Chapter 52- Welcome Back

80 3 0
                                    


Lorrien's POV

" Finally, nakabalik na rin tayo" sabi ni Mommy ng nagland ang airplane na sinasakyan namin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Limang taon akong nanirahan sa Cali, lumayo ako para maging okay. Lumayo ako para hanapin ang sarili ko. Alam ko sa loob ng limang taon madaming nagbago kagaya ko. Ang dami ng nagbago sa akin masasabi ko na sa loob ng limang taon naging independent ako. Natutunan kong huwag irely ang kaligayahan ko sa mga kamay ng ibang tao. Natutunan ko na kung may magpapasaya sa akin okay yun. Mas naging passionate rin ako sa mga ginagawa ako, binibigay ang best ko sa lahat ng ginagawa ko para walang panghihinayang sa huli.

Hindi naging madali ang paglayo ko. Noong mga unang buwan ay sobrang lungkot ko, nagkukulong langa ko sa kwarto at umiiyak. May mga panahon pa nga hindi ako makatulog kakaisip kay Aldrine. Kung okay ba siya? Kung masaya ba siya?

Hanggang sa dumating yung araw na nagising ako at naisip ko na kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Niremind ko ang sarili ko kaya ako lumayo para maging okay ako. Kaya pinilit kong maging masaya. Nag-aral ulit ako at kung may free time ay nagvovolunteer ako para makatulong sa mga pinoy na naabuso o kaya mga batang fil-am na ulila. Noong mga panahon  na yun unting- unti naghilom ang sugat sa puso ko. Unting unti ulit ako nagkaroon ng purpose sa buhay.

" Are you okay?" tanong sa akin ni Mommy. Napansin niya siguro na malalim ang iniisip ko. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.



" Lorrien" sigaw ni Gelin. Kaya napatakbo ako sa kanila kasama niya si Efreem. Niyakap ko siya ng mahigpit. Miss na miss ko itong bestfriend ko. Alam kong magtatampo siya sa akin dahil hindi ko siya kinontak pero sa tinigin ko kasi mas mabuti kung ganun.

" I miss you" bulong ko kay Gelin at bumaling ako kay Efreem. Nakatitig siya sa akin at nakangiti pero kitang hindi tagos sa kanyang mga mata ang saya. Nalulungkot talaga ako para sa kanya.

" Bakit hindi mo sinama si Jackie. Miss you Efreem" sabi ko at niyakap siya. Inaasahan ko kasi na kasama niya ung makulit at cute na anak nila ni Janine.

" I miss you too Lorrien, ang dami mo ng utang sa inaanak mo" sabi niya sa akin. Oo kinuha nila akong ninang ni Jackie. Actually hiling yun ni Janine, gusto niyang maging inaanak ko si Jackie at gusto niyang ituring ko itong sariling anak.

" Kaya nga, Ilalabas ko si Jackie. One of these days para magbonding kami. Sasama kaya sa akin yun." tanong ko. Sa skype ko lang kasi laging nakikita yung bata baka manibago kapag sa personal na.

" Oo naman ang tagal na nga niya hinihintay ang pag-uwi mo" sabi ni Efreem habang papasakay na kami.

Dumerecho kami sa isang resto para kumain. Nagkwentuhan lang kami sa loob ng dalawang oras habang kumakain. Nasabi pa nga ni Gelin na nagtatampo siya at di ako nagparamdam. Nagsorry na lang ako at sabi ko busy ako dahil di ko naman masabi na ayaw kong makarinig ng balita kay Aldrine kaya di ko siya kinontak. Walang kahit isang nagkwento tungkol sa kanya. Wala akong balita sa kanya. I wonder kung kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya? May pamilya na kaya siya? Alam kong ako ang nagtulak sa kanya palayo pero umaasa ako na sana hinintay niya ko. Dahil ngayon masasabi kong handa na ko, na kaya ko na siyang mahalin na walang hesistations at reservation. Na ngayon maibibigay ako na ang puso ko sa kanya ng buong buo.

" Samahan mo ko mamaya ha" bulong ko kay Efreem. Napakunot ang noo niya. Hinihintay ang sagot ko kung saan ako magpapasama sa kanya.


Dalawang taon na ang nakalipas ng namayapa si Janine. Oo lumaban pa siya sa sakit niya at sa kahit konting sandali ay nakasama niya ang anak niya. Nakakalungkot nga lang isipin na wala ako dito sa mga huling sandali ng buhay niya para makapagpaalam. Wala ako dito sa tabi ni Efreem para alalayan siya habang nasasaktan siya.

Pinagmasdan ko lang siyang umupo sa tabi ng puntod ni Janine. Nilagay ko ang bulaklak na dala ko habang sinisindihan ni Efreem ang kandila. Hinawakan niya ang lapida ni Janine. Umihip ang malakas na hangin.

" Kamusta na Janine, sana masaya kana. Ako eto hindi ko pa rin matanggap ang lahat" sabi ni Efreem. Tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Umupo na ko sa tabi niya. Niyakap ko siya, sana kahit konti maibsan ang sakit.

" Shhhh. No Efreem. You have to let her go" sabi ko kay Efreem. Pinatanong niya ang ulo niya sa balikat ko. Kahit na malayo kami ay hindi kami nawalan ng communication, tumatawag siya sa akin lagi sa skype kaya nakita ko kung gaano siya nasaktan sa pagkawala ni Janine.

" Hindi ko pa rin matanggap. Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako. Sana kasi pinahalagahan ko siya para kahit papaano ay naging masaya sa piling ko." sabi niya sa akin. Oo, sinisi ni Efreem ang sarili niya sa pagkawala ni Janine. Nagagalit siya sa sarili niya na hindi niya napansin nung una na may sakit ito. Lagi niyang naiisip na kung hindi niya binalewala si Janine at kung sana kahit paano pinahalagahan niya ito ay sana naging masaya siya.

" No Efreem, you did your best hindi mo siya iniwan hanggang dulo. Andiyan ka hanggang sa ipikit niya ang mga mata niya at alam kong kahit papaano naging masaya siya." sagot ko sa kanya.

"  Nung nawala siya tsaka ko nakita yung halaga niya. Ang laki kong gago. Lorrien hindi ko deserve sumayo. Dapat sa akin magdusa, dapat sa akin mamatay mag-isa" sabi niya. Niyakap ko siya. No hindi yung totoo, napakabuti niya. Naipit lang siya sa sitwasyon.

" Efreem, look at me. Kung nasa man si Janine ngayon I'm sure malulungkot siyang nagkikitang nagkakaganyan ka. " sabi ko sa kanya.

" Efreem you have to move on. Alam ko hindi magiging madali pero ito ang tamang gawin. Huwag mong hayaang mastuck ka diyan sa darkest part ng life mo. Tanggapin mo na hanggang dun na lang si Janine. Wala na tayong magagawa Diyos na ang nagdecide. Tahimik na si Janine." dagdag ko pa.

" Pero kasi araw- araw nagsisisi ako." sagot niya.

" Dalawang taong Efreem siguro sapat na yun para maging malungkot ka. Efreem ipagpatuloy mo na ang buhay mo. May anak kapang aasa sayo. Hanapin mo na siguro muna ang sarili mo, magpakalayo layo ka na muna kung gusto mo Ako na bahala kay Jackie. Aalagaan ko siya. Please Efreem gawin mo ang lahat para maging okay ka para sa sarili mo at sa anak mo." sabi ko sa kanya.

Naaawa ako kay Efreem, nakikita ko sa kanya ang sarili ko. Noong mga panahon na iniwan niya ko para akong ibon na napilayaan ng pakpak. Kahit anong pilit kong lumipad hindi ko magawa. Pero hindi naman pedeng itigil ang buhay dati lang nasasaktan tayo.

Sana mahanap ni Efreem ang sarili niya. Sana maging okay siya. Napakabuti niyang tao. Naalala ko tuloy yung sulat na binigay niya sa akin bago ako umalis at bago ako magdesisyon na i let go si Aldrine.

Lorrien,

I love you and it hurts na alam kong may pumalit na sa akin diyan sa puso mo. I'm sorry kung naguguluhan ka. Huwag kang mag-alala tanggap ko naman na may iba na. Suntok sa buwan lang ito umaasa ako na baka pede pa. Pero ayaw kitang mahirapan kaya I'm letting you go. Hangad ko ang kaligayan mo. I love you and I always will.


Noong binigay niya ang sulat na iyon ang natauhan ako. Naisip ko na hindi ko sila deserve pareho dahil pareho ko silang ayaw pakawalan. Pero narealize ko na kung hindi ko sila ilelet go pare-pareho ko kaming masasaktan.


Alam ko namang mas matimbang ang pagmamahal ko kay Aldrine pero di ko makakaila na may nararamdaman pa ko kay Efreem at tingin ko unfair kung pipiliin ko si Aldrine. Na dapat kung siya ang pipiliin ko sigurado ako at walang reservation.



Thinking of YOU...Where stories live. Discover now