Chapter 46- In God's Perfect Time

209 4 1
                                    

Hello guys, Please continue to support my works. God Bless!

Enjoy Reading!

Lorrien's POV

Napaluhod at nagdasal, patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kapag nawala si Aldrine. How can I say goodbye to the one I love? Kahit kakaunting pag-aasa panghahawakan ko, mabubuhay siya. Kailangan niyang magising. Napahugolgol ako sa sitwasyon namin ngayon, iligtas niyo po Lord si Aldrine. 

" Mahal na mahal ka niya" may tumapik sa balikat ko. Si Janine, ngumiti siya sa akin ngunit patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata niya.

" Noong nalaman ko na nasamalubhang kalagayan si Aldrine gumuho ang mundo ko. Tanggap ko na kasi na mamamatay na ako pero yung posibilidad na mauna pa sa hukay yung kapatid ko, sobrang sakit lalo na kapag nakikita ko sila mommy and daddy. Sa totoo lang nagalit ako sayo, sobra tapos naisip ko wala namang may gusto ng nangyari lahat tayo naipit lang sa sitwasyon. " sabi niya. Napahagulgol ako sa narinig ko, alam ko naman kasing kasalanan ko.

 " Nakakapagod din pa lang magalit sayo, nakakapagod rin pa lang manisi. Buong buhay ko kasi sinisi ko sa ibang tao kung bakit naging miserable ang buhay ko pero ang totoo ako lang naman talaga ang may kasalanan. Totoo pala yun, na kapag malapit ka ng mamamatay, makakapag-isip isip ka tapos unti- unti mo matatanggap sa sarili na ikaw talaga ang may mali.  sabi niya habang pinupunasan ng luha sa kanyang mga mata. Tinignan ko siya at nginitian, halata sa katawan niya na may iniinda siyang sakit. Napakatapang niyang babae, 

" I'm sorry Janine" sabi ko sa kanya. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi ako mapapagod humingi ng tawad.

" No. Lorrien It's all my fault. I'm so sorry for being selfish. Sorry talaga" sabi niya habang humahagulgol. Kita sa mga mata niya ang sensiridad.

" I know sorry would not be enough for all the pain I caused you. I know sorry would not be enough to bring back time."

" But I hope sorry would be enough for you to forgive me" sabi niya sabay patuloy ang luha.

" All my life, sinisi ko ang mga tao sa paligid ko kung bakit naging miserable ang buhay ko. I'm so sorry for being unreasonable, nagalit ako sayo kahit ang totoo napakabuti mong tao. I have to admit it, I hate you because I want to be in your shoes. I envy you Lorrien, I envy your life. Alam kong ako itong may mali, everytime na nakikita kita naaawa ako sa sarili ko. Siguro kasi lahat ng ginusto ko, nasayo. Pamilya, na susuporta at magmamahal sayo ng buong buo. Lalaki na magmamahal sayo ng buong puso."

" Sorry kasi naiinggit ako sayo, at kung sakaling sabihin na sayo ni Efreem ang totoo. Sana mahanap mo pa rin sa puso mo na mapatawad ako."

" Mahal ka ni Efreem, ako lang naman itong pinagpilitan ang sarili sa kanya. Gusto kong malaman mo na walang oras na nawala ka sa isip at puso niya. Hindi ka kayang palitan ng kahit na sino kasi lahat ng pagmamahal inilaan na niya para sayo. Siguro nga may mga desisyon siya na ginawa na naging dahilan para masaktan ka, pero  alam mo ba na nasaktan din siya ng sobra. Na may mga bagay na ginawa siya, ginawa niya yun para sa ikabubuti mo."

" Alam ko, hindi magtatagal ipagtatapat niya sayo ang totoo, sana lang magkaroon ka ng lakas ng loob na pumili kung sino sa kanilang dalawa. May masasaktan pero kasama naman talaga yun sa buhay."

" Si Aldrine, mahal ka ng kapatid ko. Handa siyang magsakripisyo maging masaya ka lang. Makukuntento siyang mahalin ka sa malayo, buong buhay niya binantayan ka niya. Minahal ka niya ng di mo namamalayan. At alam kong pati buhay niya kaya niyang isuko maging ligtas ka lang.

Lumuhod siya sa harapan ko, pilit ko siyang pinapatayo. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

" Isang lang paki-usap ko, kahit sino man ang mapili mo sa kanilang dalawa. Sana ituring mo na tunay mong anak ang anak ko. Sayo ko siya ihahabilin. Alam kong mamahalin mo siya ng buong buo. Huwag mo siyang hayaang matulad sa akin, pakiusap Lorrien mahalin mo siya at pilitin mong maging isa siyang mabuting tao. Paki-usap, ituturing ko itong malaking utang na loob sayo.

" Tumayo ka na Janine, pangako aalagaan ko ang anak mo at ipapakilala kita sa kanya."

" Sorry din Janine, napakasaya ko kasi akala ko hindi na tayo aabot sa ganitong sitwasyon. Yung magkakapatawaran. Janine, hindi ko kailangang mainggit sa akin. I don't have the perfect life and I just learned to be thankful with what I have. These past few months, ang dami kong natutunan. Nasaktan ako, nagalit, nagtanong sa mga nangyari sa buhay ko. I thought my life was perfect hanggang sa unti- unting gumuho ang mundo ko. Dati ang simple lang ng tingin ko sa buhay, akala ko laging masaya.

" Sa isang iglap pala pwedeng mawala ang lahat, at kahit anong iyak pa ang gawin mo wala na talaga. Wala ka na lang magawa kundi tanggapin. Everything happens for a reason, you just have to trust the Lord. Hindi naman niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kaya at sigurado mapapadala siya ng mga tao na tutulong sa atin.

" I remember my mom told me that no matter how good you are there is always someone who is better than you. So it's not a good habit to compare yourself."

" Siguro dun ka nagkamali, kasi nagcompare kaya akala mo may kulang sayo pero hindi. Lahat ng meron ka sapat na yun na dahilan na maging masaya ka. You just have to learn to value what you have and strive to be the best."

Nagyakapan kami, " Kaya natin ito, ano man ang mangyari ipagpasaDIYOS natin". bulong ko sa kanya.

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now