Chapter 4- What If

655 17 2
                                    

 Please Vote for this chapter.

 Paano nga ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko na bang tanggapin na mananatili na ito sa puso ko?Siguro nga hindi na mawawala ang sakit at dumadating na lang yung panahon na masasanay ka pero hindi ibigsabihin na hindi ka na nasasaktan. Mapapagod ka na lang umiyak at matututo kang ngumiti kahit alam mo sa sarili mong hindi ka naman talaga masaya.

 Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan na wala siya sa tabi ko nalaman kong kaya ko naman pala pero may kulang nga lang. Yung parang uminom ka ng kape na walang asukal, kumain ng kare-kare na walang bagoong o nagsayaw ka ng walang tugtog.  Yung kahit anong gawin mo alam mong may mali at hindi magiging sapat kasi wala siya. Kaya wala akong magagawa kung hindi umasa na bumalik siya, na bumali yung dating kami  kahit gaano pa katagal. Basta ba bumalik lang siya....

Ngayon ay napupukaw ang aking atensyon sa pagbabasa ng libro at manood ng movies. Siguro kasi nakakagaan sa pakiramadam na alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito kaya dapat lumaban at wala akong karapatang magtanong sa Diyos kung bakit ganito. Na masarap na malaman na kahit anung sakit yung naramdaman nung bida dadating pa rin yung panahon na sasaya siya, na babalik yung taong minamahal niya. Oo.binibigayan ako ng pag-asa. Kung si Edward binalikan si Bella. Sabi ko babalik din sa akin si efreem.

Dear Claire,

"What" and "If" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if?   I don't know how your story ended but if what you felt then was true love, then it's never too late. If it was true then, why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don't know what a love like Juliet's feels like - love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I'd like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn't, I hope one day that you will.

All my love,

Juliet

Ito ang pinakapaborito kong part sa Letters from Juliet Yung letter ni Sophie kay Claire. Maganda yung letter. Nagbibigay ng pag-asa sa mga katulad ko. Na kahit gaano katagal ang hintayin mo. Na kahit gaano kahit hirap yung paghihirap ng naranasan mo. Umaasa ka lang at panghawakan mo lang yung pagmamahalan niyo.

Lahat tayo may tanong.. what if?what if?what if?

What if kung hindi kami naaksidente noon siguro masaya pa rin kami ngayon bumubuo ng pamilya. Halos gabi gabi kong iniisip yung mga tanong sa isip ko. paano kung?paano kya?Lagi akong nagtatanong kung paano kung naging tama yung desisyon ko magiging masaya  kaya ako ngayon. Siguro matatapos tayong masaktan kung sisimulang pigilan natin ang sariling tanungin ang mga bagay na alam nating tapos na. Ang mga bagay na hindi na magbabago.

Gusto kong maniwala na totoo yung sinabi na walang too late sa pagmamahal dahil kung mahal niyo talaga ang isa't isa kahit magkamali man ang ginawa niyong desisyon dadarating pa rin yung panahon na makakasama niyo pa rin ang isa't isa.

Handa akong maghintay kahit pumuti na ang buhok ko. Dahil kung talagang mahal mo yung tao. Magagawa mo yung mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo.

#TokTokToK#

Napahinto ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ko. Tunog na nagsisilbing hudyat na dapat bumalik na ako sa tunay na mundo ko.

" Ma'am Lorrien andito na po si Ma'am Gelin" sigaw ng kasambahay namin.

" Sige po baba na ako" sagot ko.

Tumingin ako sa salamin, pinunasan ko ang luha sa mata ko. Ngumiti ako, isang ngiti na nagsisilbing maskara sa tunay kong nararamdaman. Ngiti na binibigay ko sa mga taong nasa paligid ko. Ngiti na alam kong hindi umaabot sa mga mata ko.

 Ngumingiti ako kahit alam kong hindi naman talaga ako masaya. Hanggang kelan ko ba itatago ang tunay kong nararamdaman? Kelan kaya dadating ang panahon na tuluyan na akong magiging masaya?

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at bumaba na ako dahil ayoko namang paghintayin si Gelin.

" Hey" bati ko sa kanya sabay yakap.

" are you ready Lorrien? Let's go" tanong niya sa akin sabay ngiti. Nang ngumiti siya tinignan ko ang mga mata niya at masasabi kong masaya talaga siya.

" yeah" sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Napangiti ako ng makita ng maalala kung saan kami pupunta. Natutuwa talaga ako dahil naging bestfriend ko si Gelin, napakabuti niya hindi niya ako iniwan lalo na ngayong kailangan ko ng isang kaibigan. Papunta kami sa reunion na inorganize ni Gelin, mga high school friend namin ang kasama. Ang tagal ko na ring walang balita sa kanila, excited na akong malaman kung ano ang pingkakaabalahan nila ngayon.

" Hey, Gelin malapit na ba tayo. Saan ba kasi yung venue?" tanong ko sa kanya

" Sa bagong bahay daw ni Dianne. malapit na tayo" sagot niya sa akin ng hindi tumitingin.

" Grabe ang bilis ng panahon, namiss ko na talaga sila" sabi at hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

" Naalala mo ba yung mga kalokohan natin noong high school? The best talaga ang high scholl life" sabi niya.

" Oo nga naalala ko pa nga si Efre--------"

Tumingin lang sa akin si Gelin tsaka ngumiti, hindi talaga maaaring mawala si Efreem sa lahat ng pangyayari sa buhay ko. Lalo ko tuloy siyang namimiss, napabuntong hininga na lang ako.

" We're here" sabi niya.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now