Chapter 45- Under Her Facade

273 4 2
                                    

Author's Note: 

Hello, namiss ko kayo. Ito na po yung UD, sorry natagalan. Please continue supporting my works! I love you guys!

Votes and Comments are very much appreciated.

Efreem's POV

( Pag-ibig kong ito) Play niyo para feel na feel. HAHAHAHA

Napalunok ako bago buksan ang pinto ng hospital room ni Janine. Natatakot ako sa maaari kong makita, nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong mali kong lahat ito. Alam kong ako ang may pag-kukulang, ako ang may mali. Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ko ang pintuan, napahinto ako sa pagkakatayo ng makita ko ang kalagayan niya. 

Maputla at hinang-hina, isang imahe ng babae na alipin ng karamdaman. Nadurog ang puso ko sa nakita ko. Napatingin siya sa  kinaroroonan ko, bakas ang pagkakabigla sa mukha niya ngunit ng hindi naglaon binigyan niya ko ng ngiti. Isang ngiti na alam kong hindi umabot sa mga mata niya, naglakad ako papalapit sa kanya, pinigilan kong tumulo ang luha ko. 

" Long time no see Efreem" sabi niya. Nginitian ko siya. Gusto kong magtanong, gusto kong tanungin kung bakit hindi niya sinabi na dinadala niya ang anak namin at bakit hindi niya sinabi na may malubha siyang sakit.

Tumawa siya kahit na halatang pilit lang, napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ko siya titignan. Naaawa ako at higit sa naguguilty ako, dahil dapat sinamahan ko siya sa paghihirap niya pero pinagtulukan ko lang siyang palayo.

" Don't feel sorry about me Efreem. I deserve this, I'm such a pain in your ass, remember?" sabi niya.

" Bakit hindi mo sa akin sinabi?" tanong ko sa kanya. Buong loob kong tinignan siya sa mga mata, napaiwas siya ng tingin.

" If I told you that I'm dying, would you choose to live with me? Mamahalin mo ba ako? "sabi niya. Pinili niyang huwag tumingin sa akin.  

" Kung sinabi mo sa akin, sasamahan kita. Hindi ko hahayaang mag-isa ka." sagot ko. Kung nalaman ko lang, hindi ko pipiliin lumayo. Kung nalaman ko, baka mas naging mabuti akong asawa.

" That's the point, kung sinabi ko. Kakaawaan mo ko and that would be the last thing I want you to do.  Yung kaaawaan mo ko...." sabi niya. Napahagulgol na siya, lumapit ako at niyakap ko siya. Gusto kong maramdaman na nandito lang ako sa tabi niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, tinitigan niya ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Hinalikan niya ako sa labi ko.

" I love you, I love you so much and it hurts so bad." sabi niya habang nakakatitig sa mga mata ko.

" Do you still remember the night, the night you asked me to let go of you.?" tanong niya sa akin habang hawak ang pisngi ko. Tumango ako bilang sagot.

" That night, I realized how selfish I am. Honestly, wala talaga akong balak kang bitawan. I badly want you all for myself. Naisip ko, baka mahalin mo din ako. Gusto ko kasing maniwala na meron, merong pag-asa. Na maging ako yang laman ng isip mo, na maging ako ang tinitibok ng puso mo. I just want you to stay with me until my last day, without you knowing that I'm dying. Ayoko kasing kaawaan mo ko kasi buong buhay ko kinaawaan ko ang sarili ko." sabi niya.

" Hay bakit ko ba sayo sinabi sayo to,.." sabi niya sabay punas sa luha niya,

" I know, you think that I'm a tough girl. Na ang selfish selfish ko, na ang immature ko pero kasi buong buhay ko naghahanap ako ng attensyon. Nag-hahanap ako ng taong mamahalin ako ng buong buo. Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam na may ganito pa lang side si Janine na nasasaktan, na naghahanap ng pagmamahal.

" I'm so sorry, hindi ko alam" sabi ko sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.

" No, you don't have to be sorry for not knowing what I truly feel because all my life I never let anyone to see who I am." sabi niya.

" Growing up was not easy for me, what should I expect I am a fruit of infidelity. I did my best to be accepted, punyeta lang kasi pati ba naman pangalan ko paghihirapan ko pa. I had to follow certain rules, You should do this, you should do that. Sinunod ko naman gusto nila, pinilit ko namang maging mabuti pero nakakapagod din pala. Kaya sabi ko sa sarili ko, kailangan kong maging malakas. No matter what happen in my life I would never let anyone to see me in desperate situation. Never "

" I just need someone who will stay with me, who will not give up on me. Is it too much to ask Efreem?"

______________________

Naiyak pa ko ng sinusulat ko to. Feel na feel ko si Janine.

Sorry kung may mali, inaantok na talaga ako. Feel ko lang talagang magsulat.

Vote. Comment and Recommend.

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now