!

Ano masasabi niyo sa chapter na ito? Ang sakit naman nun, nasobrahan ata si Efreem kay Janine. Ang sakit grabe.

Promote ko lang ang isa ko pang story We're all guilty presents" ASSUMING QUEEN"

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now