Chapter 5- My Bestfriend

569 15 2
                                    

Please vote for this chapter!

Gelin's POV


Andito na kami ngayon sa bahay ni Dianne. Nitong mga nakaraang buwan dinadala ko si Lorrien kung saan saan. Inaaya ko sa party, bakasyon at ngayon gumawa pa talaga ako ng reunion para lang sa kanya. Lahat gagawin ko para sa kanya para ko na siyang kapatid tsaka dapat lang to sa lahat ng kabutihan na ginawa niya sa akin.

Si Lorrien ang pinakamabait na taong nakilala ko. Hindi niya kayang magalit sa ibang tao. Mas pipiliin niyang masaktan kesa makasakit. Hindi ko alam kung bakit ang bait nito pero siguro kasi maganda yung buhay niya kaya ang sarap niyang kasama. Siya yung taong hindi mag-iisip ng masama sa kapwa niya. Pero alam kong mahina siya, hindi siya sanay sa ganito kaya hindi ko siya hahayaang mag-isa. Andito lang lagi ako para sa kanya.

Napahinto ako sa kaiisipin ng tinawag ako nila Lorrien at ng mga kaibigan namin.

" Gelin what are you doing here? Kanina ka pa namin hinahanap." sabi niya. Napansin kong kasama niya pala si Marie.

" gumamit lang ako ng comfort room" sagot ko sa kanya

" Tara na sa garden, nag-iihaw na sila" sabi ni Marie sabay hila sa akin.

##################

" Alam niyo namiss ko to, yung kumain kasama kayo" sabi ni Jenna habang parang maiiyak na. Sa lahat ng magbabarkada siya yung pinakamatalino.

" Sino ba naman kasi nagsabi na humiwalay ka samin noong college, hayan nagdadrama ka tuloy" biro ni Dianne. Ang pinamapagbiro sa barkada, siya yung laging nagpapasaya sa amin. Sa kalokahan ba naman ng babe na yan.

" Tama na nga yan, kumain na lang tayo tsaka magkwentuhan sa mga nangyari sa mga buhay buhay natin" awat ni Marie. Siyaa peacemaker ng barkada. Naalala ko pa siya ang laging nagpapaphinto sa amin ni Dianne kapag nagkakainitan na kami.

The best talaga ang highschool life parang gusto ko tuloy ulit bumalik sa pagkabata. Yung tipong wala ka masyadong iniintindi, yung patakas ka na nakikipagdate at naglalakwatsa. Sarap lang diba, yung hindi kumplikado ang buhay mo at ang tanging iniisip lang ay yung mga exam, quizzes at recitation. Namiss ko na talaga ang buhay ko dati.

" Naalala ko pa nga si Efreem nung JS PROM ang sweet kaya hayan napasagot si Lorrien" kwento ni Marie habang parang mahulog na sa kilig sa upuan.

Napahinto ang lahat sa tawanan at tumingin lahat kay Lorrien. Hindi ko rin pala nasabing napadulas ng dila ni Marie, lagi kaming napapahamak sa kadaldalan niya.

" Oh masayado kayong hot may nasabi ba akong mali?" tanong ni Marie sabay kagat ng chicharon.

" Wala na kami Marie" sabi ni Lorrien sabay ngiti pero parang maluluha na siya. Sa tagal na pagkakakilala ko kay Lorrien, hindi na siya masayahin gaya ng dati. Nagbago siya simula ng umalis si efreem sa buhay niya.

" I'm sorry" sabi ni marie na may halong simpatcha sa kanyang mukha.

" Guys, remember Jaydee? Yung stalker ni Gelin. My ghad ang gwapo na niya at kasal na sila ni Gelin" sabi Lorrien. Napailing na lang ako

" Guys, comfort room lang ako"paalam ni Lorrien sabay tayo.

" Kuha lang ako ng drinks" paalam ko para masundan si Lorrien.

#TokTokTok#

" Lorrien, are you okay?" tanong ko sa kanya. Kilang kilala ko na siya kung kelan siya malungkot at tunay na masaya.

Binuksan niya yung comfort room at bakas ang namamaga niyang mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

" Thank you so much for the hug Gelin. I need it badly" bulong niya sa akin.

" It's okay. Let's go baka hinahanap na nila tayo" sabi ko sa kanya.

Pagkatapos kong kumuha ng mga drinks ay nauna siyang lumabas papuntang garden pero kumunot ang noo ko ng huminto siya sa paglakad.

" Lorrien, what's wrong--------" tanong ko sa kanya pero narinig na mismo ng dalawa kong tenga ang kadahilanan.

" Napagod na din pala si efreem kay Lorrien, natauhan din. Paano ba naman kasi nakakapgod din naman mag-aalaga. Mukhang tanga na nga si efreem ng dahil kay Lorrien "

" anuo ba kayo huwag nga kayong ganyan"

" Bakit totoo naman diba? Nakakaasar naman talaga si Lorrien, pakiradaman niya kasi sa kanya umiikot ang mundo na tumitigil ang pag-ikot into kapag natutulog siya. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya."

" Kaibigan natin siya kaya hindi tama na pag-usapan natin siya."

Nabagsak ko ang inumin na dala dala ko sa galit. Ang kapal ng mukha nila para pagsalitaan ng ganyan si Lorrien. Pumalakpak ako para makuha ang atensyon nila para silang nakakita ng multo ng makita nila ako.

 " Hindi ko alam na may hinanakit pala kayong tinatago, ang kapal ng mga mukha niyo para pag-usapan si Lorrien habang nakatikod siya. Saaht ng kabutihan niya ganito ang isusukli niyo? Nakalimutan niyo na ba ang ginawa niya para sa inyo, Ikaw Jenna kanino ka lumalapit kapag walang pambayad ng tuition fee ang mga magulang mo? Kay Lorrien diba, pero sininggil ka ba niya? Diba hindi kasi tinuring ka niyang kaibigan. Ikaw Marie, sino nagtanggol sayo ng mga panahon na pinagtutulungan ka ng mga classmates natin. Si Lorrien diba ginawa niya yun ng mga walang kapalit pero ano?Ikaw----"

" Please Gelin tama na" sabi ni Lorrien habang umiiyak.

 " Sige aalis na tayo" sabi ko at umalis na kami ng tuluyan.

Naiinis ako sa knila mga taong sisiraan ka kahit wala ka ng ginawa sa kanilang masama. Mga taong ginawan mo ng mabuti pero winalanghiya ka pa rin.

" Don't mind them lorrien"sabi ko sa kanya. Hindi dapat iniintindi ang mga walang kwentang tao na kagaya nila.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now