Chapter 49- Undecided

122 3 2
                                    

Now Playing: "Awit ni Ginny"

Lorrien's POV

" Bakit ayaw mong pumasok?" nabigla ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Janine, nginitian ko lang siya bilang tugon.

" Hinahanap ka niya. Simula pa lang ng magising siya ikaw na ang gusto niyang makita" dagdag pa niya.

Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mata ko. Sa totoo lang naguguluhan ako, dalawang linggo na ng magising si Aldrine pero wala pa rin akong lakas ng loob na harapin siya, harapin silang dalawa. Ayaw kong makasakit, ayaw kong mamili.

" Still Undecided? Naguguluhan ka. Alam mo hindi masosolve ang problema kung iiwasan o tatakbuhan mo lang."sabi niya. Ilang minuto kaming nabingi sa katahimikan bago ako nagkalakas ng loob para sabihin ang nilalaman ng puso ko.

" Sa mga panahon na malungkot ako si Aldrine ang nandiyan para sa akin. Siya ang naging pag- asa ko."

" Noong mga panahon na puro na lang mali ang nangyari sa buhay ko, dumating siya."

" Sa mga panahon na kinailangan ko si Efreem, siya yung nandiyan para saluhin ako sa tuwing nadadapa ako. Siya yung nandiyan para patahanin ako. Higit sa lahat siya yung nandiyan para ipadama na mahal niya ko. At yung pagmamahal ni Aldrine yun ang naging susi para gumaling yung mga sugat sa puso ko."

" Mahal ko ang kapatid mo Janine, alam mo yan. Kaya lang..."

" Kaya lang nalaman mo yung totoo?"

Napatango na lang ako bilang tugon. Mahal ko si Aldrine, alam ko yun sa puso ko pero..

" Siguro nga mahal mo pa talaga si Efreem. " biglang sabi niya, Napayuko na lang ako sa sinabi niya kahit ako naguguluhan,

" Sa bagay ang tagal ng pinagsamahan niyo, alam kong di ganun kadali itapon yun. Hindi kita masisisi. Minahal mo si Aldrine kasi siya yung andiyan sa tabi mo, siya yung sumalo sayo nung gumuho ang mundo mo. Siya yung taong hindi ka tinalikuran. Pero ngayong nalaman mo ang totoo nahihirapan kang magdesisyon, Kasi kung kumabaga sa pagkain si Aldrine yung nakahain at walang kang choice kundi kumain kasi gutom kana, pero ngayong may pagpipilian kana. Siya pa rin ba?"

" Kung kapatid ko man ang pipiliin mo, sana piliin mo siya kasi siya talaga ang mahal mo at hindi dahil siya yung nandiyan nung malungkot ka, Kasi kapag ganun parang tumatanaw ka lang ng utang na loob, " sabi niya sabay tapik sa balikat ko,

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now