Chapter 44- She's dying..

402 11 14
                                    

Efreem' POV

Naalingpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Tumayo ako sa pagkakahiga kahit na labag sa loob ko, ngayon na lang ako nakatulog ng mahimbing tapos may istorbo pa.

5 messages received

Jaydee

To: Jaydee

Pare nakita na sila Lorrien, pumunta ka na dito sa *************** Hospital.

May kailangan ka ding malaman.

Yngat.

Nagmamadali akong pumunta sa sinabi ni Jaydee na hospital kahit na napakaaga pa. Nakita ko siyang nakaupo, lumapit ako sa kanya para malaman ang kalagayan ni Lorrien. Sana naman ay okay ang kalagayan niya.

" Jaydee okay naman ba siya?" tanong ko pagkaupo sa upuan niya. Nag-aalala ako kay Lorrien, sana walang masamang nangyari sa kanya.

" Okay naman siya, magigising din siya sabi ng doctor" sabi ni Jaydee. Napabuntong hininga ako sa narinig. Salamat sa Diyos.

" Pare may kailangan kang malaman na mas importante" sabi ni Jaydee. Mas importante, ano naman yun?

" Ano yun Pare" tanong ko. Tinitigan niya ako at napailing.

" Pare sumama ka sa akin at ikaw na mismo ang makadiskubre" sabi nito. Tumayo siya kaya sinundan ko na lang siya,

Nagpunto kami sa kwarto, napatitig kami sa pintuan. Parang ayaw pumasok ni Jaydee, ano bang problema para kasing naghahanap siya ng lakas ng loob para mabuksan ang silid. Nag-buntong hininga siya tsaka binuksan ang pinto, una siyang pumasok. Nang papasok na ako ay nakaramdam ako ng napakalakas ng kabog sa dibdib.

" Efreem pasok ka" aya sa akin ni Jaydee. Nag-pakawala muna ako ng ilang buntong hininga bago pumasok.

Napahinto ako sa aking nakita, hindi ako makalapit. Nakita ko ang isang imahe ng babae na namumutla at napakapayat. Hindi mo maikakailang may sakit ito, pero isa pang mas nakapag-pagulat sa akin ng makita ko ang nakaumbok niyang tiyan. Tinignan ko si Jaydee para ipaliwanag niya sa akin kung anong meron. Biglang nag-salita si Gelin, andito pala siya. Hindi ko napansin ang presensya niya.

" Buntis siya Efreem at ikaw ang ama" pagkukumpirma ni Gelin. Itatanggi ko pa sana ng muli kong maalala ang una at huli naming pag-nanaig. Naki-usap siyang sipingan ko siya para ibigay niya ang hinihinga kong kalayaan. Bakit ba hindi ko naisip na pwedeng mag-bunga iyon? Nakaramdam ako ng guilty, dahil iniwanan ko siyang mag-isa gayong dala- dala niya ang anak ko. Natatakot ako na sumbatan niya ako sa papaging walang kwenta kong tao pero nangingibabaw ang saya ko at excitement na makita ang bata.

" May napakalaking problema Efreem" sabi ni Jaydee. Napatingin ako sa kanya, anong problema ang sinasabi niya.

 " Hindi naman siguro ipagkakait sa akin ni Janine yung bata" sabi ko. Alam kong mabuting tao si Janine, handa siyang ibigay ang lahat para sa taong mahal niya.

" Hindi yun" sabi ni Gelin. Nagtinginan silang dalawa, nagpalitan sila ng mga makahgulugang titig.

" Ano kasi Efreem, may sakit si Janine" sabi niy Gelin.

" May lymphoma siya. Hindi siya pumayag na sumailalim sa iba't-ibang treatment kasi ayaw niyang isuko ang anak niyo" dagdag ni Gelin. Nanghina ang tuhod ko sa mga narinig, bakit hindi ko naisip na kailangan niya ako. 

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now