Chapter 29- Don't look back

381 7 3
                                    

Aldrine's POV

Napakunot ang noo ng ipasok lahat ng secretary ko ang papeles na pag-aaralan ko. Puta natakpan na ako sa dami ng trabaho ko. Kaya ayokong magtrabaho sa company ni daddy, baka mawalan ako ng time para kay Lorrien. Nakakatuwa lang talaga at napakasupportive ng girlfriend ko. Tinignan ko ang cellphone ko para makita kong may text ba ako galing sa kanya.

3 Messages Received

From: Mahal ko.

Good Morning mahal ko. Kagigising ko lang, nagbreakfast na din ako.

Have a nice day. Call me if you have a free time.

Dinial ko ang number niya, ang hindi nagtagal ay sinagot niya na rin ang tawag ko. Rinig sa background ang malakas ng tugtog.

" Aldrine"

" Anong meron bakit ang ingay?"

" Nag-eexercise ako. Kamusta ka?"

" Ang dami kong paperworks mahal ko. I miss you"

" Sweet naman ng boyfriend ko. Miss na miss na din kita"

" Wag ka ng magluto mamaya mag-uuwi na lang ako ng pagkain"

" Ah.sige, sobrang stressful ba ng ginagawa mo?"

" Ok lang, ok na ako narinig ko na ang boses mo"

" Siguro mas magiging okay ka kapag pumunta ako diyan"

" Bakit pupunta ka?"

" OO pupunta ako sabay tayong maglunch."

" Thank you so much Lorrien"

" You're always welcome. Sige bye na para makapagready na ako"

" Ok bye. Ingat ka"

Tignan niyo ang swerte ko sa kanya diba? Kung pagod na ako ay gagawa siya ng paraan para maging maayos ang pakiramdam ko. Ginaganahan tuloy akong magtrabah kaya kahit ayoko naman talagang magtrabaho dito ay okay lang kasi iniisip ko para kay Lorrien ang ginagawa ko. Naiisip ko tuloy lahat ng ginawa ko worth it, ang pag-alis ko ng bisyo ko at pag-iwas ko sa gulo. Ayoko ko kasi siyang mapahawak ng dahil sa akin kahit dagat lalanguyin ko para sa kanya.

" Excuse me"

" Sir nandyan na po si Maam Lorrien sa labas"

"Papasukin mo na. Salamat"

Natuwa ako ng makita ko siang pumasok nagpout siya kaagad ang cute. Umupo siya sa couch tapos tinignan  niya lang ako kaya tumayo ako at pinuntahan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya.

" Ano problema ng mahal ko?" tanong ko sa kanya. Nakapout pa rin kasi siya mukha siyang bata. Nakakatuwa. Ang ganda niya talaga.

" Kasi naman ayaw akong papasukin ng secretary mo kanina, baka daw makaistorbo ako sayo" sabi niya sabay pout. Napangiti ako sa dahilan niya.

" Sinabi niya yun? Hindi ba niya alam na ikaw ang inspirasyon ko" sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya.

" Gusto ko tanggalin ko na siya sa trabaho niya?" tanong ko sa kanya. Loko naman kasi yung secretary ko sabihin ba naman na makakaistorbo si Lorrien.

" Anu ka ba, huwag mo siyang alisin kawawa naman ang pamilya niya kapag nawalan siya ng trabaho" sagot niya sa akin. Ang bait niya talaga diba?

" Bakit niya kasi sinasabihan ng ganun ang mahal ko" sabi ko sa kanya.

" Okay na ako Aldrine, huwag mo na siyang alisin sa trabaho" sabi niya sabay ngiti ng malaki.

" Okay, tara na maglunch na tayo" sabi ko sa kanya sabay hatak sa kanya patayo.

Naglalakad kami palabas ng office at nakaakbay ako sa kanya. Nag-ngingitian ang mga tao na nakakakita sa amin. Tapos binabati nila kami. Palabas na kami at hawak ko ang kamay niya ng bigla kaming may marinig.

"LORRIEN"

Hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay niya, hindi ko siya nilingon dahil ayokong makita kung ano ba ang naging reaksyon niya sa nakita niya. Hinatak ko siya para makaalis na kami pero hinatak niya rin ako pabalik. Bumilis ng tibok ng puso ko dumating na ba ang araw na kinakatakutan ko?

Bakit ngayon pa kung kelan hindi ko na siya kayang mawala?

Nilingon ko siya at nakita kog napako siya sa kinatatayuan niya, unti-unti niyang nilingon ang tunawag sa kanya. Unti-unti siyang lumingon kay Efreem. Parang binibiyak ang puso ko ng makita ko siyang nilingon si Efreem.

Unti-unting lumuluwag ang hawak niya sa kamay ko at ang kinalabasan binitawan niya ako. Para na ring pinakita niya na ganun lang kadali na isuko niya ako ng makita niya si Efreem. Na pagdating kay Efreem wala akong sinabi, na kaya niyang kalimutan ang pinagsamahan namin dahil lang sa isang tawag ni Efreem.

Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko. Ang bakla ko naman pero ang sakit lang talaga. Hanggang kelan niya ba ako iiwanan para lang kay Efreem? Ilang beses niya akong isusuko para lang makasama si Efreem? Dapat ko na ba talagang tanggapin na hindi niya ako kayang tanggapin hanggang andiyan si Efreem? Hanggang kelan ako magiging panakip butas?

Lumakad ako palayo sa kanila, hindi ko na ata kakayanin pang makitang magkabalikan sila.

Hanggang kelan ako magpaparaya?

Sumakay ako sa kotse ko, pinaandar ko lang ito. Putek lagi na lang ako akong tinatakbuhan niya kapag malungkot siya pero dahil sa isang tawag , isang tawag lang nakalimutan na niya ako. Kagaguhan lang talang umaasa kay Lorrien.

Nagpark ako at pinagsusuntok ang kotse ko. Napaupo na lang ako at patuloy ang pagdugo ng kamao ko. Pero mas masakit pa rin ang sugat sa puso ko.

Isang tawag lang nakalimutan na ako.

Isang tawag lang  tinalikuran na ako.

Isang tawag lang nagawa mo akong isuko.

Ang ako naman kasing si tanga umasa. Puntang-ina ang sakit talaga.

_____________

Hello Readers!

Sorry po sa mga mura ni Aldrine. Nasaktan kasi pagpasensyahan. Ano masasabi niya sa chapter na ito? Ito na po ang kinatatakutan ng marami sa inyo. Next chapter po malalaman ang nangyari sa harapan ulit ni Efreem at Lorrien.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن